Olivia Sophie's POV
Ilang araw ng hindi pumapasok si Ethan..
Bakit kaya?
Tinanong ko na nga si Sir Tan kung bakit hindi siya pumapasok sabi naman nito e nag-leave daw siya ng 3 days. E lagpas na ng 3 days na siyang wala..
Sana okay lang siya..
"Bes!" Tawag sakin ni Athena. Kasama ko nga pala silang 4.
Nasa sm kami, Saturday kasi ngayon at day off ko.
Lumabas na kami para naman makapag-relax relax.
"H-huh? Bakit?" Tanong ko sa kanila.
"Kanina ka pa namin tinatanong kung saan mo gustong kumain." Sabi ni Natalie.
"Tulala ka na naman ate girl. Ano na naman ba iniisip mo? Day off mo nga ngayon. Kasama ka namin pero parang yung utak mo lumilipad." Sabi naman ni Andre.
"Sorry. Sige lang kung saan niyo gusto kumain." Sagot ko naman sa kanila at nag-start na ulit kaming maglakad.
"Pero seryoso Sophie. Ano bang iniisip mo ha?" Tanong sakin ni Athena.
"Si E----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko.
"Si Ethan ang iniisip niyan." Tumingin lang ako kay Allison na siya ang sumagot.
Bumalik naman ang tingin ko sa kanila.
"Bakit?" Tanong ulit ni Athena.
"Kasi----" hindi ko ulit natuloy.
"Kasi ilang araw na siyang hindi pumapasok sa Cambrey. Nag-aalala na." Tumingin naman ulit ako kay Allison. Aba.
"Bakit naman ilang araw na hindi pumapasok?" Tanong ulit ni Athena.
"Umu--" hindi ko ulit natuloy. Argh!
"According to sir Tan, umuwi daw ng Manila para isurprise daw yung mag-ina niya. Baka napasarap lang yung bonding nila kaya hindi na nakabalik agad dito." Tumingin ulit ako sa kanya at naiirita na talaga ako. "Tama ba ko Sophie?" Tumingin din siya sakin.
"Interpreter mo ba tong si Allison at siya ang sumasagot para sayo ha Sophie?" Si Andre.
"Ewan ko ba dito sa babaeng to. Pano mo ba nalaman lahat yan?" Tanong ko kay Allison.
"Sus kabisado na kita Olivia Sophie." Sagot naman nito sakin ni Allison.
"Hay tara na nga lang. Hayaan mo Sophie, babalik din dito yun. Alam kong mahalaga para sa kanya ang trabaho niya kaya wag ka na mag-alala jan." Si Andre.
"Wag kang mag-alala mahal ka---ang ibig ko sabihin mahal ang oras natin kung hindi pa tayo kakain. Tara na kasi!" Sabi ni Natalie. Ito na naman siya papaasahin na naman niya ko na sasabihin niya mahal daw ako ni Ethan.
Hindi niya natuloy yung sasabihin niyang yun dahil tiningnan siya ng masama ng mga ibang kaibigan pa namin.
Kaya naglakad na kami papuntang Mcdo. Doon kami kakain.
Naghanap ako ng upuan namin kasama ko si Athena pero sina Allison, Natalie, at Andre, sila ang mag-oorder ng pagkain namin.
Biglang nagring yung phone ko.
Unknown number
Sino naman to?
"Hello?" Sagot ko.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...