Ethans's POV
"Babe, gusto namin lumibot sa Baguio. Kelan free time mo babe?"
"Babe? Okay ka lang ba?"
"Babe?"
"DADDDDDDDDDY!!!" Aray!
Sinigawan ako sa tenga ng anak ko.
"H-ha?" Sagot ko kay Lucy.
"Kanina pa kita tinatanong. Ano bang nasa isip mo at ang lalim-lalim ata." Kanina pa pala ako kinakausap ni Lucy hindi ko napapansin.
Hanggang ngayon pa rin kasi, naiisip ko si Olivia.
Oo alam ko dapat hindi ko nararamdaman to dahil ex ko naman na siya at matagal na kaming wala. Dapat wala na kong nararamdaman. Pero hindi ko mapigilan mag-isip kung okay lang ba siya. Para kasing sobrang lungkot niya nung nakita niya kami nina Lucy.
Hay tama na nga Ethan.
Si Lucy ang mahal mo.
Siya lang Ethan.
Siya lang dapat.
Allison's POV
To: Sophie
Hi bes! Kamusta ka na? Miss na kita 😭😭
Pang-25 ko ng text sa kanya yan pero wala pa rin akong natatanggap na sagot galing kay Sophie. Hays. Hindi pa rin talaga siya nakakamove on kay Ethan. 2 araw ko na kasi siyang hindi nakikita sa Cambrey. E wala naman akong extra time para puntahan siya. Pinapakatok ko naman kina Natalie pero wala naman daw nagbubukas at mukhang walang tao. Sana makarecover na siya....
Olivia Sophie's POV
*tiiiiiiinng tiiiiiing*
*riiiiiiiing riiiiiing*
Yan na lang ang tanging naririnig ko magdamag. Ang daming nagtetext, nagchachat, tumatawag.
Ayaw ko muna makipag-usap kahit kanino.
Gusto kong mapag-isa.
Gusto kong makapag-isip.
Kasi ang sakit-sakit pa rin.... Ang sakit-sakit makita yung taong mahal mo na may pamilya na....
Umasa ako e...
Umasa ako na may chance pa kami kasi nagkita kami ulit after 4 years...
Umasa ako na magkakaayos kami ulit...
Umasa ako na magkakabalikan kami... Pero hindi pala....
Umasa lang talaga ako....
Ang sakit....
Mahal na mahal ko si Ethan hanggang ngayon...
At pinapangako ko sa sarili ko pa naman na kapag nagkachance kaming talaga ulit, iingatan at papahalagahan ko na siya....
Pero wala e....
AYAW KO NA.
Allison's POV
"HELLO ANDRE?? NASA CONDO KA BA??" Tinawagan ko si Andre kasi nag-aalala na talaga ako kay Sophie kasi halos 5 araw na siyang hindi nagpaparamdam. Baka ano ng ginawa niya sa sarili niya.
"Oy beks sorry wala ako sa condo. Nasa work ako. Bakit?"
"Nag-aalala na kasi ako kay Sophie. 5 araw na siyang hindi pumapasok. Tinatawagan ko at tinetext pero wala. Nakapatay na phone niya. Madami na nag-aalala sa kanya dito." Paliwanag ko kay Andre.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
