Olivia Sophie's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina. 4 na oras na ang nakalipas pero nawiwindang pa rin ako sa mga narinig ko. Tulala lang ako dito sa bus at iniisip kung sino yung kausap niya.
"Hey. Okay ka lang?"
Baka naman tawagan lang ng best friend niya yun.
"Hey."
Oh baka naman totoong girlfriend niya yun. Ang sweet naman. Baby ang tawagan nila. Samantalang samin noon "love"
"Hey Ms. Montemayor!!" Tawag niya sakin.
"A-ah.. Bakit?" Nauutal kong sagot.
"Kanina pa kita tinatanong kung okay ka lang. Kanina pa malalim ang iniisip mo." Hala kanina niya pa ba ko tinatawag? Sorry hindi ko napansin. Busy ako kakaisip kung sino yung kausap niya kanina.
"Ah oo okay lang ako." Sagot ko. Yan na lang sinagot ko kahit gulong-gulo isipan ko ngayon.
Hindi na siya sumagot. Bumalik siya sa pagtingin dun sa bintana.
Natulog na lang ako para makaiwas sa pag-iisip.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
2 hours later.
"Hey Ms. Montemayor wake up!!!" Sigaw ni Ethan. Kaya napabangon agad ako. OMG NAKATULOG PALA AKO SA BALIKAT NIYA AT MUNTIK NA TUMULO LAWAY KO!!!"Oh shet sorry. Sorry." Sagot ko.
"It's alright. Anyway, nandito na tayo sa Baguio. Baka may balak kang bumaba." Sabi niya. Ang taray naman niya.
Hindi na ako sumagot at kinuha ko na yung mga gamit ko at bumaba na ng bus. Nandun na din sina Allison hinihintay ako bumaba."HOY SOPHIE NAPAKATA---" hindi na natuloy ni Natalie yung sasabihin niya at natulala siya sa taong nasa likod ko. Si Ethan. Tumingin naman si Ethan sa kanya at ngumiti. Hala bakit kay Natalie, ngumiti siya pero bakit sakin hindi? 😔
"Oh h-hi Ethan" nauutal na sabi ni Natalie at nilapitan niya si Ethan para kamayan.
Nagkamayan silang dalawa at nagbatian na din sila ng iba ko pang kaibigan. Close na din sila nitong mga to. Nung kami ni Ethan, sobrang close naming lahat. Ang dali naman kasing makasundo tong si Ethan. Ang bait e.
"So Ethan, tara? Sama ka samin? Kain muna tayo." Yaya ni Andre.
"No thanks guys. May meeting ako e." Sagot ni Ethan. Ay sad naman. 😔 meeting agad e kakarating niya lang.
Kaya naghiwalay na kami. Pumunta na kami nina Natalie, Athena, at Andre sa unit namin habang si Alli naman nahiwalay na samin dahil sinundo siya ni Steven sa terminal.Kakapasok ko lang sa unit ko at nilagay ko yung gamit ko sa sala at humiga sa kama ko.
Naalala ko na naman si Ethan. Bakit kaya kami nagkita ulit? OMG LORD DESTINY NA BA TALAGA KAMI?? MAGKAKABALIKAN KAYA KAMI?? SHOCKSSSSSSS!'Kaso nga diba Sophie may "baby" na'
bwisit naman tong utak ko! Hindi ko na nga inaalala e! Hay oo nga.. May 'baby' na.. Sino kaya talaga yun. Bahala na nga.
12 am na pala. I need to sleep na dahil bukas na kami magstastart ni Alli sa Cambrey.Cambrey...
Cambrey!!!
TAMA CAMBREY!!! DOON NAGWOWORK SI ETHAN!! DOON DIN AKO NAGWOWORK!! MAGKIKITAy NA NAMAN KAMI BUKAS!!! I'M ZOOOO EXCITED!!! WAHHH!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Good morning sunshine!!! 😘😘
First day ko sa work!! Kaya 7:30 am pa lang nagising na ko kahit 9 pa ang pasok ko. Kaya may time pa ko para magluto, kumain at magrelax!!
At dahil hotdog at egg lang ang meron ako sa ref dahil hindi pa ko nag-grocery, no choice ako kung yun ang lutuin.
Habang nagluluto ako biglang tumawag si Alli.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
TeenfikcePossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...