Chapter 5- Too late

14 4 1
                                        

Olivia Sophie's POV

1:00 am na kami nakauwi. Knockout ako pagdating sa bahay. Lasing na lasing. First time ako nalasing sa buong buhay ko!
Pero masaya kahit papano.

"Bunso, hindi ka pa ba babangon? Tanghali na bunso." Sabi ni ate Zoey.

"Inaantok pa ko." Matipid kong sagot.

"Pumarty pa kasi kayo kagabi e. Ayan knockout ka tuloy. Gumising ka na. Kakain na." Ayaw ko pa. Hindi na ko sumagot dahil sa antok na antok pa ko. Narinig ko na lang na nagsara yung pinto ng kwarto ko na ibig sabihin ay umalis na si ate Zoey sa kwarto ko.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"OLIVIA SOPHIE MONTEMAYOR GUMISING KA NA BYABYAHE PA TAYO!!" Malakas na pagkasigaw ni Allison kaya nagising agad ako at napaupo sa kama ko. Nakakabigla naman to!

Ay oo nga!!

Shocks byabyahe pa pala kami ngayon pabalik ng Baguio! Dahil bukas na ako magstastart sa work. Kaya tumayo na ko sa pagkakahiga.
"Hala ano oras ba byahe natin?" Tanong ko.
"4:30 pm lang naman po ate girl." Nginitian niya pa ko ng nakakaloka kaya alam kong sarcastic yun at nagpamewang pa siya. Bwisit 3:30 na pala!! Tas byabyahe pa kami papuntang terminal!

Kaya kinuha ko na yung towel ko at pumasok na sa cr.

"DALIAN MO SOPHIE NAKAKASTRESS KA!!!" Sigaw ulit ni Allison.

Dali-dali akong nagkuskos ng katawan ko, shinampoo ang aking buhok, at nagbanlaw. Binilisan ko talaga yung pagligo ko kaya after 5 mins, natapos akong maligo. Dali-dali din akong nagbihis at inimpake ang aking mga gamit. After nun, lumabas na ko sa kwarto ko at bumababa para kumain. Linapag ko muna yung bag ko sa sofa.

"JUSKO ANONG PETSA NA SOPHIE!" Sabi ni Natalie. Nanonood sila sa sala ng movie at relax na relax dahil ready na silang gumora (umalis).

"Oh sorry na! Eto na kakain na!" Sagot ko kay Natalie. Umupo na ko

"Hay nako dalian mo." Sabi ni Andre.
Kaya kumain na ako at minadali ko na dahil umuusok na sa galit itong mga kaibigan ko.

Hinatid kami ni Daddy sa terminal para makasakay na kami ng bus. Commute kami every time na uuwi kami.

Bumili na kami ng ticket at ang unang sumakay ay si Natalie. Paakyat na din sana ako ng bus ng nahulog yung bag ko dahil sa may nakabangga akong lalaki.

"What the heck!" Sigaw ko dahil nahulog yung kinakain kong siopao at pati na din yung bag ko. Yumuko ako para ayusin yung gamit kong nahulog. 😒

"I'm sorry miss" sabi nung lalaki at yumuko din siya para kunin yung bag ko.

"Hindi ka kasi nag-iingat! Kitang may dada--" napatigil ako dahil sa nakita ko yung mukha nung lalaki.

OMG NAKAKAGULAT!

"Ethan...." Sabi ko. Yes.. Si Ethan itong nakabangga ko.. Ibang-iba na siya.. Ang ayos ng pananamit niya. Naka-porma na siya. Parang ang yaman-yaman niya na ah.
Tiningnan niya ko ng nakakapagtakang tingin.
"Wh-who are you?" Tanong niya. Ay... Hindi niya na ko naaalala..? Shocks.... Shet namiss ko yung boses niya....

"Si Olivia" at nakangiti kong sabi sa kanya kahit deep inside, mangiyak-ngiyak na ko dahil nakalimutan niya na ko..

"Olivia? Fernandez?" Tanong niya. Sino naman si Olivia Fernandez? 😒 Baka latest ex niya.

"No. Olivia Sophie Montemayor"
Tiningnan niya ulit ako ng nakakapagtakang tingin. Pero mukhang medyo naaalala niya na.

Huminga ako ng malalim. "Your ex. Yung babaeng niloko ka." Sabi ko.

"Ah. Ms. Montemayor. Ow I'm sorry natapon ko yung kinakain mo at nahulog yang bag mo." Sabi niya.

"Okay lang. Walang problema. Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

"I'm good." Sagot niya.

Magsasalita pa sana aki pero biglang sumigaw yung driver.

"Hoy ano ba! Sasakay ba kayo o maglalandian na lang kayo jan?!" Singit nung driver ng bus. Hindi pa pala kami nakakasakay.
Nauna na siyang sumakay at sinundan ko na siya dala-dala ang gamit ko. Sinundan ko lang siya ng sinundan at di ko namalayan na nadaanan ko na si Allison.

"Hoy bes san ka pupunta? Nandito ako oh. Lika na." Yaya niya sakin.

"Humanap ka na lang ibang katabi bes." Sagot ko.

"At bakit??" Tanong naman niya.

"NAKITA KO SI ETHAN!!! TATABIHAN KO SIYA!!" Sabi ko naman sa kanya.

"SI ETHAN?? ASAN??" Sigaw niya kaya napatingin si Ethan na nakaupo na.

"Shh wag kang maingay sige na mamaya na kita kwentuhan." Sagot ko at sumunod na ko sa kinauupuan ni Ethan at buti naman wala siyang katabi.

"Can I sit beside you?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya kaya umupo na ko.
"So... Kamusta?" Tanong ko.

"Tinanong mo na sakin yan kanina diba. Sabi ko, I'm good." Sumagot siya pero hindi niya ko tinitingnan. Sa bintana lang siya nakatingin.

Nag-start ng umandar yung bus.
"Ay oo nga pala." Sabi ko.

3 seconds of silence.......

"Umm papunta kang Baguio diba? Bakit? Anong gagawin mo dun?" Tanong ko. Wala na ako ma-topic e.

"Work." Matipid niyang sagot sakin at hindi niya pa rin ako nililingon. Galit pa rin kaya siya saki? Hay... :(

"Ahh.. Saan?" Tanong ko ulit.

"Cambrey restaurant as chef." Sagot niya. Ang tipid sumagot talaga. Isang tanong isang sagot. Hay.. Ah sa Cambrey pala siya nagtratrabaho.

Ay wait..

NAGTRATRABAHO SIYA SA CAMBREY???

OMG LORD DESTINY BA TO???

"SA CAMBREY??? DOON DIN AKO MAGWOWORK AS BAKER!!!" Masaya kong sagot like grabe ang saya!! Makakasama ko siya magtrabaho!!!

"Really? That's great." Sagot niya. Ang plastic naman ng sagot niya.

"Sorry.. Naexcite lang ako.." Sagot ko. Hindi na siya sumagot. Tumahimik na lang muna ako. Nag-iisip ako ng topic. Should I say sorry to him sa nangyari samin dati? Baka wala na sa kanya yun... Baka nga nakalimutan niya ng nagkaroon kami ng relasyon noon.. Hays bahala na para mabawasan naman ng tinik tong nasa dibdib ko.

"Eth--" naputol yung pagtawag ko sa kanya kasi biglang nagring yung phone niya. Sinagot niya ito.

"Hello?"

"Oh baby!! Hello! I already miss you baby!"

"I'm sorry baby i need to do this for you din. Don't worry, uuwi ako pag may time ako okay? I love you baby ko! Okay bye!"

Whoaa.. Natahimik ako dun ah... Sino yun..? Girlfriend niya ba yun at baby ang tawagan nila? Shit.. Ang sakit.... Mukhang meron na nga siyang iba......

Ethan's POV

Shit bakit nagkita ulit kami ni Olivia? After 4 years nagkita ulit kami. Bakit? Bakit nagpakita pa siya sakin e nakamove on na ako. Tanggap ko na yung mga nangyari samin noon. Bakit ngayon lang siya nagpakita ulit kung kelan meron na akong iba....

Bakit ngayon ka lang Oliv.....

Bakit ngayon ka lang bumalik....

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon