Ethan's POV
Ano naman kaya ang sasabihin ni Tito Lucas? Kinakabahan ako baka kung anong sabihin niya.
"Umm ano pong pag-uusapan natin, sir?" Tanong ko. Nandito na kami sa garden nila.
"Tito. Wag mo na akong tawaging sir. Para namang hindi ka boyfriend ng anak ko. Napaka-pormal ng tawag mo sakin." Sabi naman nito.
Halaaaaaaa! So anong ibig sabihin nun? Okay na kami???
"Okay po tito.." Sagot ko na lang.
"May gusto lang naman akong sabihin sayo, Ethan. Pasensya ka na kung hindi agad kita natanggap noon. Pasensya ka na kung hindi ako boto sa relasyon niyo.
Noon.."
SO BOTO NA SIYA SAMIN NGAYON???
"Sana alagaan mo ang anak ko. Wag mong sasaktan please lang. Hindi na ako hahadlang sa relasyon niyo. Basta ingatan mo siya, Ethan." Patuloy ni Tito Lucas.
O
M
A
Y
G
H
A
D
LEGAL NA KAMI SA SIDE NI OLIVIA!! BOTO NA SAKIN LAHAT NG PAMILYA NIYAAA!!!
"Opo Tito maraming salamat po! Thank you po sa pagtanggap sakin Tito!" Sagot ko at todo ang ngiti ko abot langit!!!
"Walang anuman anak. Basta wag mo lang siya saktan." Sabi pa nito.
GHAAAAAD ANAK DAW OH!!
ANG SAYA-SAYA KO!!
Pumasok na ulit kami sa loob ng bahay at kita namin na lahat sila doon e nagtataka kung ano pinagusapan namin.
Habang ako naman, bumalik sa upuan ko na nakangiti at bumulong sakin si Olivia.
"Ano pinagusapan niyo?"
"Secret hon." At nag-wink pa ko. Hehehe pa-intense muna si akoo.
Hindi naman na siya nagtanong ulit.
Tahimik pa rin sila hahaha!
"Oh bat ang tahimik niyo?" Tanong ni Tito sa kanila.
"Ang weirdo niyo e. Okay na tayo?" Tanong ni Tita Amanda.
"Hays oh sige na. Oo okay na kami nito." At tinapik pa ko sa balikat. "My future son-in-law"
Naaaaks naman!!! Future son-in-law!!! Keleg eke!!
Kita ko naman silang lahat na halos tumulo na yung laway nila sa kakanganga haha! Hindi sila makapaniwala haha!
Matagal-tagal na din kasi na hindi ako tanggap ni Tito Lucas.. Kaya siguro hindi sila makapaniwala na buti naman at salamat okay na kami ngayoooon!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hon.." Si Olivia. Nandito kami ngayon sa condo ko. Nakahiga lang habang yakap-yakap namin ang isa't isa.
"Yes po?" Sagot ko.
"Masaya ka ba sakin?" Tanong niya.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya.
"Oo naman hon. Sobrang saya ko sayo noh. Bakit mo naman natanong yan?"
"Wala lang. Naisip ko lang baka hindi kita napapasaya."
Humarap naman ako sa kanya ng maayos at nagsalita.
"Hon, wag mong isipin na hindi ako masaya o hindi mo ko napapasaya. Isa ka sa mga taong importante sakin at ikaw ang number one na nagpapasaya sakin. Okay? I love you Olivia ko!" Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
8:00 na pala ng umaga. Nagising ako ng wala na pala akong katabi. Asan si Olivia? Nandito pa rin kami sa condo ko. Dito siya natulog.
Pero asan siya ngayon?
Baka naman umuwi na sa kanila.
Pero hindi pwedeeee! Sabi ko ihahatid ko siya e.
"Hon?" Bumangon na ko para hanapin siya.
May naaamoy ako galing sa kusina.
"Hon?"
Lumingon naman siya sakin. Nagluluto pala siya.
"Oh Hon gising ka na pala. Hindi pa ko tapos magluto!" Sabi naman niya.
Lumapit pa ako sa kanya para mayakap siya.
"Sweet naman ng hon ko oh. Talagang nag-prepapre pa siya ng breakfast for me." Sabi ko at hinalikan siya sa cheeks.
"Basta para sayo po hihi kaso hindi pa tapos yung niluluto ko e."
"Okay lang yan. Parang iba ang gusto kong kainin e. ;)" Mehehehe!
"Ay nako hon ayaw ko ang aga-aga oh!" Sabi niya.
Hinarap ko naman siya sakin.
"Ano naman kung maaga pa? ;)" At hinalikan ko siya sa noo, sa cheeks, at sa lips.
"Hon nagluluto ako oh!" At umiwas-iwas pa siya. "Ito na kainin natin masarap to at malapit na din naman to maluto oh." Dagdag pa niya.
"Baayaaan. :( Sige na nga" Sagot ko na lang. Binibiro ko lang naman siya hehehe!
Kaya kumalas na ko sa pagkakayakap namin at umupo na lang ako habang hinihintay yung niluluto niya. Pancakes yung niluto niya.
"Oh ayaan na hon kain ka na." At nilapag niya na yung pancakes sa table.
"Namimiss ko na si Nathan." Sabi ni Olivia.
"Oo nga e. Namimiss ko na anak natin." Sabi ko
"Anak natin?"
"Oo. Parang ikaw na din naman nanay nun since nawala si Lucy."
"Asan na ba si Nathan? Saan mo siya iniwan?" Tanong niya.
"Kay ate Bell."
"Oh edi puntahan natin mamaya! Kunin na natin and sabihin na natin kay ate Bell yung tungkol satin." Sabi niya
"Sige sige" Sagot ko na lang.
Kumain na kami para makaalis na kami agad.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
