Ethan's POV
"Ethan, okay ka lang ba? May gusto ka bang gawin?" Tanong sakin ni Olivia. Dito na kasi siya nag-stay para daw maalagaan niya ko.
Nahihiya na nga ako sa kanya kaso aaminin ko naman kasi, i need her. Baldado pa ko ngayon at bali pa tong isa kong braso.
Sinong gaganahan na mabuhay pa diba? Psh. 😒
Nandito kasi ako sa balcony. Noong umuwi kami dito sa condo ko, parati na ako dito. Masarap kasi ang hangin dito at perfect place para makapag-isip.
"Wala." Sagot ko.
"O-okay.. Dito lang ako sa sala ha kung may kailangan ka." Sabi naman nito. Hindi na ko sumagot pa.
Kung napapansin niyo, malamig ang pakikitungo ko kay Olivia. Ayaw ko na lumambot ka kahit kaninong tao. Ayaw ko ng maabuso pa. Ang sakit-sakit na kasi. Ginagawa nila akong tanga. Kilala ko si Olivia, once na lumambot ako, babalik yan sa dati niyang ugali. Ang mataray. Sobrang taray niyan kahit wala akong ginagawa sa kanya. Minsan nga yun ang dahilan kung bakit kami nag-aaway e.
"HOY PANGET! I WANT TO WATCH CARTOONSHH!" Napatingin na lang ako sa labas ng kwarto ko. Si Nathan. Panget ang tawag niya kay Olivia. May pagkasiraulo din kasi tong batang to. Mana sa nanay e.
Sa totoo lang, sa tuwing nakikita ko si Nathan, hindi ko maiwasan na mag-isip. Oo aaminin ko naiinis ako kapag nakikita ko si Nathan dahil naaalala ko yung paglolokong ginawa ni Lucy sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa kinupkop tong si Nathan e kahit hindi ko siya tunay na anak. Pero hindi din naman kaya ng konsensya ko na pabayaan siya. Kahit papano tinuring ko na itong tunay na anak.
"Okay baby. Ito na yung remote oh." Narinig ko naman na sinabi ni Olivia. Ang bait-bait niya kay Nathan kahit na palagi siyang inaaway at sinusungitan nito.
"OUUUUUCH!" Sigaw ni Nathan. Bakit anong nangyari? Sinubukan kong itulak yung wheel chair ko kahit isang braso lang ang gamit ko.
"Baby what happened?" Tanong ko naman kay Nathan. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at hawak-hawak yung tuhod niyang namumula.
"Si Panget, daddy!! dinapa akowww!"
"Huy! Wala akong ginagawa sayo ha! Inaabot ko lang yung remote sayo tapos bigla ka na lang natumba at tumama yang tuhod mo sa lamesa." Pagpapaliwanag ni Olivia. Alam ko namang hindi magagawa ni Olivia na saktan si Nathan.
Mahilig kasi si Olivia sa mga bata pero syempre yung mga cute at mababait sa kanya. Pero kapag hindi niya gusto ang ugali, nako tatarayan niya.
Tulad nung High School siya, inis na inis siya doon sa batang palaging nasa school niya kasi feeling close daw. Kaya pinapatulan niya. Minsan nga iniirapan niya na lang yun e. 😂
Anyway, hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na mabait ako sa kanya.
"Doon ka na nga lang sa kwarto Oliv. Iwan mo kami ng anak ko." Sabi ko.
"O-okay." Sumunod naman ito at pumunta sa kwarto ko.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~Olivia Sophie's POV
Pinapunta ako ni Ethan sa kwarto niya. Ano naman gagawin ko dito? Dito na lang ako manonood since may malaking tv naman dito. Iwan ko daw sila ng ANAK NIYA e. Iniwan at sinunod ko na lang siya at baka masigawan na naman niya ko.
Palagi niya na lang kasi ako sinisigawan kahit maayos ko naman siyang kinakausap. Palagi na lang mainit ulo niya. Mainit ang ulo sakin niyan. Iniintindi ko na lang dahil alam ko naman ang pinagdadaanan niya.
Binuksan ko na yung tv ng biglang nag ring yung phone ko.
Sir Tan Calling......
Me: Hello sir?
Sir Tan: Ang kulit mo talaag Sophie, sabing wag mo na kong tawaging sir e.
Me: Ay sorry Tan. Hehe!
Sir Tan: BTW, kamusta si Ethan?
Me: Okay naman siya. Bumubuti naman daw yung pakiramdam niya.
Sir Tan: Good to hear that. So mas mapapadali ang pagbalik mo dito sa Baguio.
Napatigil naman ako dahil sa sinabi ni Tan. Anong ibig niyang sabihin?
Sir Tan: I mean dito sa Cambrey. Miss ka na namin. Miss ka na ng buong team. Miss na namin yung pagbabake mo. Hehe.
Me: Ah. Ikaw talaga. Haha!
Sir Tan: Osige na. Madami pang gagawin dito. Bye Sophie ingat kayo jan. Lalo ka na.
Wow. 'Lalo ka na' Ano bang trip nito ni Tan at bakit parang concern siya sakin?
Me: Sige! Bye kayo din jan!
Binaba ko na yung phone.
"Sino yun." Nabigla naman ako sa may nagsalita! Si Ethan pala! Oh bakit nandito siya akala ko ba pinapunta niya ko dito at iwan sila ng anak niya tapos nandito siya? Psh.
"Si Ta-- i mean si sir Tan." Sagot ko.
"So kelan pa kayo naging close ha kaya Tan na ang tawag mo sa kanya." Ang taray naman talaga oh.
"Ano naman problema mo dun kung close na kami?" Tanong ko. Nakakainis e. Hindi ko siya maintindihan.
"So totoo nga. Close na kayo. Tapos ano magiging kayo na agad? Manlalalaki ka na naman?" Wow. Just wow.
"Teka nga Ethan." Lumapit ako sa kanya. "Ano bang problema mo? Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan yung pakikitungo niya sakin e. Parang nagseselos na ewan.
"Hindi. Bakit ako magseselos e hindi naman tayo at hindi na magiging tayo. Bahala ka sa buhay mo." At tuluyan na siyang umalis at bumalik sa sala.
Ano bang problema niya! At ang sakit nung sinabi niya ha!
'Hindi naman tayo at hindi na magiging tayo.'
So para san pa tong pagsisikap kong makabalik kami sa dati? Wala naman pala akong mapapala dito.
Ibang-iba ka na Ethan. Hindi na kita makilala.
Author's Note:
Hi guys! Don't forget to vote and comment para mas ma-inspire pa akong magsulat! Thank you! 😘
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...