Tan's POV
Nakita ko sina Ethan at Olivia sa daan. Galing kasi ako sa Cambrey Tarlac para icheck. Tinatawagan ko naman si Sophie pero cannot be reached yung number niya.
Bakit kaya? Si Ethan din cannot be reached.
Ano na kaya nangyari sa kanilang dalawa?
Si Sophie? Okay lang kaya siya?
Aaminin ko, gusto kong maging close kay Sophie. Gusto kong makatulong sa pagmomove on niya kay Ethan.
Pupuntahan ko bukas ng umaga si Sophie sa condo niya. Mag-ooffer ako sa kanya as her friend.
Olivia Sophie's POV
Kakagising ko lang. 9:30 am na pala. Saturday naman ngayon kaya rest day ko.
Dito lang siguro ako sa condo. Pagod kasi ako the whole week. Baguio, Tarlac, Baguio, Tarlac. Nakakapagod ang byahe.
*dingdong dingdong dingdong*
Huh? Sino naman to? Baka sina Andre lang.
Binuksan ko yung pinto.
"Good morning!" Si Sir Tan. Huh? Bakit siya nandito?
"Oh sir Tan, napadaan ka. Bakit po?" Sagot ko.
"Wala lang. Kumain ka na? Ito oh may breakfast akong dala." Sabi nito. Wow. Nagdala pa siya.
"Osige sir pasok ka." Sabi ko. At pumasok na siya.
"Wag mo na ko tawaging sir kapag tayong dalawa lang naman. Haha! Call me Tan. Or Tristan." Ngumiti siya.
"Tristan? Kaya ba Tan ang tawag sayo ng iba?" Tanong ko.
"Yup. Lika na kain na tayo." At inayos niya sa table yung dala niyang coffee at pancake.
"So, ito pala yung condo mo." At tumingin-tingin pa siya sa paligid ng condo ko.
"Pano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko. Nako baka sinabi ni Allison. Loko talaga yun. Lahat na lang ng tao sinasabi niya kung saan ako nakatira.
"Kay Allison." Sabi ko na nga ba e. Hays.
"E bakit naman po kayo napadaan dito?" Tanong ko ulit.
"Wala lang." Sagot niya. Wala lang? Lul. Ako ba niloloko nito? E first time niyang makapunta dito tapos wala lang? Ano wala siyang magawa? Tsk.
"Okay fine. I'll tell you the truth." Sabi niya at biglang tumayo at lumuhod sa harap ko.
What the??? Ano to??? At hinawakan niya na ang dalawang kamay ko. Ano bang nangyayari??
"Gusto kong tulungan ka, Sophie." Saan? Saan nga ko tutulungan?
"Huh? Saan?" Tanong ko. Nagtataka kasi talaga ako.
"Gusto kong maging close tayo. Gusto kong tulungan kang makamove on kay Ethan. I'm here.. Willing akong maging friend mo. Pwede ba?" Sabi nito. Woah! Anong pumasok sa isip nito bakit gusto niya kong tulungan maka-move on kay Ethan?
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...