Olivia Sophie's POV
Nandito ako ngayon sa condo ko. Hindi na naman ako nakapasok. Bakit ba kasi tuwing nadedepress ako, hindi ko kayang pumasok sa trabaho? 😔
'Da best ka talagang kakwentuhan, mapaglabasan, at kaasaran'.
Kung da best si Cathy, so ano ako? Good lang?
Ni minsan since nung nagkaayos kami, hindi ko siya nakita na ganun kasaya.
Bakit kapag sakin, puro sama ng loob?
Bakit kapag sinasabi ko naman sa kanya na okay lang naman magsabi siya sakin ng problema niya kahit na baka ako yung mismong problema niya pero bakit kay Cathy pa?
Alam nilang dalawa na selos na selos ako kay Cathy noon pa man.
Kaya ba nababawasan na siya ng time sakin dahil masaya na sila ni Cathy?
Ano bang meron sa kanila ni Cathy? 😔
Hindi pa ba sapat yung mga pinaparamdam at pinapakita ko sa kanya para mapatunayan ko lang sa kanya na mahal na mahal ko siya hanggang ngayon at nagbago ako para sa kanya?
Ano pa bang kulang sakin?
I know nasaktan ko siya noon. I know nasira ko tiwala niya. I know masakit yung ginawa ko sa kanya..
Pero kailangan bang saktan niya din ako ngayon..?
Porket ba nasaktan ko siya noon, sasaktan niya na din ako ngayon?
Bakit ganto ang love!
Kailangan ba talaga kapag nagmamahal ka e masasaktan ka din?
Hindi ba pwedeng maging masaya na lang parati?
Bakit kailangan masaktan...
ARGHHH ANG DAMI KONG TANONG NA GUSTO NG KASAGUTAN!!
I HATE THIS FEELING!
Tapos ngayon ni isang text o tawag mula kay Ethan, wala!
Wala na lang ba ako para sa kanya? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba okay na kami pero bakit nafefeel ko na parang napilitan lang siyang magkaayos kami?
ANO BA ETHAN BAKIT KA GANYAN!
Ethan's POV
Shit shit ano ba tong nagawa ko! Nasaktan ko na naman si Olivia! Shit Ethan shit!
"Ethan, I'm sorry...." Si Cathy.
"It's okay, Cathy. Kasalanan ko to. Hinayaan kong pinatuloy kita dito." Sabi ko.
Nalungkot naman siya sa sinabi ko. "I'm sorry, Cathy pero kailangan mo na umalis. Kung gusto mo pang magstay dito sa Baguio, humanap ka na lang ng ibang matitirhan. Wag na dito Cathy. Masyado ng magulo."
"Pero gusto ko kasama ki--"
"Enough Cathy! Sumunod ka na lang sakin. Wag ka na dito." Sabi ko.
Naiinis na jasi ako! Hindi ko alam ang gagawin. Sobra ko na atang nasaktan si Olivia. Puro sakit na lang nabibigay ko sa kanya. I'm sorry Olivia.... I'm really really sorry....
Nahihiya akong lumapit sa kanya... Siguro papalipasin ko muna ang 1 week bago ako lumapit sa kanya... Para makapag-isip isip na din muna siya...
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Cathy's POV
AT ITO AKO NGAYON, NAGHAHANAP KUNG SAAN AKO MAGSTAY DITO SA BAGUIO!
ANG ARTE ARTE KASI NIYANG SOPHIE NA YAN! MAY PA-IYAK IYAK EFFECT PA SA HARAPAN NI ETHAN!
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
