Ethan's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Angeli.
"Hindi ko alam na dito pala kita makikita." Hinawakan niya yung dalawa kong kamay. "Matagal kitang hinanap."
Ano pang pinagsasabi nito?
Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo ha, Angeli?"
"Ethan believe me hinahap kita. Dahil mahal pa rin kita." Hinawakan niya ba yung magkabilaan kong pisngi.
Inalis ko naman ulit yun.
"Tigil-tigilan mo nga ako. Matagal na tayong tapos. Excuse me at may mag-ina pa kong naghihintay sakin sa loob." Sabi ko. Oo sasabihin ko na lang na mag-ina ko sila kahit hindi totoo.
"Wait. What? Mag-ina?" Tanong nito.
"Yes." Matipid kong sagot. Tinalikuran ko na siya ng tuluyan at pumasok sa sinehan.
Ayaw ko lang makipag-usap sa kanya. Hindi naman sa bitter pa rin ako sa kanya ha dahil sa ginawa niyang panloloko sakin. Basta ayaw ko lang.
After ilang years na nawala siya tapos sasabihin niyang "mahal niya pa rin daw ako?" Oh come on. Hindi na ako maniniwala sa inyong mga babae.
Hinahap ko sina Olivia kung saan sila nakaupo. Nakita ko naman sila agad.
"Bakit natagalan ka, mahal?" Tanong sakin ni Olivia.
Sasabihin ko ba sa kanya? Nako for sure mag-iisip na naman to at tatadtarin ako ng mga pabebeng tanong.
"W-wala. Mahaba lang yung pila sa counter." Sabi ko na lang.
Buti naman hindi na siya nagtanong pa ng kung ano.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Angeli na nasa kabilang side ng kinauupuan namin.
Shit bakit siya nandito?! Baka makita siya ni Olivia! Kilala ni Olivia si Angeli!
Pero buti na lang nandito ako para harangan si Angeli para hindi siya makita ni Oliv.
Nakakainis! Hindi ko man lang na-enjoy yung movie! LizQuen pa man di to! 😭😭
Bakit ba kasi bumalik pa siya!!
After 2 hours, natapos na yung movie at nasa labas na kami ng sinehan.
"Mahal, ang ganda ng movie noh." Sabi ni Oliv.
"H-huh? Oo nga e." Sagot ko na lang kahit hindi ko masyado naintindihan yung kwento.
"Daddy, Tita Sophie, let's go na sa Tom's world." Sabi ng anak ko. Tama! Pupunta na kami sa Tom's world para makalayo na din kami kay Angeli.
"Sige anak tara." Sabi ko at tumungo na kami sa Tom's world.
Bumili na kami ng tokens para sa kanya at naglaro na siya. Kami naman ni Olivia, as usual, nandito ulit kami sa isang sulok at pinapanood ang anak namin. Ay este anak ko.
Sa totoo lang, onti-onti na nawawala yung galit ko kay Olivia. Onti-onti ko na siyang napapatawad dahil almost 7 months na kaming magkasama sa condo. Almost 7 months na din niya kami inaalagaan ni Nathan. Pinapatunayan niya talaga na nagbago na siya at bumabawi siya.
Kaso ayaw kong ipakita sa kanya na lumalambot na ako sa kanya. Dahil natatakot ako. Natatakot pa rin akong maloko ulit. Natatakot pa rin akong magmahal ulit.
Noon kasi nung kami pa, kapag pinapatawad ko siya at kapag lumalambot na ako sa kanya, bumabalik siya sa ugali niyang pagtataray.
Ayaw ko lang maabuso ulit.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
टीन फिक्शनPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
