Chapter 11- How do I unlove you?

8 2 0
                                    

Olivia Sophie's POV

Ngayon malinaw na sakin.. Wala na kaming pag-asa.

Ayaw ko na magmukmok pa dito sa condo.

After namin mag-usap ni Ethan, umuwi na din ako dito.

May magagawa ba yung pag-iyak at pagmukmok ko?

Babalik ba siya kapag umiyak ako ng isang balde?

NO.

Siguro tatanggapin ko na lang ito. Na may mahal na siyang iba at may anak pa..


Ang sakit talaga e....... Ang sakit malaman na may pamilya na siya... Kasal kaya sila nung Lucy?

Hay Ethan, how do I unlove you......

Ethan's POV

"Good morning babe!! Nagluto ako ng breakfast natin. Lika na bangon ka na jan." Bungad sakin ni Lucy.

Nandito pa rin sila sa Baguio. Sa Friday pa ang uwi nila sa Manila. Monday pa lang ngayon. Pangsamantala silang nakatira sa tinitirhan ko.

Kaya hindi mahirap mahalin tong si Lucy e. Napaka-sweet niya. Inaalagaan niya kong mabuti pati si Nathan. Kaya mahal ko to e.

"Thank you babe! I love you!" Sabi ko sa kanya at lumapit sa kanya para halikan siya.

"I love you too babe. O gisingin mo na anak natin."

Kaya ginising ko na si Nathan doon sa kama ko siya natulog e.

"Baby gising na kakain na tayo breakfast." Sabi ko sa kanya at inaalog para magising pero syempre mahina lang.

"Antok pa po ako daddy." Sagot niya. Kahit kailan talaga ang hirap gisingin nitong anak ko.

"Anak may cereals sa table." Sabi ko.

"CEREALS?? SAAN??" Hay salamat bumangon na siya.

Favorite niya kasi ang cereals kaya ayun tumakbo na sa dining table.

"Itong anak talaga namin hindi nagsasawa sa cereals." Kinurot ni Lucy yung cheeks ng anak namin.

"Oh anak kain na" sabi ko. Kaya kumain na siya ng cereals niya.

"Babe, pasyal naman tayo dito sa Baguio. Malapit na kami umuwi ni Nathan e." Sabi ni Lucy. Aba naglalambing ang mahal ko.

"Sige babe paalam ako sa work ko. Tawagan ko lang ah."

Kaya tinawagan ko naman na agad si sir Tan para magpaalam. Okay lang naman daw na umabsent muna ako ngayon kaya sinabi ko ito kay Lucy at dali-dali kaming kumain para makapaghanda na kami.

Sir Tan's POV

"Good morning Sophie! Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala ah." Bati ko kay Sophie. Ngayon na lang kasi siya ulit pumasok.

"I'm okay Sir Tan." At nginitian niya ko. Mukhang okay na siya.

Tinanong ko si Allison kung bakit matagal nawala si Sophie. Sabi niya dahil daw kay Ethan. Mahal pa rin pala niya talaga si Ethan.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon