Olivia Sophie's POV
Naka-10 missed call na siya pero hindi ko pa rin sinasagot.
Nagtataka kayo sino si Adrian? Hay. Ito na sasabihin ko na.
Siya ang dahilan kung bakit nagbreak kami ni Ethan. May gusto sakin si Adrian habang kami pa ni Ethan. Nagpaparamdam si Adrian na seryoso siya sakin. By the time na um-eksena si Adrian, nagkakamalabuan kami ni Ethan. Halos araw-araw na lang kaming nag-aaway. Si Adrian ang madalas kong nakakausap nun. Mabait siya sakin at siya din ang nagbibigay ng advice sakin. Akala ko hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko hanggang friends lang kami. Akala ko si Ethan pa rin ang nagpapasaya sakin. Pero hindi......... mali pala ako...... Nafall ako kay Adrian habang kami ni Ethan....
Flashback:
Pinapunta ako ni Ethan sa bahay niya.
"Love, may itatanong ako." Sabi ni Ethan.
"Sige ano yun?" Tanong ko.
"Mahal mo pa ba ako?" Nabigla ako sa tanong ni Ethan. Bakit naman niya natanong iyon? Alam niya na ba yung about kay Adrian?
"Bakit mo naman natanong yan Love?"
"Wala lang. Sagutin mo na lang please" hala ano isasagot ko? Oo? Tama ba? Mahal ko pa ba siya? O si Adrian na? Hindi ko mahal si Adrian. Pero siya ang nagpapasaya sakin. Pero si Ethan? Puro away na lang kami. Hay bahala na.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Ako lang ba Love? Wala ka bang iba?" Bakit ganto mga tanong niya. Natatakot ako.
"Oo naman. Ikaw lang." Pagsisinungaling ko.
Bigla ko na lang nakita na may tumulo na luha sa mata ni Ethan. Hala bakit siya umiiyak?
"Akala ko iba ka sa kanila. Akala ko magtitino ka na. Akala ko totoo ka. Pero akala ko lang pala. Anong nagawa ko sayo Olivia para gantuhin mo ko! Ginawa ko naman ang lahat para sayo! Para sa ikabubuti mo. Pero bakit nakuha mo pa ring magsinungaling sakin?! Bakit Olivia bakit?" Omay. Huli na. Alam niya na. Pano niya nalaman? Sino nagsabi?
"Pano ko nalaman? So totoo nga. Sino nagsabi? Wtf Olivia! Minahal kita! Akala ko ba ako lang! Akala ko ba magsasabi ka kapag may iba ka na nagugustohan! You lied to me! Magsama sama kayo! Nalaman ko sa ibang tao yang kalandian mo! May nagsabi sakin na may kausap ka daw na lalaki at si Adrian iyon! At ang mas matindi pa doon, sa ibang account pa! Bakit hindi kayo nag-usap sa totoo mong account sa facebook?? Dahil ba alam ko yung password mo kaya naghanap ka ng ibang way para makausap yang lalaki mo! Ibang klase ka Olivia! Ang galing mo! Ang galing mo magtago! Diba sabi ko naman sayo kung ayaw mo na o nagsasawa ka na sakin, sabihin mo lang! Pero hindi e! Ang mas masakit pa e tinago mo sakin at sa iba ko pa nalaman! Matatanggap ko Olivia kung ikaw ang nagsabi sakin mismo! Pero hindi e! The f*ck!" Nababasa niya ba mga naiisip ko? Hay. Hindi ko na kaya.
"Oo na tama ka. Si Adrian nga. Hindi ko siya mahal. Ikaw lang mahal ko. Pero dahil sa away na lang tayo ng away, hindi ko aakalain na magkakagusto ako kay Adrian. Pero walang kami." Sagot ko.
"PERO TINANGGI MONG WALA KANG BOYFRIEND! TINANONG KA NIYA KUNG MERON KANG BOYFRIEND PERO SABI MO WALA. WTF OLIVIA! PANO MO NATIIS NA LOKOHIN AKO!" Galit na galit na sabi ni Ethan. Sorry Ethan.
"Alam mo Olivia, wala kang kakuntentohan. Kahit ilang beses mong sabihin na magbabago ka na, hindi na ko maniniwala sayo. Ayaw ko na Olivia. Pagod na ko. Pagod na kong unawain at pagbigyan yang mga kagagahan mo!" Nakikipagbreak ba siya sakin?
"Binabalaan kita kay Adrian. Hindi mo alam kung ano ang tunay na ugali niyan. Dahil sa may concern pa rin ako sayo. Mag-ingat ka kay Adrian kung ayaw mo masira ang pangalan mo. Umalis ka na" tunay na ugali? Ano yun? Pero ayaw ko na makipagtalo sa kanya. Kaya umalis na lang ako sa bahay niya.
Pagod na din ako. Hahayaan ko na siya. Puro kami away. Palagi niya akong sinisisi. Palagi niyang pinapamukha kamalian ko. Palagi niya kong pinag-iisipan. Sorry Ethan pero ayaw ko na talaga.
End of Flashback
Kilala ko na si Adrian. Playboy siya. 100% playboy siya. Kaya niya ko tinatawagan at binabalik-balikan dahil sa wala siyang malandi. Kaya hindi ko na siya pinapansin at kinalimutan ko na.
Flashback
"Adrian ano to!! Sabi mo hindi kita ang nagkalat ng pic ni Sandra! Nagsinungaling ka sakin! Akala ko iba ka!" Sandra ang pangalan ng ex niya.
"Baby hindi nga ako ang nagkalat! Mga kaibigan ko talaga nagkalat niyan. Oo sakin sinend ni Sandra pero hindi ako ang nagkalat. Iningatan ko siya." Sagot ni Adrian. Ako pag pagsisinungalingan nitong ugok na to ah.
"Ako ba niloloko mo Adrian?! Naghalungkat ako sa acc mo at nakita kong ikaw ang nagsend ng pic ni Sandra sa mga kaibigan mo! Hayop ka! Nilagay mo si Sandra sa kahihiyan!" Galit na galit talaga ako. Oo hindi kami close ni Sandra pero biglang babae, naiinis ako sa ginawa ni Adrian! Kinalat niya ang pic ni Sandra na nakabra't panty lang. Wtf.
"Pero hindi ko naman gagawin sayo yun Baby i swear. Mahal na mahal kita."sinubukan niya kong yakapin pero tinulak ko siya.
"At nakuha mo pa kong yakapin ah! Ayaw ko na! Wag ka na magpapakita sakin. Maghanap ka ng ibang bibiktimahin mo! Wag ako!" Kinuha ko ang bag ko sa lamesa at umalis na sa restaurant. Wala na akong pake kung madaming nakarinig ng mga sinabi ko. Kapag galit ako, galit talaga ako. Wala silang magagawa. Walang makakapigil sakin. E hayop naman talaga si Adrian kaya nagalit ako ng ganun!
"Baby please! Ayusin natin to!"sigaw niya ba habang naglalakad na ko papalayo.
"Wag mo kong matawag tawag na baby dahil kahit kelan hindi naging tayo ugok!" Lumingon ako saglit at sinigaw iyon. Nakakapanggigil!
End of Flashback
Kaya hanggang ngayon, hindi ko na pinapansin yung mga tawag at text niya. Hindi niya din alam na nasa Baguio ako.
After 1 year, narealize ko na ang tunay kong mahal pala ay si Ethan. Nagsisisi na ko dahil hinayaan kong umalis sa buhay ko si Ethan.. Nagsisisi na akong hindi ko siya pinahalagahan noon... Sobra ko siyang nasaktan... I'm sorry Ethan....
Napa-isip ako bigla. Kamusta na kaya si Ethan? It's been 4 years nung huli ko siyang nakita. Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay niya 3 years ago. Pero wala na daw siya doon. Umalis na daw. I tried to contact his sister pero wala akong napala. Pati sila galit pa rin sakin.
To be honest............
Mahal ko pa rin siya. Hindi siya nawawala sa isip ko kahit ang tagal na.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Fiksi RemajaPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
