Olivia Sophie's POV
"Nathan wag kang masyadong magulo at baka magising ang daddy mo." Suway ko sa batang to.
Kasi naman ang likot-likot dito sa ospital baka magising si Ethan! Kanina pa ko pulot ng pulot nung mga laruan niya sa sahig kasi nakakalat!
Literal na ginawa ako nitong yaya e!
Hindi pa siya nakakalabas ng ospital kasi chinecheck pa siya ng mga doctor.
"I DON'T CARE I WANT TO PLAY!" Sigaw naman nitong batang to. Loko to ah!
Sabing baka magising si Ethan e at mas lalo pang sumigaw! Loko to!
"Oliv? Baby?" Nako nagising na. Tsk. Lumapit naman ako sa kanya.
"Sorry Ethan ito kasing si Nathan sabi ko wag masyado malikot at baka magising ka ayun. Sinigawan ako." Sabi ko.
"It's okay Olivia. I'm awake naman na din. Hayaan mo siyang maglaro lang."
Biglang may pumasok sa kwarto ni Ethan.
"Good morning ho! I just want to say na pwede na po kayong lumabas bukas. Just remember lang ho na hindi ho kayo pwedeng magpapakapagod dahil hindi pa po okay yung braso at binti niyo po. Babalik po kayo dito sa ospital every month para mapa-check po yan. And also don't forget to take your medicines Mr. Dela Paz." Sabi naman nung doctor.
"Thank you doc. Okay po masusunod po." Sagot naman ni Ethan.
Lumabas naman na ulit yung doctor.
Hay sa wakas makakalabas na din siya!
"Oh Ethan ha, narinig mo yung doctor. Hindi ka daw pwede magpakapagod." Sabi ko sa kanya at sinuklay ko naman yung buhok niya gamit yung kamay ko.
"Opo ma'am narinig ko po." Sabi naman din nito.
"Ikaw talaga!" At pinisil ko yung ilong niya kahit oily pa rin! Haha! 😂 nakakapanggigil!
"Aray! Masakit yun ah! Inggit ka na naman sa ilong ko." Aba!
"Aba! Hindi ako inggit noh! Ang ganda ganda ng ilong ko bakit naman ako maiinggit jan sa ilong mong pinaliguan ng mantika. Haha!" At tumawa naman din ito.
Nakakamiss naman yung ganto.. Yung nag-aasaran lang kami..
"SHUT UP! YOU'RE CHO NOISHIE! Sigaw naman ni Nathan. Loko talaga tong batang to ha! Nakakabwisit to! Moment naman to ni Ethan tapos sisingit siya!
"Sorry baby" sabi ni Ethan.
"Sige kain na lang tayo. Anong gusto niyo Ethan? Ikaw Nathan ano gusto mo?" Tanong ko na lang sa kanila kahit na naiinis ako kay Nathan.
Pasalamat siya mabait pa ko sa kanya kundi nako lalagyan ko ng lason tong kakainin niya!
"I want cerealssshh!" Sabi naman nito ni Nathan. E pano yan walang cereals.
"I'm sorry baby but we don't have cereals right now." Sagot ko. E wala naman talaga.
"I SHAID I WANT CEREALSSSH!" Pagpupumilit niya. Aba! Tong bulol na batang to nako nakakarami na sakin to! Maayos akong nagsabing walang cereals e!
"Baby! Wala ngang cereals. Wag magpumilit!" Si Ethan. Ayan sige pagalitan mo yang batang yan.
Umiyak pa. Nako talaga. Sakit sa ulo nito.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
JugendliteraturPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
