Chapter 8- Sakit

13 4 0
                                    

Olivia Sophie's POV

"HURRY UP GUYS! NAPAKA-BAGAL NIYONG KUMILOS HINDI NIYO BA NAKIKITA NA NAPAKADAMING TAO SA LABAS?? DALIAN NIYO!!" Sigaw ni Sir Tan samin. Badtrip siya ah.

Bakit kaya?

"Alam niyo ba mga beks, kaya ganyan yan si Sir Tan kasi nag-break sila ng gf niya." Bulong samin ni JM. Baklang to talaga napakadaming alam na chismis.

Nandito kami sa restaurant ngayon. Nagmamadali kami kasi ang daming tao sa labas. Daming turista e. Kaya siguro galit si sir Tan kasi natataranta sa dami ng tao at pati na din sa sinabi ni JM na nagbreak daw sila ng girlfriend niya.

"Oy bakla wag ka ngang maingay baka marinig tayo." Sita ko kay JM.

"Ay sad naman. Bakit sila nagbreak?" Tanong naman nitong ni Allison. Lokaret talaga.

"Nakita daw kasing may kasamang lalaki yung gf niya."

Whoa.. Sounds familiar ang story ah....

"Bakit kayo nagkwekwentuhan ha. Diba sabi ko dalian niyo kasi ang daming tao!" Sita samin ni sir Tan. "Sophie. Sumunod ka sakin." Dagdag pa niya. Hala.

Anong ginawa ko?

Bakit?

Sumunod na lang ako.

Nasa labas na kami ng kitchen ni sir Tan.

"Sophie, diba ex mo si Chef Ethan?"

Bakit naman niya biglang natanong yan?

"Opo. Bakit po?" Sagot ko.

"Pansin niyo namang lahat diba na halos 3 araw na siyang absent. Alam mo ba kung nasan siya?"

Ay oo nga noh. Hindi
ko na siya nakikita dito. Ngayon ko lang napansin kasi busy kami palagi sa kitchen. Sa sobrang busy, nakalimutan ko na palang lumandi. Haha!

"Nako hindi po e. Hindi naman po kami palagi nag-uusap nun." Totoo naman na hindi kami nag-uusap nun. Kung nag-uusap man kami, about sa work lang.

"May number ka ba niya?" Tanong ulit ni sir Tan.

"Opo pero hindi ko po alam kung yun pa rin yung number niya. Matagal na kasi tong number niya sakin e. Tanong ko na lang po sa ate niya." Sabi ko.

Sana pansinin ako ng ate niya.

"Sige. Kaya lang naman kita tinawag kasi may favor ako sayo. Kung okay lang, puntahan mo si Chef Ethan since may pinagsamahan naman kayo noon. Kailangan na kasi siya ng restaurant. E siya lang ang chef natin kaya kailangan siya. As soon as possible pakipuntahan na siya. Thank you Sophie." Sabi ni sir Tan.

Hala!! Ako?? Papansinin niya kaya ako?? Pano kapag kumatok ako sa kung san man siya nakatira, pagbubuksan niya kaya ako?? Magsasabi kaya siya ng problema niya sakin?? Hay bahala na nga. Para hindi na din ako mag-alala, susundin ko na lang si sir Tan.
After ng pag-uusap namin ni sir Tan. Tinawagan ko na agad si ate Bell. (Ate ni Ethan)

Calling Ate Bell......

Ate Bell: Hello?

Me: Hello po ate Bell. Um si Sophie po ito kung naalala niyo pa po.. Ask ko lang po kung alam niyo po ba kung saan nakatira si Ethan dito sa Baguio? 3 days na po kasi siya hindi napasok sa restaurant. Madami pong nag-aalala sa kanya. Inutusan po ako ng boss po namin na puntahan niya kaso hindi ko po alam kung saan po siya nakatira. Alam niyo po ba kung saan?

Ate Bell: Ay ganun ba Sophie.. Sige text ko sayo yung address niya.

Me: Sige po thank you ate Bell.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon