Ethan's POV
"Pwede naman tayong maging magkaibigan.... Ulit... Pero hanggang doon na lang...."
Tama ba tong ginawa ko?
Pumayag ako na maging magkaibigan ulit kami ni Olivia?
Pero ex ko si Olivia. Siya lang naman ang isa sa mga taong nanakit sakin.
Oo.
Isa sa mga taong nanakit sakin. Dahil yung mga past girlfriends ko, niloko din nila ako.
Yung una kong girlfriend, si Denise, monthsary namin nun at excited akong puntahan siya para ibigay yung binili kong flower pero ako ang nasurpresa. May kasama siyang ibang lalaki at magkaholding hands pa sila.
Yung pangalawa naman, si Angeli, 5 years kami at sa loob ng 5 years na yun, naging masaya naman kami kaso niloko niya din ako e. Anong magagawa ko? Magmamakaawa akong mahalin niya ulit ako? Psh. Para saan pa? Para lokohin niya ulit ako? Wag na.
Itong pangatlo naman, si Olivia na. Okay naman si Olivia e. Masaya kasama. Malambing kapag nasa mood siya. Pero napakataray na minsan nga wala na sa lugar. Hindi ko inaasahan na lolokohin niya din ako. The fact na alam niya na ilang beses na kong naloko ah. Pero wala e. Kapag manloloko talaga, ganun talaga.
Siguro tama na din to kahit papano na maging magkaibigan kami. Ang tagal na ng nangyaring yun. Gusto ko na din makalimutan ang lahat.
Pero bago ang lahat. Matanong ko nga muna ang sarili ko. Galit pa ba ako kay Olivia?
Well. Aminin ko nandito pa rin yung sakit pero hindi ko na masyadong dinadamdam and thank you kay Lucy na tumulong sakin na maka-move on.
Bakit ba kasi ang dali-dali kong magpatawad at magbigay ng chance noon kaya ako naabuso e.
Bakit kasi sobra akong magmahal? Siguro dahil gusto kong mafeel na magmahal at mahalin din ako.
Grade 5 pa lang ako, iniwan na kami ng tatay ko. Hindi na siya nagpakita samin. Pero kahit hindi siya nagpapakita samin, hinanap ko siya at doon ko nalaman na may pamilya na siyang iba. Dahil doon, na-depress si mama sa pagkawala ni papa sa kanya. Aaminin ko, galit ako noon kay papa dahil iniwan niya kami. Pero nakatulong sakin si Olivia na wag masyado magalit kay papa dahil tatay ko pa rin yun kahit papano. Nung College ako, ako na lang mag-isa. Nasa ibang lugar yung pamilya ko samantalang ako, nasa Las Pinas. Kaya siguro ganto. Naghahanap ako ng taong mamahalin ako ng lubos dahil kahit kailangan hindi ko naranasan iyon sa pamilya ko. Gusto kong mahalin ako. Yung palaging nanjan sakin para alagaan at lambingin ako. Pero wala e. Kaya sobra din akong nasasaktan e. Palagi kasi akong umaasa.
Ang pang-apat ko namang girlfriend ay si Lucy na. Sana hindi na ako saktan nito. Yup may anak na kami. Paano? Nasa bar ako nun dahil gustong-gusto ko ng makalimutan si Olivia. Hindi inaasahan dumating siya at lasing na lasing ako. Ayun. Nabuo si Nathan. After kong nabuntis si Lucy, mas naging maingat ako sa kanya at minahal ko siya ng sobra. At unti-unti ko na nakakalimutan di Olivia dahil nakatuon na ako kay Lucy.
Mahal na mahal ko yung mag-ina ko. Sila na ang buhay ko ngayon.
Balik tayo kay Olivia, gusto ko siyang kausapin about sa nangyari noon. Kung kamusta na sila ni Adrian.
Yung gagong yun.
Sobra akong nagalit kay Olivia noon dahil sinabihan ko na siya about kay Adrian pero hindi siya nakinig. Nakipag kaibigan pa rin siya sa gagong yun.
Bakit ba ako galit na galit kay Adrian?
Kasi gago siya.
Playboy siya.
Ang dami niyang babae. Galit ako sa kanya dahil ayaw kong mabiktima niya si Olivia dahil mahal na mahal ko yun.
Noon.
Pero wala e. Matigas ang ulo ni Olivia. Hindi niya ko sinunod at higit sa lahat, nagsinungaling pa siya sakin. Kaya nagpakalayo muna ako. Pumunta ako sa lugar na wala siya. Walang related sa kanya. Which is sa America. Doon ako nagsimula ulit at doon ko nakilala si Lucy.
Ano bang balak ko ngayon kay Olivia?
Friends at sisiguraduhin ko na hanggang friends na lang kami...
Author's Note:
Hi guys! Sorry medyo maikli lang ang Chapter na to. Nag-iisip pa kasi ako ng next na chapter nina Olivia at Ethan.
Pero sisikapin ko sa next chapter na mahaba na. Please continue reading my story guys! Don't forget to vote and comment! I love you all! 😘
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
