Olivia Sophie's POV
Kahapon ko pa tinetext si Ethan para kamustahin pero ni isang text niya, wala akong natanggap. 9:00 am na ah. Pero hindi pa rin siya dumadating dito sa condo ko para kunin si Nathan. Asan na kaya siya?
Psh anong gagawin ko? Malalate naman ako kung ihahatid ko pa si Nathan sa daddy niya.
No choice kundi isama si Nathan sa Cambrey.
"Nathan, bihis ka dali at pupunta tayong Cambrey." Sabi ko kay Nathan na naglalaro na naman ng toy cars niya.
"Why? Asan daddy?" Tanong niya sakin.
"Umm busy si daddy, baby. Kaya sasama na muna kita sa work ha." Sabi ko.
Sumunod naman siya agad. Buti na lang may damit siya dito sa condo ko. Nag-decide kasi kami ni Ethan na maglagay ng damit ni Nathan dito in case na hindi niya makuha si Nathan tulad ngayon.
After 10 minutes, nakaalis na kami ng condo ko.
At pumunta na sa Cambrey.
"Good morning miss Sophie!" Bati sakin ni Manong Guard pagpasok namin ng restaurant.
Ngumiti naman ako bilang sagot.
"Sophie my dear!!! Buti nandito ka na!!!" Si Allison. Pagpasok ko pa lang locker room, nandito ma din siya.
"Bakit? Ano meron?"
"Buksan mo dali yang locker mo!!" Sabi niya.
Nakita ko naman yung locker ko. May nakalagay na sticky note.
"Open this, my lady."
Huh? Sino naman to?
"Sino naglagay nito?" Tanong ko kay Alli.
"Aba malay. Pagpasok ko dito may ganyan na jan e. Dali buksan mo na!"
Binuksan ko na yung locker ko at nagulat ako sa nakita ko.
Bouquet of flowers at paper bag na punong puno ng chocolates.
"Sino naman naglagay nito dito? Pano nalaman yung lock nito?" Tanong ko.
Kasi naman ni sino walang nakakaalam ng lock nito pati si Alli hindi niya alam and pati si Ethan.
"Hindi ko nga alam! Pero nakakakilig ha!! Baka si Ethan!!!" Si Alli. Gaga! Ay wait. Baka si Ethan nga!! Baka kaya dahil hindi niya sinasagot mga text ko kasi may surprise siyang ganto!!
Ahhh!!! Kakilig!!!
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Ethan.
Pero.......,..
walang sumasagot.
Bakit ba? Ano bang nangyari sa kanya?
"Tita, is this for me??" Si Nathan. Nandito pa pala to sa tabi ko haha! Ang tinutukoy niya ay yung mga chocolates na nasa paper bag. Pinahawak ko kasi sa kanya sandali.
"Yes sure baby!" Sagot ko na lang. At kumuha siya doon.
Binalikan ko naman nf tingin yung flowers. Sino kaya nagbigay nito? Si Ethan kaya?
Pero may napansin akong note ulit na nakaipit sa loob.
"I hope you like it! That's for you, my lady. Flowers for the gorgeous lady I've ever seen. -Tristan"
What???? Si Sir Tan ang nagbigay nito???
But why???
May biglang pumasok sa locker room.
"So, nakita mo na pala." Si sir Tan. Ngiting-ngiti naman ang loko.
"Galing sayo to? Bakit?" Tanong ko.
Lumapit pa siya sakin. "Because you're special."
"Pero sorry hindi ko matatanggap to. Alam mo namang magagalit si Ethan diba." At inabot sa kanya yung bulaklak pero ayaw niyang kunin.
"Kayo ba ni Ethan?" Tanong niya.
Natahimik naman ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi naman kami ni Ethan.
"See. Hindi ka makasagot kasi hindi naman talaga kayo." Dagdag niya pa. Loko to ha!
"Kahit na! Magagalit pa rin siya! Kaya sayo na tong bulaklak mo!" Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.
"That's for you, my lady." Sabi niya. "I'll court you, Sophie." Dagdag niya pa. HAAAAA??
"HAAA?? HINDI PWEDE!! BAKIT??TSAKA MAGAGALIT SI ETHAN!!" Sabi ko.
"Sophie, I like you. At wala akong pake kung magalit man si Ethan. Ipaglalaban kita Sophie." Sabi niya. Ano ba tong lalaking to! Nahihibang na ba siya!!?
"HINDI PWEDE!! AT HINDI KO KAILANGAN TONG MGA BINIGAY MO!"
Kinukuha ko yung paper bag kay Nathan pero ayaw niyang ibigay at nagpupumilit na sa kanya na lang yun.
"Fine! Yung mga chocolates kukunin ko pero ito, no!" Sabi ko at iniabot sa kanya yung bulaklak niya!
Tuluyan na kaming umalis ni Nathan sa locker room at dumiretso Sa kusina.
Argghhh!! Bakit ba kasi siya nagpaparamdam ng ganyan!! I DON'T NEED HIM!!
Sinusubukan ko na naman ulit tawagan si Ethan pero wala pa rin!
Arghh Ethan asan ka na ba!!!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~4:30 pm na. Uwian ko na. Pero wala pa rin si Ethan. Ano ba nangyari dun? Tinext ko na lahat-lahat, pero walang sagot!
Tinanong ko naman yung mga kasamahan namin kung papasok ba siya o hindi pero ang tanging sagot lang nila e hindi nila alam.
Ayaw ko naman tanungin si sir Tan. Psh iiwas na nga ako sa kanya. Kainis kasi e kung ano ano sinasabi!
Hay bahala na nga! Sakin na muna ulit si Nathan!
Palabas na kami ng Cambrey ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Sophie!"
Lumingon naman agad ako.
Si Tan. 😒
Umiwas agad ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Wait Sophie!" Siya na naman. Argh ang kulit talaga ng lalaking to. Hinawakan niya pa ko sa braso.
"Ano ba! Ano na naman ba kailangan mo SIR Tan?"
"Hatid ko na kayo."
"Hindi mo ba nakikita na may kotse ako! Hindi kita kailangan!" Sabi ko. Nakakainis kasi e.
"Ay oo nga noh. Sige pasyal na lang tayo." Ang kulit naman talaga oh!
"Ayaw ko! Madami pa kong gagawin!"
"Tulad ng?"
Teka ano nga ba gagawin ko? "Wala ka na don!" At tumalikod na ako sa kanya at naglakad na kami ulit ni Nathan.
"Hindi ako susuko Sophie. Tandaan mo yan." Pahabol niya pa.
Psh! As if naman may pake ako sa kanya! May Ethan na ako! At ayaw ko na lokohin pa si Ethan!
Kahit na nawawala siya ngayon.....
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...