I wish I have a short term memory lost so that I won't be able to rewind all the memories that we shared.
Nakakapagod ng mag-isip. Nakakalungkot, nakakapanghinayang at ang pag-iyak naman ang kasunod.
Umabot na ako sa puntong kinikwesyon ko na ang tadhana. Ganito din ba si Drake? Minsan ba siyang nabahala? Napaisip at nanghinayang sa ginawa?
Sa tingin ko hindi. Wala naman siyang pakialam. At sa nakikita ko'y masaya na siya ngayon. Masaya siyang wala ako.
"Aren't you going to prepare for school? Aish. I'm going to be late because of you. You're like a snail!"
Ibinaba ko ang hawak na suklay saka ko tinignan ng masama ang kapatid kong nasa hamba ng pinto.
"Yah! Stop acting like you're older than me, you dimwit!"
Come to think that he's just a 10 year old kid. Tapos kung umasta parang mas panganay sa akin.
"Just make it fast, you snail"
"Ah, don't call me that! Yah, Summer come back here!"
Narinig ko pa ang malakas na pagsarado niya ng pinto ng kanyang kwarto. Ang bata talagang yun, sakit sa ulo.
Nagday off si Mang Nilo, ang driver namin kaya ako muna ang magdadrive ng kotse. May student license naman ako at marunong na magdrive kaya kampanti na ako. Atsaka hindi ito ang unang beses ko na magdadrive.
Una kong ihinatid si Summer sa pinapasukan niyang school. Medyo malayo yun sa University na pinapasukan ko pero ayos lang dahil mahaba pa naman ang oras bago magstart ang first subject ko.
Tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko yun sa bag na nakapatong sa passengers seat. Sa kakaabot hindi sinasadyang nahulog yun sa sahig ng kotse. Umilaw ulit yun at nakita ko ang pangalan ni Dad sa caller ID.
Minsan lang tumatawag si Dad kaya alam kong importante yun. Sinubukan ko yung abutin pero nahirapan ako. Nasa manibela ang isang kamay ko at ang isa naman ay inaabot ang cellphone. Palipat lipat ang tingin ko sa daan at sa tumutunog na cellphone.
Yumuko ulit ako para kunin ang cellphone. "Finally"
Pagtingin ko sa daan, nagulat ako nang makitang maling direksyon na ang tinatahak ko. May kotse sa harapan! Nagpreno ako pero nabangga ko parin ang pulang kotse.
Napahilamos ako sa mukha. What was that?
Ang malakas na pagkatok sa windshield ng kotse ang sunod na narinig ko. Tinted yun kaya hindi ako kita sa loob. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang pagkatakot niya sa bintana.
Baba ba ako? Mukhang napalakas ata ang pagkabunggo ko sa kotse niya. Sa huli ay napagdesisyunan ko na ring lumabas. After all, kasalanan ko rin naman.
"May balak ka bang magpakamatay? Pwes wag kang mandamay! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Tignan mo, nagasgasan ang kotse ko!"
Nakatingala ako habang nakatingin sa isang matangkad na lalaki. Hindi naman tirik ang araw pero bakit siya nakasuot ng glasses?
Tinignan ko ang kotse niya at napangiwi ako nang makita ang malaking gasgas doon. Mukhang bago pa naman ang kotse niya at sobrang ganda pa!
"Pay for the damage or else I'll call the police"
Magsasalita na sana ako pero bigla niyang tinanggal ang glasses niya kaya napahinto ako at napatitig sa kanya.
I think, I saw him somewhere.
"I said pay for the damage!"
Mapungay ang mata niya at may kasingkitan. Maputi siya at matangkad. Matangos ang ilong at maganda ang pagkakadepina ng panga. Tapos yung labi niya... yung labi niyang.
