C H A P T E R (26)

272 12 0
                                    

"What do you mean? They're not even together!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Summer. Did he just say that? Nanlambot ang tuhod ko dahil doon.

Lumipat ang tingin ko kay Drake. His face was unreadable. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Autumn?"

"About what?"

"About her boyfriend, Liam" Drake answered, his jaw was clenched in a well mannered.

"What? You're just mistaken, kuya. Kaibigan lang siya ni ate, nothing more or less."

Kung papasok man ako sa loob, wala na akong magagawa. Hindi ko na mapipigilan si Summer dahil nasabi na niya ang totoo kay Drake. Too late.

I think hanggang dito nalang talaga. Alam na ni Drake ang totoo. Ano nalang ang iisipin niya sa akin?

"Why can't you go back together instead, kuya?"

No, Summer. Please just stop it.

You have a choice, Autumn. Kung ayaw mong marinig ang sagot niya, umalis ka dyan.

But me being stupid, I stayed. Upon hearing his answer broked my heart.

“We can't, Sum. We can't go back together because I'm with someone else now. May girlfriend na ako”

And just like that my tears fell. Masakit marinig sa kanya na hindi na ulit kami babalik sa dati, na hindi na magiging kami kasi may iba na siya.

“Why? Hindi mo na ba mahal ang ate ko?"

That's the cue. I need to move. I need to leave. I don't want to hear it. Alam ko na ang sagot niya at hindi ko kayang marinig 'yon dahil alam kong madudurog ulit nun ng paulit ulit ang puso ko. I won't risk my heart again, masyado ng masakit.

Nagkulong ako sa kwarto ko at doon umiyak. Akala ko immune na ako sa sakit pero hindi pa pala. Masakit parin sa tuwing naririnig ko na may iba na siya at hindi na 'yon magiging ako.

Kung hindi na maibabalik ang dati hindi ba pwedeng ulitin nalang?

“Autumn!” narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto. "Lumabas kana dyan, kakain na tayo"

Pinunasan ko na ang luha ko. “Opo. Sunod na po ako” sagot ko. Good thing hindi masyadong halata sa boses ko na umiyak ako.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. I groaned nang makita ko ang pulang ilong at mata ko. Mabilis akong pumunta sa banyo at naghilamos.

“Maupo kana para makakain na tayong lahat”

Nadatnan ko silang tatlo na nakaupo na sa dining table. Hindi pa nagagalaw ang mga kubyertos at pagkain kaya alam kong hinintay pa nila ako. Umupo ako sa laging inuupuan ko, malas lang dahil tapat 'yon ng inuupuan ni Drake. Gusto ko laging nakikita ko siya pero ayaw ko namang makita niya akong ganito ngayon. Mukha akong ewan.

“Did you cry?” tanong sa akin ni Summer habang nakataas ang kilay. Napatingin tuloy sa akin si Mommy pati na rin si Drake.

"Hindi ah. Bakit naman ako iiyak?"

Of course hindi ko aaminin sa kanila na umiyak ako! Paano nalang kung tanungin nila kung bakit ako umiyak? Ano nalang ang isasagot ko 'di ba? Minsan kasi mas madali pa ang magsinungaling kaysa sa magbigay ng paliwanag. I'm not saying lying is good- No, never 'yon naging maganda. Sadyang wala lang akong maisip na palusot para lusutan ang mga posibleng tanong nila.

Mabuti nalang hindi na ulit sila nagtanong. We started eating at sa aming apat si Mommy lang ang daldal ng daldal.

“Kamusta kana, Drake? Hindi kana pumupunta dito ah. Nakakamiss! Samantalang dati araw-araw kang pumupunta dito"

Tinignan muna ako ni Drake bago siya sumagot.

"I'm fine, Tita."

Hindi na niya dinugtungan pa 'yon. Bakit hindi niya sinabing hindi na siya pumupunta dito dahil may pinupuntahan na siyang iba? Oh, come on.

"May napapansin ka bang nanliligaw sa anak ko? Mula kasi n'ong magbreak kayo wala pa siyang pinapakilalang boyfriend niya. Konti na nga lang at iisipin ko ng hindi pa siya nakaka-move on sa'yo" tumawa si Mommy na parang wala lang sa kanya ang sinabi niya.

Napasinghap ako at umiling nalang. Yon naman talaga ang totoo! Wala pa akong boyfriend dahil hindi pa ako nakaka move on sa kanya. Wala akong boyfriend kasi siya parin ang mahal ko.

I guess from this moment on alam na ni Drake na hindi totoo ang relasyon namin ni Liam. Siguro pinagtatawanan na niya ako sa loob loob niya? Iisipin nanaman niyang ang pathetic, desperate at stupid ako.

He casts me a puzzled look. Iniisip niya siguro kung bakit ako nagsinungaling? Bakit kailangan pa naming magpanggap ni Liam? Heck! Kung talagang matalino siya dapat alam na niya ang sagot doon!

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain dumiretso agad ako sa mini garden namin, nasa likuran 'yon ng bahay. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin dahil pigil ko ang hininga kanina. Halos hindi ako makahinga noong kaharap ko siya.

Madilim na at ang mga ilaw nalang ang nagsisilbing liwanag dito sa labas. Ngayon ko lang napansin na tumila na pala ang ulan.

“I didn't know that you're a liar now"

My lips parted when I heard his voice from my back. I turned around to face him. Nagulat ako sa presensya niya pero hindi ko 'yon pinahalata. Umakto parin ako ng normal kahit sa totoo  ay kinakabahan ako.

“Why did you lie?”

I remained silent. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Ngumisi siya sa akin. Pinadaanan niya ng dila ang ibabang labi.

"I thought you love him? Then why keeping him a secret? Bakit hindi mo sinabi sa kanilang may boyfriend ka at si Liam 'yon?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Akala ko alam na niya ang totoo. Iba pala ang nasa isip niya. Ang akala niya tinatago ko ang relasyon namin ni Liam sa pamilya ko.

Dapat ba akong maging masaya dahil hindi parin niya alam ang totoo?

"What is it to you, Drake? Labas kana doon"

Kinakabahan ako. It was so damn unfair when he makes me so nervous while I don't affect him at all. I was about to walk past him when he held me by my arm.

Madulas ang sahig at medyo madulas din ang suot kong flip flops kaya alam kong babagsak ako. Sinubukan ni Drake na i-angat ako pero huli na. Hindi ko alam na pati si Drake bumagsak at ang malala, sa lahat ng babagsakan niya sa ibabaw ko pa.

*Tsup*

His lips accidentally met mine. We were both shocked and frozen. My eyes were wide open habang nakatingin sa mata niya. We were so damn close at hindi ako makahinga ng maayos dahil magkalapat ang aming mga labi.

Did we just kissed?!



Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon