C H A P T E R (13)

655 34 11
                                    

Kinwento ko kay Mika ang nangyari kahapon pero hindi lahat. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa Mommy ni Liam-- that's not my story to tell. Binanggit ko lang sa kanya na sinama ako ni Liam sa family dinner nila at ipinakilala bilang girlfriend niya.

"Kailangan pa ba 'yon? Alam niyang fake relationship lang ang meron kayo. Bakit kailangan ka pa niyang ipakilala sa parents niya as his girlfriend?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko din alam ang sagot doon. Ang iniisip ko baka ginawa niya 'yon dahil kasama 'yon sa mga plano niyang pagselosin si Drake.

"Maybe Thirdy likes you!"

Nabulunan ako sa sinabi ni Mika kaya uminom ako ng tubig.

"Ang labo naman noon, Mik. Impossible"

"Then can you explain to me why is he acting like that? Sino ba naman ang lalaking gugustuhing magpanggap na fake boyfriend 'di ba? Aksaya lang 'yon sa oras, best. Idagdag mo pa na hindi close si Thirdy kay Drake! Sige nga. Tell me, bakit niya gagawin 'yon?"

"I don't know. Siguro naaawa siya sa kin kaya gan'on."

"Hay naku. Bahala ka nga dyan! Palibhasa kasi si Drake lagi ang iniisip mo at tinitignan mo kaya nabulag kana! Stop chasing the wrong guy, Autumn"

Itinuloy niya ang pagkain niya. Pansin kong naiinis nanaman siya sa akin.

"Ikaw nga dyan e. Hindi mo napapansin ang mga lalaking nakapaligid sayo"

"Aware ako na madami sila. Sa ganda ko namang 'to 'di ba?"

"Are you still inlove with Raiko?" tanong ko.

Tumawa siya ng tumawa na para bang isang malaking joke ang sinabi ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante dito sa cafeteria.

"Wag mo akong itulad sayo, Autumn! Matagal na akong nakamove on"

"How about Ethan? Do you like him? O baka naman inlove kana sa kanya?"

I think, I just hit the bulls eye.

"Silence means yes?"

"No-no w-way!" she stuttered. She sipped her tea once again. "Hindi ako maiinlove sa nerd na 'yon!"

I threw a tissue on her face. "Defensive masyado"

"Lovelife mo ang pinag-uusapan natin dito at hindi ang akin!" sabi niya pero nagkibit lamang ako ng balikat. "Pero seryoso baka ma-fall ka kay Thirdy sa sobrang sweet ng lalaking 'yon. Aba! mag-ingat ka! Hindi ka pa nga nakakamove on doon sa isa."

Napapailing nalang ako sa mga sinasabi ni Mika. I can't see myself being inlove with someone else especially when it's not Drake.

Naglelecture ang Instructor ko sa Practical Research nung marinig ko ang pangalan ko sa Intercom.

"Paging.. Ms. Autumn Silva and Mr. Thirdy Liam Flores please proced to the Student Council Office. Thank you"

"Ms. Silva, you can go" sabi sa akin ng Instructor ko bago siya bumalik sa discussion.

Bakit pati si Liam pinatawag? Anong meron?

Pumunta ako sa SC office. Nandoon ang mga members ng Student Council. May meeting kami? Bakit narinig ko ang pangalan ni Liam, hindi naman siya member ng SC ah?

"Hello, Vice President,"

Ngumiti lamang ako sa mga bumati sa akin. Lumapit ako kay Ethan.

"May meeting ba?" tanong ko.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon