Iniwan niya ako sa bench. Habang hinihintay siya nilibang ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng mga dinownload niyang games. I'd became busy until someone approached me.
“Hi”
Isang matangkad at medyo hindi kaputiang lalaki ang nasa harapan ko. Lumabas ang dimple niya sa pagngiti niya.
“Uh. Hello?” may pagtataka ang mukha ko habang nakatingin sa lalaki.
Kanina pa siya nakangiti sa akin. Magkakilala ba kami? He didn't look familiar though.
“You got my attention. Ngayon lang ako nakakita ng naglalaro ng fun games sa cellphone sa loob ng amusement park. Mas gusto mo ba ang laro dyan ka sa mga rides dito?”
Hindi kami magkakilala pero kung makipag-usap siya sa'kin parang matagal na niya akong kilala. Nagawa niya pang umupo sa may tabi ko. “Are you alone?” tanong niya.
“No. I'm just waiting for someone”
“Boyfriend mo?”
Napaisip ako sa tanong niyang 'yon. Boyfriend ko na ba ulit si Drake? Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na 'yon. Pero I trust the process naman. Hindi naman ako nagmamadali.
“Ahh. Hindi” sagot ko. Mahirap ng umasa basta ang importante ay masaya ako kung anong meron kami ngayon.
“Talaga? That's good"
“Huh?”
Anong good doon?
“Gusto mo bang habang hinihintay natin siya pasyal muna tayo? Arcade, gusto mo?”
“Pero—”
“Talaga? Tara!” hinila niya ako patayo. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang Arcade.
“Teka. Hindi pa ako pumapayag!”
Huminto siya. “Hindi pa ba? Sayang naman nasa Arcade pa naman na tayo. Tara laro na tayo!”
Hinila niya ako papasok. Nagpapalit muna siya ng coins bago niya ako hilain sa basketball machine. “Ayan, paramihan tayo ng scores. Game!”
Nag-umpisa ng lumabas ang mga bola. I was hesitant at first, kasi hindi ko alam kung tamang makipaglaro sa isang stranger. Pero sa huli ay sinabayan ko na siya at hindi ko maitatangging nag-eenjoy ako. Pagkatapos naming maglaro ng basketball hinila niya ako sa clawing machine.
Ang hilig din niyang manghila ng manghila, ano?
“Nakikita mo ba ang teddy bear na 'yan? Kukunin ko 'yan para sayo!” kinindatan niya ako bago niya hulugan ng coins ang machine.
Napailing nalang ako sa kalokohan niya.
“Arg! Malas naman oh. Isa pa!”
“You better stop. Nakakailang try ka na eh”
“Last na 'to”
Gusto ko ng bumalik sa bench kung saan ako iniwan ni Drake. Baka nandoon na siya! Kinuha ko ang cellphone atsaka nagtext sa kanya. Halos manlumo ako nung makita kong message failed. Naubos ang load ko sa kakadownload ni Drake ng games kanina.