Time really flies so fast. Marami na ang nagbago. It's been what? 7 years? Pitong taon na ang lumipas but everything feels like today. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit ng pagkawala niya. Hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya. Hindi ko alam na possible pala na kahit na wala na siya mananatili parin ang pagmamahal ko sa kanya. It's getting deeper and deeper everyday, nakakalunod at sa tingin ko nga'y hindi na ako makakaahon pa.
Sumandal ako sa swivel chair at iniikot 'yon para maharap ang glass wall ng opisina. I can see from here the beauty of the city. Nakikita ko ng mabuti ang matataas na mga buildings at parang abot kamay ko rin ang langit. Tumingin ako sa ibaba at napanguso ako nang makitang halos hindi umuusad ang mga sasakyan dahil sa traffic. Kailan ba masosolusyunan ang traffic dito sa Maynila?
Tumunog ang telepono ko kaya bumalik ako sa table.
"Yes?"
"Good morning Ma'am" bati sa kabilang linya. Narinig ko ang boses ng aking sekretarya na si Vivian. "May gusto pong kumausap sa inyo pero hindi naman po siya nagpa-set ng appointment"
Napahilot ako ng sentido. Inilipat ko ang telepono sa kabilang tenga bago sumagot.
"Sino?"
"Mika Dionisio daw po"
Nanlaki ang mga mata ko. "Let her in, Vivian. She's my bestfriend"
"P-Po? S-Sorry Ma'am, hindi ko po alam. Miss? Pwede na po kayong pumasok. P-Pasensya na po"
Ilang sandali lang din ay bumukas ang pinto. Napangiti ako nung makita si Mika, agad ko siyang sinalubong ng yakap.
Naupo kami sa couch.
"I'm sorry. Bago lang kasi si Vivian kaya hindi ka kilala"
"Okay lang 'yon! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na isa ka ng director sa isang sikat at malaking kompanya dito sa pilipinas. Biruin mong kailangan pang magpaset ng appointment para makausap at makita ka. Bongga! Ang layo na talaga ng narating mo. Baka isang araw mabalitaan ko nalang na ikaw na pala ang CEO ng kompanyang 'to ha"
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi lang naman ako ang naging successful kundi pati na rin siya. Sikat na ang restaurant nila ni Ethan dito sa Pinas! Isang buwan kaming hindi nagkita ni Mika kaya marami din kaming pinagkwentuhan.
"So, how's paris?" ngumiti ako ng makahulugan sa kanya. "Baka nauna ang honeymoon kaysa kasal?"
Pinamulaan siya ng pisngi. Sinamaan niya ako ng tingin at humalukipkip.
"Syempre hindi! Ang swerte naman ng nerd na 'yon kung magchurva na agad kami ng hindi pa kinakasal. Malay mo magbago pa ang isip ko at hindi siya siputin sa kasal"
Napailing ako sa kalokohan niya. Kapag narinig ni Ethan ang sinabi niya paniguradong magtatampo 'yon.
"Sure ka? Baka magsisi ka sa huli. Pinipilahan pa naman ng babae si Ethan. Mabait na, matalino, successful at gwapo pa! Ang swerte mo kaya sa kanya"
"Baka siya ang maswerte sa akin! Hindi na siya makikita ng katulad ko nu!"
Apat na taon ng in a relationship si Mika at Ethan at finally ikakasal na ang dalawa. I'm happy for the both of them. Marami na silang napagdaanan at alam kong deserve nila ang isa't isa.
