CHAPTER FOUR

816 37 7
                                    

After several more steps and climbing a lot of stairs, I finally reached the rooftop. Upon entering, I felt a total complete silence. I walked towards him with heavy footsteps.

Halos umikot ang mata ko nang makita siyang preskong nakaupo sa isang bench roon habang naglalaro sa kanyang cellphone. Nang makita ako'y agad siyang ngumisi at isinilid ang hawak na cellphone sa kanyang bulsa.

"Where's my food?"

Ibinigay ko sa kanya ang pagkaing binili ko sa cafeteria. "Bakit kasi hindi ka nalang roon kumain sa baba?"

Kailangan ko pa tuloy magpaalam kay Mika para lang tagpuin ang lalaking to. Mabuti nalang katatapos ko lang kumain ng lunch at nandoon rin ako sa cafeteria nung time na nagtext siya at nagpapabili ng pagkain.

"Gusto ko dito eh. Bawal ba?"

Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa lalaking to.

"Bahala ka. Aalis na ako"

Kumunot ang noo niya. "Saan ka naman pupunta?"

Pati ba to kailangan pang sabihin sa kanya? Kinagat ko ang ibabang labi para maiwasan ang pag-ikot ng mata. "Babalik na sa classroom"

"Hindi mo ba kukunin ang bayad nito?"

Ngumuso ako nang tinignan ang styro na may lamang rice at beef steak. "Keep your money. Libre nalang yan para mabawasan naman utang ko sa'yo"

Kung tutuusin nga walang wala lang yan sa mga kasalanan ko sa kanya. Yung tungkol sa kotse niya at sa paghalik--- umubo ako at umiling. Ayoko nang isipin 'yun.

Aalis na sana ako nang pigilan niya nanaman ako. This time hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mata. "Ano nanaman?!"

"Pupunta kang baba? Bili ka na rin ng tubig. Bumili ka ng pagkain pero wala namang tubig. May balak ka bang patayin ako sa pagkauhaw?"

Pumikit ako at kinontrol ang sarili. Mahaba talaga ang pasensya ko pero ewan ko ba, pagdating sa lalaking to umiikli ang pasensya ko.

"Liam"

"Yeah?" sabi niya habang sarap na sarap sa pagsubo ng pagkain.

"Alam mo ba kung gaano ako nagpakahirap na umakyat rito sa rooftop? Tapos ngayon naman pababalikin mo ako rito dala ang tubig na pinabibili mo" mahina yun ngunit may diin sa bawat salita. I want him to know that I'm getting annoyed by him!

Pagod na nga akong umakyat mula sa ground floor hanggang dito sa rooftop tapos ngayon naman gusto pa niya akong bumalik roon para ibili siya ng tubig.

"Ano? Hindi ka ba gagalaw diyan? Nauuhaw na ako. Yung malamig bilhin mo ha?"

Aba, nag demand pa! Pumikit ulit ako dahil nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil sa kanya.

"No way, Liam. Kung gusto mo ng tubig, pumunta ka sa cafeteria at ikaw mismo ang bumili!"

"Fine. Ako na ang bibili" tumayo siya at inaayos ang buhok. Pinagdikit niya ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib kasabay ng pagsilay ng ngisi sa labi. "Sasabihin ko rin doon sa ex mo na wala talagang tayo at pagpapanggap lang 'to. Ayos ba?"

What the heck?! Is he even serious?

Nung tumalikod siya at nagsimula nang humakbang ay nabahala ako. Tototohanin niya ba talaga ang banta niya?!

"Oo na! Ako na ang bibili ng tubig mo! Hintayin mo nalang ako rito!"

Doon siya tumigil. Humarap siya sa akin suot ang mapang-asar na ngisi. I badly want to wipe that smirk off his face! Nakakainis.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon