Isang buwan na ang lumipas. At sa isang buwan na 'yon ginugol ko ang atensyon at oras ko sa pag-aaral. Malapit na ang graduation at tuwang tuwa si Mommy dahil Top 1 ako sa klase. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng sakit na nararanasan nagawa ko paring iahon ang sarili at panatilihin ang magandang marka sa pag-aaral.
Next school year, college na ako. I'm planning to take Financial Management as my course. I'm still thinking kung saan ako magcocollege, hindi ko pa alam kung saan pero nakakasigurad akong hindi sa campus na 'to.
"Bakit kaya hindi na pumapasok si Drake, ano? Sayang! Malapit pa naman na ang graduation."
"Hindi ko din alam. Pero for sure naman na ikokonsider ng Campus ang mga absences niya. Sa kanila kaya itong campus atsaka sobrang talino nun!"
Napahinto ako nung marinig ko ang pag-uusap ng dalawang studyante dito sa hallway. Marinig ko lang ang pangalan niya iba na ang dating sa akin. Pain. That was I'd retrieved.
Hindi na pumapasok si Drake sa school, hindi ko alam kung bakit. Ayoko siyang makita pero ayoko din namang ihinto niya ang pag-aaral niya. I haven't seen him in a month which was good because seeing him brings back all the pain. I don't wanna go through that pain again. Masyadong masakit, hindi ko na kakayin kapag umulit pa ako roon.
In the second thought hindi na dapat ako makialam pa. Buhay niya 'yon, gawin niya kung ano ang gusto niya.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag-alis sa building. Nasa parking lot ako noon nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Napako ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses niya. I know who is the owner of that voice! Kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong siya 'yon.
Pinili kong wag humarap sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Autumn! Saglit lang" hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako. I turned around to face her.
"Lory" tila ba asido sa aking dila ang pagbigkas sa kanyang pangalan.
"Can we talk?" her eyes were sparkling with hope. Nakita ko ang pagmamakaawa roon.
She looked angelic and pure right now taliwas sa mga pinapakita niya sa akin na ekspresyon noon. Looks can be deceiving sometimes.
I remain stoic. I did my best to make my face steady and emotionless. "About what?"
"I-I need to tell you something"
"Sabihin mo na ngayon"
Kasi sa totoo lang ayokong humaba pa ang usapan namin. Ayokong makulong sa isang lugar kasama siya. Ayoko siyang makita. Dahil para siyang salamin ng kabiguan ko sa pag-ibig, sila ni Drake. Na kapag tinitignan ko sila para akong nasusugatan at nasasaktan. Masyadong masakit.
"Sumama ka muna sa akin. Kailangan mong sumama sa akin, Autumn"
Napakunot ang noo ko dahil sa pagmamakaawa sa boses niya. What's wrong with her? Hindi naman siya ganito! May binabalak ba siyang masama sa akin? Easy target ba ako sa paningin nila kaya ako lagi ang pinagdidiskitahan? Madaling utuin? Madaling lokohin?
"I won't fall to your trap, Lory. Please lang kung may balak kang masama sa akin wag mo ng ituloy"
"No! No, Autumn. Wala akong pinaplanong masama. Please, just this once paniwalaan mo ako. Kailangan mong sumama sa akin"