C H A P T E R (49)

226 8 1
                                    

I took a look of myself in the full length mirror. I am wearing a sheer sexy back mermaid white evening dress. The dress were hugging my body perfectly, showing my sexy curves. My curly long hair freely fall in my back. Smokey eyes, red lips and I can see from here the outline highlights of my cheekbones. Sinuot ko ang glass sandals na binili ko pa kahapon sa isang boutique. I smiled when I saw myself at the mirror. There you go, I'm ready to go.

Bumuntong hininga ako nung makita ang bracelet na bigay sa akin ni Drake seven years ago. Hindi bagay sa suot ko ang bracelet pero hindi ko parin 'yon tinanggal at pinalitan. Simula noong ibigay niya sa akin 'to never ko pang hinubad. Maliban sa mga alaala at pagmamahal niya, ito nalang ang natitirang iniwan niya sa akin.

Pumunta ako sa Sarmiento Hotel, doon kasi gaganapin ang event. Bago ako pumasok sa loob ay sinuot ko muna ang masakara na nababagay sa gown na suot ko.

Maraming tao sa loob at halos lahat ay nakamaskara. Iginiya ko ang sarili sa isang table at pinasadahan  ng tingin ang social hall. Mukhang pinaghandaan talaga ang event na 'to. The interior of the hotel was shouting elegance. Sa tingin ko nga ay gumastos sila ng milyon milyon. Sabagay mayaman naman sila kaya siguro'y barya lang sa kanila ito.

May lumapit sa aking isang waiter na nag-ooffer ng wine. Kumuha ako ng isang glass at sumimsim doon. Inilibot ko ulit ang mga mata. Nasaan kaya si Liam? Wala man lang akong kausap rito.

Lumipat ang tingin ko sa stage noong may magsalita doon. Salamat naman at mag-uumpisa na ang event. Sa totoo kasi hangga't maaari ay ayaw kong magtagal rito. Siguro patatapusin ko lang ang pagpapasa ng posisyon kay Liam at magpapakita lang ako saglit sa kanya para hindi siya magtampo sa akin.

Tinawag ng emcee ang mag-asawang Sarmiento, sunod ay ang natitira nilang anak na si Liam. Malamlam ang mata ko habang nakatingin sa mga magulang ni Drake. Pitong taon ang lumipas pero hindi nagbago ang itsura nilang dalawa, kahit may edad na ay nananatili parin ang kagandahan at kapogian ng mag-asawa. Lumipat ang mata ko kay Liam. Nakangiti siya habang kausap ang mga magulang niya. Mas lalong lumabas ang kapogian niya sa suot niyang black tuxedo, mas lumaki  ang katawan niya ngayon kumpara noon. Ang laki din ng ipinagbago ng itsura niya, he really looked so matured now.

Napawi ang ngiti ko nang maisip si Drake. Mas maganda sanang tignan kung kumpleto silang nakatayo sa stage na 'yan. Mas masaya siguro kung nandito siya.

Kumawala ang mga luha sa mata ko. Saglit kong tinanggal ang mask at pinunasan ang pisngi gamit ang panyo na kinuha ko sa pouch ko.

Oh, Drake. I missed you so much. Akala ko time heals everything. Pero bakit yung sa akin, hindi? Pitong taon na pero ramdam ko parin ang sakit. Pitong taon na pero nandoon parin yung iniwan niyang sugat, hindi pa tuluyang naghihilom. Can I see you once again? Cause I'm dying from this pain.

I sipped the wine from my glass and then put it back on my table. Nalasahan ko ang mapait na bagay sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa wine na iniinom ko o mapait lang talaga ang pakiramdam ko kaya pati panlasa naaapektuhan.

Kailangan ko ng makausap si Liam para makaalis na  ako dito. And then maybe kapag hindi busy si Tita at Tito baka magpakita rin ako sa kanila at makipag-kamustahan kahit saglit lang. Si Tito kasi malaki ang pagkakahawig kay Drake kaya kapag tumitingin ako sa kanila para ko na ring nakikita ang anak nila. Alam mo 'yon instead na maging masaya, nalulungkot lang ako. I just missed him so much, so much that it hurts.

Tumayo ako at aabutin ko na sana ang maskara na nasa ibabaw ng table nang biglang may humawak sa braso ko. Hinila niya ako kaya umuwang ang bibig ko. Sino ba 'tong bastos na taong bigla bigla nalang nanghihila?!

Nakita ko ang malapad na katawan ng lalaki, matangkad din ito. Tila pamilyar sa akin ang bulto ng katawan. Hila hila parin niya ako at hindi ko magawang magprotesta.

Tumigil kami.  Napansin kong nasa gitna kami ng social hall. Dim lights lang ang ilaw at wari ko pa'y nakatingin sa amin ang iba dahil kami lang ang tao rito sa dance floor.

I gasped noong makita ko ang isang tao na hindi ko inaasahan sa lugar na 'to. Doon na nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang pamilyar na pakiramdam, heto nanaman.

Kinuha niya ang kamay ko at pinulupot sa kanyang leeg, inilibot naman niya ang kamay niya sa bewang ko. Hinapit niya ang bewang ko kaya lalong naglapat ang mga katawan namin.

Bakit nandito siya?

Bakit niya ako sinasayaw?

Tiningala ko ang lalaki. Hindi ko makita ng maayos ang itsura niya dahil halos sakop ng maskara ang mukha niya. Pero kahit na nakasuot siya ng maskara alam kong siya 'yan. Dalawang lalaki lang naman ang kayang pabilisin ng puso ko ng ganito. Si Drake at pati na rin ang taong nasa harapan ko-- si Hunter.

Bakit ba kapag nakikita ko siya  hindi ko makita ang mata niya? Kapag nakikita ko siya nakasuot siya ng rayban shades at ngayon naman maskara. Gusto ko tuloy tanggalin ang suot niyang maskara ngayon.

My heart was beating wildly. Nakaramdam ako ng poot sa sarili ko. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko si Drake.

Tiningala ko siya pero hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa dim lights.

"Hunter" tawag ko sa pangalan niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko. My heart stammers even more.

"Who's Hunter?" may diin na tanong niya.

My heart twisted at the sound of his voice. Malamig 'yon, medyo husky at  pamilyar.

Ngumuso ako. Hunter naman ang pangalan niya 'di ba? Yun ang nakita ko na nakasulat sa cup ng coffee americano niya.

"I-Ikaw. H-Hunter ang pangalan mo 'di ba?"

He chuckled. Napapikit ako nung marinig ko ang marahang pagtawa niya. Bakit ba pamilyar sa akin ang lahat ng ginagawa niya?

"No. Hindi Hunter ang pangalan ko"

Nagulat ako at dahan dahang bumitaw sa kapit sa leeg niya. Hindi Hunter ang pangalan niya? Nalilito ko siyang tiningala.

"Kung ganun, sino ka?"

Sino ka? Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag malapit ka? Bakit sa tuwing nakikita kita gustong kumawala ng puso ko? Sino ka ba talaga? Bakit pakiramdam ko matagal na kitang kilala?

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon