C H A P T E R (36)

279 10 0
                                    

Si Drake na mismo ang humawak sa kamay ko. Iginiya niya ako papunta sa gitna ng hall. Ang halos karamihan ng tao sa loob ay nakatingin sa amin. Bigla nalang gumilid ang mga taong nagsasayaw sa dance floor at binigyan kami ng malawak na space ni Drake para makapagsayaw.

Napasinghap ako ng maramdam ko ang mainit na palad niya na humawak sa bewang ko.

"You're too stiff" sabi niya atsaka inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng kanyang balikat.

Inilapit niya ang katawan sa akin at nagsimula ng sumabay sa tugtog. We used to be this close before, too close enough to hear our heart beats.

He was towering over me. Yumuko siya ng konti at sinilip ang aking mukha. Hinuli niya ang mga mata ko. His eyes became gentle than it's usual fiery eyes. Sa mga oras na 'yon hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kanya.

Unti-unti nanaman niya akong hinihila papunta sa mundo niya.

"You looked gorgeous tonight" he said.

Pinamulaan ako at napalunok pero nanatili parin ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang paglibot niya ng tingin sa buong hall. Tumalim ang kanyang tingin at umalon ng ilang beses ang adams apple niya. "I hate your dress. It shows too much skin. Men were drooling over you" umigting ang kanyang panga nang makapa  ang walang saplot kong likod. Saglit siyang huminto sa pagsasayaw. Hinubad niya ang kanyang coat. He possessively wrapped it into my bare back. 

Tinignan ko siya ng may pagtataka pero sa halip na makakuha ng sagot mula sa kanya ay tinaasan lamang niya ako ng kilay. Typical Drake Sarmiento.

Hinapit niyang muli ang aking bewang at sa puntong 'to mas mahigpit at mas malapit kami sa isa't isa. Bumuntong hininga ako at ibinalik ang kamay sa balikat niya.

He hissed. Kinuha niya ang kamay ko sa kanyang balikat at iminuwetsa palibot sa kanyang leeg.

Alam kong masyadong nagtatawag ng atensyon ang posisyon namin ni Drake. Masyado kaming malapit sa isa't isa. Iba na talaga 'to. Pero... bakit? Bakit niya ginagawa 'to?

Hanggang sa hindi ko na namalayan na kaming dalawa nalang pala ang nasa gitna ng hall. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagsasayaw. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagsakit ng paa na lubos kong ipinagtataka.

"Can I ask you something?" bulong niya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng kiliti doon at parang may paru-paro na gustong kumawala sa tiyan ko.

"A-Ano 'yon?"

"You still love me, right? Ako parin 'di ba?"

Muli ko siyang tinitigan. Para akong naghahalukay ng kung ano sa mga mata niya. Why suddenly ask? Alam naman niya ang sagot doon.

Gusto kong sabihing hindi na. Para kahit papaano'y maihaon ko ang sarili sa mga kahihiyang naranasan dahil sa kanya. Pero hindi ko magagawa 'yon kung nakatingin parin ako sa mga mata niya kaya pinili kong umiwas.

I frozed when I saw Liam standing from the crowd. Kahit medyo madilim sa pwesto niya kitang kita ko parin ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. I saw pain in his eyes.

Paano ko nagagawang magsaya dito habang may taong nasasaktan dahil sa akin?

Bago ko pa maibuka ang bibig ko tuluyan na siyang naglaho sa grupo ng mga tao.

"What's wrong?" tanong ni Drake.

I smiled bitterly. "This. This is wrong" bumitaw ako sa kanya. Nagmadali akong nalakad kaya nalaglag ang kanyang coat na kaninang nakapatong sa balikat ko. Hindi ko na 'yon pinulot pa dahil kailangan kong maabutan si Liam.

Hinanap ko siya sa buong hall pero wala siya. Wala din sa balcony at sa Men's CR. Nasaan na siya? Lumabas ako sa social hall at nilibot ang hotel. Napunta ako sa pool area pero wala  siya doon.

Napayuko nalang ako dahil sa pagkabigo. Kasalanan ko 'to. Bakit pa kasi ako pumayag na makipagsayaw kay Drake?! Oo, aaminin kong sumaya ako kanina. I wanted that feeling so bad. Yung isasayaw  niya ako at pupuriin. I wanted that feeling but I know it's wrong. May taong nasasaktan. May girlfriend siya at  hindi kami.

Napaangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko nang maramdaman ang muling paglapat ng tela palibot sa balikat ko. Tinignan ko 'yon at nakita ulit ang coat ni Drake.

"It's cold here. Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?"

"Bakit mo ba ako sinundan?!" sigaw ko sa kanya.

Kasalanan din niya ito! Kung sana hindi niya ako niyayang sumayaw hindi mangyayari 'to. Kung hindi niya ako inayang sumayaw  hindi sana ako nakaramdaman ng kasiyahan, hindi sana mababago ang desisyon ko. Pero ginawa niya! Isinayaw niya ako!

Kasalanan niya ang lahat ng ito! Pilit kong ibinabaon sa hukay ang nararamdaman ko sa kanya pero pilit naman niya 'yung hinuhukay gamit ang pagtitig sa akin! Kasalanan niya!

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko"

Bakit nagagawa niyang maging kalmado samantalang ako gulong gulo?!

"Bakit?! Kapag ba sinagot ko 'yan may magbabago?! Wala naman di ba?"

Lalampasan ko sana siya pero pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa braso ko.

"May magbabago, Autumn. Kung sasagutin mo lang ang tanong ko ipinapangako kong may magbabago"

Bakit kailangan pa niya akong pahirapan ng ganito?! Bakit kailangan niyang guluhin ang nararamdaman ko?!

"Do you love me?"

Yes! Tang-ina. Oo! Matapos ng lahat ng ginawa mo, sa kabila ng ibinigay mong sakit sa akin mahal na mahal parin kita! 

Pero...

"May girlfriend ka, Drake. Nakakalimutan mo na ata ang bagay na 'yon"

"Hihiwalayan ko siya para sa'yo"

Pinaghalong saya at sakit ang naramdaman ko. Why was so easy for him to unlove someone and like someone else? Ganyan din ba ang sinabi niya kay Lory bago niya ako hiniwalayan? Damn. It hurts.

Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. "Don't cry.. please"

Bkit ganun? Kahit ang sakit sakit na gustong gusto parin kita?!

Sabi ko titigilan na kita.
Sabi ko tama na.
Sabi ko ayaw ko na.
Sabi ko lang pala 'yon.

Dahil iba ang sinasabi ko sa nararamdaman ng puso ko. Gustong gusto ko parin siya. Mahal na mahal ko parin.

Kinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya. Nakikita ko ang pagkinang sa mga mata niya.

"I want in you in my life. Only you can fill the emptiness in me" he uttered under his breath.

He lower his head. He moved closer until our lips met. His kisses overwhelmed my senses more than ever before.

"I love you, Drake. Only you"

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon