Mika Dionisio's P.O.VPagpunta ko sa seashore agad kong hinanap ang damit ni Ethan na binigay niya sa akin kanina. Kinuha ko yon at lumapit sa kanya.
“Hoy nerd!” tawag ko. N'ong humarap siya sa akin ibinato ko ang shirt sa mukha niya. Baka isipin pa niyang nagustuhan ko ang ginawa niya kanina. Aba, mukha ba talaga akong labandera? Sa ganda kong 'to?
“Hmm. Why?" he groaned. Inalis ang shirt sa mukha.
“Anong tingin mo sa akin? Labandera? Yaya? Nanay mo? Mukha ba akong washing machine para sa akin mo ibigay ang maruming damit mo?”
Yumuko siya at nakita kong nagpipigil siya ng ngiti. “No. I'm sorry if you feel that way. “Didn't you hear me? Sabi ko sayo na 'to”
Ano daw? Bakit naman niya ibibigay sa akin yon? Anong gagawin ko sa shirt niya?
“Wag na. Isuot mo nalang! Baka magkapulmonya ka pa!”
Aba, paano ba naman kasi hanggang ngayon kitang-kita parin ang malalaking biceps niya, pati na rin ang abs niya. Ano to, live show?
“Thanks for the concern. Isusuot ko na” ngiti niya. Inismiran ko lang siya.
“Bakit pala nag-iisa ka dyan? Nandun sila Raiko oh!” tinuro ko sa kanya sila Raiko na nasa isang malaking tent kasama ang ibang kateam ko. Tumayo siya.
“Let's go there together”
Hinawakan niya ang kamay ko kaya medyo nataranta ako.
“H-huh? Ikaw nalang. Hihintayin ko pa si Autumn” tumalikod ako sa kanya. Peste kasi 'tong pisngi ko, nag-iinit nanaman.
“Ahhhh.. Sige” sabi niya. “Hintayin nalang kita d'on”
Naglakad na siya papunta sa tent. Hay salamat naman! Makakahinga na ako ng maluwag. Naglakad ako papunta kay Thirdy, malapit siya kay Drake. Napansin kong nagtatalo ang dalawa.
“What if Samantha came back?” Drake smirked. “Will you stay? Tss. Alam kong iiwanan mo si Autumn” he stated.
“You know nothing, Drake and I am not like you! Kung nagawa mong iwan si Autumn para sa iba pwes ibahin mo ako"
Kumunot ang noo ko.
“Anong meron?” singit ko sa usapan nila. Natahimik silang dalawa at kapwa nag-iwasan ng tingin.
“Wala” si Thirdy ang sumagot.
Wala daw. Sapakin ko siya e! Obvious naman na may pinag-aawayan sila.
“By the way Thirdy, sinabi sa akin ni Autumn na tinuruan mo daw siyang magswimming. Takot kasi---”
“Huh?” he cutted me off. Nakakunot ang noo niya, mukhang naguguluhan. “Hindi ko siya tinuruang lumangoy. Bakit? Hindi ba siya marunong?”
Lumaki ang mga mata ko. Nagsinungaling si Autumn sa akin!
“Stupid!” bulong ni Drake. Concern laced on his arrogant face. Nakatingin siya sa beach habang inaabangang umahon si Autumn.