C H A P T E R (24)

402 17 14
                                    

Its been four days simula noong umuwi kami galing Baguio. Naging maayos ang stay namin doon, I had fun actually. Pumunta kami sa strawberry farm, we visited white house at napagod din kami kakaakyat sa Lourdes Grotto.

“Autumn, nandito na ang driver mo!” sigaw ni Summer.

Mabuti nalang patapos na ako sa pagkain ng almusal. Umakyat ako sa kwarto ko, pumasok ng banyo at nagtoothbrush. Tinignan ko muna ng isang beses ang sarili ko sa salamin bago kinuha ang bag at bumaba papunta sa sala.

Nakita ko sa living room si Liam, nakaupo siya habang nakikipag-usap sa masungit na kapatid ko. Hindi ko nga alam kung paano niya natatagalan na makipag-usap kay Summer, minsan lang naman sumagot ang isang 'yan. Puro Yes or No lang ang alam.

Tumayo si Liam n'ong makita ako. Nginitian niya ako. "Good Morning!"

Mabuti nalang bumalik ang dating pakikitungo niya sa akin. Mas gusto ko 'to kaysa 'yung version niya na sinusungitan at sinisigawan ako.

"Good Morning. Kumain kana ba?" tanong ko. Paano ba naman kasi ang aga aga tapos nandito na siya sa bahay namin. Si Liam din yung tinutukoy na driver ni Summer. Simula noong dumating kami dito galing Baguio palagi nalang niya akong dinadaanan sa bahay para ihatid sa school. Hindi ko na tuloy masyadong nagagamit ang kotse ko. Si Liam na kasi ang naghahatid at nagsusundo sa'kin.

"Yes, kumain na ako. So, let's go?" he smiled at me. Tumango ako pagkatapos ay tumingin sa kapatid ko. “Sasabay ka ba sa'min?”

“Tss. Do I have a choice? Day-off ni Mang Noel ngayon” tukoy niya sa family driver namin.

Idinaan muna namin si Summer sa school niya tapos dumiretso na kami sa campus. Ipinark niya sa parking lot ang kotse niya tsaka sabay kaming pumunta sa building namin. Hindi ko alam  kay Liam at kung bakit gusto pa niya akong ihatid sa classroom ko. Hindi naman kailangan 'yon tsaka sa kabilang building pa kaya yung classroom niya.

Dalawa lang ang subject namin sa morning class pero tig-two hours naman 'yon. Mabuti nalang medyo maagang natapos ang last class namin hindi katulad noon na inuubos talaga ang oras.

"Cafeteria tayo?" tanong ko kay Mika habang inaayos ang mga ginamit na libro.

"Tara. Gutom na ako"

Palabas na kami ng room nun nang mapansin ko na may nagtitiliang mga babae. Hindi agad kami nakalabas ng room kasi ang daming babae sa tapat ng room namin. Nagkatinginan kami ni Mika, we're both clueless. Anong meron?

“Autumn! Si Thirdy ata ang pinagkakaguluhan ng mga girls e”

Tinuro niya sa akin si Liam na-trap sa isang gilid. Dinudumog siya ng mga babae, mostly mga ibang section pero may nakita rin akong mga kaklase ko. Nakangiwi si Liam at hindi na maganda ang itsura. Magulo na ang kanyang buhok at gusot na ang kanyang uniporme. Natawa ako sa itsura niya.

Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makita ako.

"Excuse me girls. Nandito na ang girlfriend ko. Selosa 'yan, sige kayo baka magselos at i-break pa ako."

Napatingin ang mga babae sa akin. Okay? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngumiti lang ako sa kanila. Nagulat ang iba at umalis na, may mga babae naman na inirapan lang ako at halos patayin na ako sa tingin. Gosh, Liam! Ng dahil sa'yo magkakaroon pa ata ako ng mga haters. Hindi na ako magtataka if ever na may lumapit sa aking mga babae at pagsasabunutan ako.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon