C H A P T E R (41)

333 5 8
                                    

We are not together. Wala akong karapatang magalit sa ginawa nila kasi pangalawa lang naman ako. Ako yung second party. I was once his number one. Now, I'm just an option to him.

I left his condo unit with my broken heart. Hinayaan niya akong umalis na parang hinayaan niya akong maglakad palayo sa buhay niya. I'm not a part of his life anymore. It stings.

My phone buzzed for the umpteenth time today, displaying another texts from my parents and friends.

It was supposed to be the best birthday ever pero sa isang iglap nasira 'yon dahil sa mga nalaman ko.

Pinaasa. Niloko at pinaglaruan niya ako. I couldn't believe he was capable of doing that. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong saktan ng ganito.

I let out a soft gasp as I felt the squeezing ache in my heart. Napahawak ako doon. As seconds passes by, It was hard for me to breathe.

My visions became blurry until I felt the cold floor touches my skin.

"Miss! Miss!"

Yon ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.

--

Paggising ko nakita ko nalang ang sarili ko sa ospital. Napapikit ako at agad na sinapo ang naninikip na dibdib. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa problema ko sa paghinga o sadyang nasasaktan lang dahil sa mga sinabi ni Drake na tumatak sa puso't isip ko.

"Anak! Kamusta ang pakiramdam mo?"

Halos maiyak ako noong makita ko si Daddy. Nakauwi na pala siya galing Singapore.

"Okay na po" I tried to smile to pretend that I'm fine. "I miss you, Daddy"

"Miss na din kita. Magpagaling kana para makauwi na tayo"

"Autumn, anak! Ano ba ang nangyari sa'yo?! Nakita ka nung security guard na walang malay sa tapat ng Sarmiento Building mabuti nalang isinugod ka niya agad dito sa ospital. Alalang alala kami sa'yo, anak!" sabi ni Mommy, pulang pula ang kanyang mata at ilong senyales na kagagaling lang niya sa iyak.

"Sorry po, My" tanging sagot ko. Mabuti nalang hindi na sila nagtanong pa at hindi na nila ako kinulit kung ano nga ba ang totoong nangyari dahil ayokong ikwento sa kanila. Ayokong malaman nila kung gaano ako katanga pagdating kay Drake.

Nung umalis ang parents ko sa kwarto para i-settle ang hospital bill ay tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader. Mapait akong napangiti nung makita na alas dos na pala ng umaga. It's no longer my birthday. Kung ganon mahigit labing dalawang oras  pala akong walang malay.

"Sobrang stress, pagod at natrigger daw ang asthma mo kaya kinapos ka ng hininga. Please, Autumn. Alagaan mo ang sarili mo" nag-aalalang sabi ni Mika.

Alas syete na ng umaga at hanggang ngayon naka-confine parin ako dito sa ospital.

"Binisita kita dito kahapon pero wala kang malay kaya ang sabi ng parents mo bumalik nalang ako. Mabuti nalang gising kana!" dagdag niya.

I turned to Mika, trying to answer her but I could not utter a word. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan.

"Ano ba talaga ang nangyari, Autumn? 'Di ba pinuntahan mo si Drake sa unit niya?"

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon