C H A P T E R (21)

348 13 3
                                    


“Wala akong sinabing gusto ko siya and I don't love her. I love someone else and that's Lory"

Bakit nagagawa niyang maging loyal kay Lory pero pagdating sa akin hindi?

Tinalikuran ko siya. Ayokong nakikita niya akong parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

“Stop acting like you're jealous”

“I'm not,” matigas na sagot ko.

“If you're not, then... face me”

Huminga ako ng malalim. Wag kang magpapaapekto, Autumn. Wag mong ipapakitang apektado ka. Kahit ngayon lang ipakita mo sa kanyang matapang ka. Kahit kunwari lang, tutal dyan ka naman magaling ang magkunwari.

“I don't have any reason to face you. And please! Stop telling me that I am jealous cause I'm not. Why would I be jealous? Magsama pa kayong dalawa. I would be even happy for you”

Mabuti nalang dahil nakatalikod ako sa kanya kung hindi baka nagkautal-utal na ako habang sinasabi 'yon.

“It's obvious Ms. Silva. You're fucking jealous. You're still inlove with me, aren't you?”

Napasinghap ako. Yes, I'm still inlove with you but I won't tell you.

"What's going on, Autumn? You're next!" sigaw ni Mika mula sa ikatlong stasyon. Hindi ko namalayang tapos na pala siya.

Alam kong lamang na kami sa mga kalaban. Ang bilis kasing nasagutan ni Ethan, ni Inigo at ni Ericka ang logic. Nahirapan si Liam at si Mika pero hindi naman maitatangging mas mabilis pa sila kaysa sa iba. Nakaakyat ako sa tree house gamit ang hagdan sa ibaba, agad kong hinanap ang monitor kung saan nakaencode ang logic question.

Paul's height is six feet, he's an assistant at a butcher's shop and wears size 9 shoes. What does he weigh?

I was stunned. Hindi ko alam na ganito pala ang mga ibinigay nilang logic. Paulit-ulit kong binasa at isinautak ang tanong na 'yon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago i-type sa monitor ang sagot ko.

Meat.

“Your answer is correct. You can now proceed to the third station”

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang tama ang hinala ko. The answer is meat because he works at butcher's shop and workers there weighs meat.

Bumaba na ako at tumakbo sa third station.

“Ang bilis mo ah! Talino talaga!” ginulo niya ang buhok ko kaya napasimangot ako. Ibinalik ko 'yon sa dating ayos. "Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Drake kanina? Mukhang seryosong seryoso kayo ah”

“Wala 'yon” sagot ko.

Hinili niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

“Ano nga kasi 'yon? Gusto ko lang malaman”

“Wala nga. Ang kulit mo” sagot ko pagkatapos kong hilain ang braso ko pabalik. 

“Sus. Ayaw mo lang sabihin e!”

Hindi ko inintindi ang pagmamaktol niya bagkus ay itinuon ko nalang ang atensyon kay Drake na kaakyat lang sa tree house. Wala pang isang minuto ng makita ko na si Drake na pababa sa tree house. He's really a genius!

“Madali lang siguro ang logic na napunta sa kanya kaya ang bilis niyang natapos" parang batang sabi ng katabi ko. Tumingin ako kay Liam. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa itsura niya. Para siyang bata!

“Ano bang logic ang napunta sayo?”

Mahirap! Feed me and I live, yet give me a drink and I die. What am I?”

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon