Mika Dionisio's Point of View
Special ChapterI am tired and hungry. Nandito parin ako sa gymnasium at kakatapos ko lang magpractice. Bumili ako kanina ng pagkain sa cafeteria pero naisipan kong dito nalang ako kakain dahil wala naman akong kasamang kumain sa cafeteria. Wala si Autumn kaya solo flight ako ngayon. Kamusta na kaya ang Quiz bee? Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil matalino ang bestfriend ko. Alam kong maipapanalo niya 'yon at idagdag mo pa na si Drake ang partner niya.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis dahil si Drake ang partner niya. Si Drake na walang ibang ginawa kundi paiyakin at saktan si Autumn. Ayoko sa mga lalaking mang-iiwan! Yung bestfriend ko namang tanga gumagawa ng paraan para bumalik sa kanya si Drake at ginatungan pa ni Thirdy. Si Thirdy na bigla nalang pumasok sa eksena. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng lalaking 'yon at pumayag siya sa deal nila ni Autumn. Ang weird lang diba? Kuya niya si Drake! Ang mahirap baka mahulog sila sa isa't-isa. Ewan! Ang gulo ng lovelife ng bestfriend ko.
"Baboy!"
Napairap ako. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nasa harapan ko, kilala ko na kung sino siya. Alam na alam ko na ang nakakabwisit na boses niya.
"May bakulaw atang naligaw"
Ngumisi siya. Kahit kailan talaga ang pangit niya. As usual bitbit nanaman niya ang basketball. Varsity player siya pero hindi naman talaga siya kagalingan! Ano kayang ginawa niya? Siguro nagmakaawa siya sa coach nila para ipasok siya sa team.
"Ang dami niyan ah! Kaya mong ubusin? Sabagay baboy ka"
"Pakialam mo? Mas okay pa ang baboy kaysa sa panget na mukhang bakulaw! Umalis ka nga! Tsupi! Nawawalan ako ng gana dahil sa pagmumukha mo!"
Pinagtabuyan ko siya pero ang tigas talaga ng mukha niya at nagawa pa niyang umupo sa tabi ko. Inilayo ko ang pagkain sa kanya baka kasi bigla nalang niyang kunin. Ang hirap pagkatiwalaan ng mukhang 'yan!
"Sus! If I know patay na patay ka sakin dati. Crush na crush mo nga ako kaya kita niligawan at ikaw naman sinagot mo ako. Syempre sino bang tatanggi sa kagwapuhan ko 'di ba?"
Ang kapal talaga ng mukha niya, mas makapal pa sa semento. Ang tigas ng mukha!
"Oh talaga? As far as I know ikaw ang patay na patay sakin. Umiyak ka nga n'ong hiniwalayan kita 'di ba?" ngumisi ako this time. Wag na wag talaga niyang itatanggi 'yon kung hindi tatanggalan ko siya ng bagang!
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" tukso ng mga kateam ni bakulaw.
Kailan pa sila nakalapit sa amin? Kanina lang nagprapractice sila doon sa court.
"Yuck! Never!"
Nagkatinginan kami ni Raiko dahil nagkasabay kami sa pagsigaw. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tara na, guys! Iwanan niyo nalang si Raiko at si Mika dyan. Wag kayong istorbo, nagdadate ang dalawa" sabi ni Evans, siya ang abnormal na captain ball ng basketball team. Hindi na ako magtataka kung bakit abnormal ang Raiko na 'to, mana siya sa captain nila! Puro mga bulok na itlog! Bulok naman ang team nila!
