C H A P T E R (32)

290 11 2
                                    

Hindi ko alam kung paano ko nagawang hindi tumingin sa kanya sa buong byahe. Pagdating sa  hotel I locked myself agad sa kwarto nung ibigay ni Sir ang susi. Nagkunwari nalang ako na inaantok  para hindi sila magtaka kahit na ang totoo'y iniiwasan ko si Drake.

Ibinagsak ko agad ang sarili sa kama. Nakatulala ako sa ceiling habang dinadama ang pagtambol ng dibdib.

Tama na please. Wag nalang siya. He's happy now, sana ikaw rin. Zyra was right, I won't find my own happiness kapag maghohold on pa ako sa kanya. Hindi ko namalayan ang mabilis na pag-agos ng luha sa gilid ng mata ko. I wiped it away.

Maybe first love just teaches us lessons and they're not meant to stay. Baka itinadhana lang kaming magkita para pasayahin ang isa't isa kahit sa maikling oras lang at hindi itinadhana para makipiling ang isa't isa habang buhay.

Its gonna be okay. Paulit-ulit na sabi ko sa sarili. Ipinikit ko ang mata at sa oras na 'yon hindi ko namalayang tuluyan na akong nakatulog.

Naggising nalang ako sa malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto. Kahit tinatamad pa ay pinilit ko paring tumayo at binuksan ang pinto. Hindi agad ako nakapagsalita n'ong makita ko si Drake na nakatayo sa labas ng kwarto.

Hinintay ko siyang magsalita pero hindi niya ginawa. He just stares at me at nakakapaso ang mga tingin niyang 'yon.

"Ano 'yon? May kailangan ka ba?" mahina ang boses ko at medyo paos pa.

"Alam mo ba kung anong oras na?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.  Pumunta siya dito para lang tanungin ang oras? Alam niya bang naistorbo niya ako sa pagkakatulog dahil lang dyan?

"Yon lang ba ang pinunta mo dito? Wala ka bang relo?"

His lips twisted. Umiwas siya ng tingin at nang tignan niya muli ako ay umiling siya at bumuntong hininga.

"You're a slowpoke" he scowls. "Its already 8 in the evening. Lets grab some food"

Gabi na?! Nasobrahan ata masyado ang tulog ko.

"Fix yourself. I'll wait here" sabi niya.

"Ah. Hindi na. Mauna ka nalang, sunod nalang ako"

Nagkita ko ang disgusto sa mukha niya pero wala din naman siyang nagawa sa huli kundi tumango. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili agad akong sumunod sa resto.

Makaraming tao sa baba mostly mga studyante rin katulad ko na aattend sa seminar. Actually wala naman talaga akong balak na makasabay si Drake na kumain dahil alam kong hindi  ako makakakain ng maayos kapag kasabay ko siya.

Lumabas ako sa restaurant at naglibot muna sa resort. Gabi na pero maliwanag parin dito sa labas dahil sa mga ilaw na nangagaling sa mga shops, bars at eating catering na nakahilera. Hindi ko alam na may beach pala dito, I didn't have a chance na tignan 'yon kanina dahil pagkarating na pagkarating dito ay dumiretso na agad kami sa hotel.


Ang mga matatayog na niyog ay nakahilera malapit sa dalampasigan. May mga sun loungers sa silong nito na inuukupa ng mga customers ng resort. Rinig ko ang tugtog na nagmumula sa stage di kalayuan at sa tingin ko'y  may acoustic live session na nagaganap. Sa ibaba ng stage ay may mga taong naghihiyawan at nagsasayawan. So, ganito pala ang buhay dito? Night party? People hang in the yard to drink and to play guitars? They seems so happy.

Nang mapagod ako sa paglalakad lakad at nakaramdam ng gutom ay dumiretso muna ako sa isang mini resto at nag-order ng pagkain. I can hear from here the sounds of waves crashing on the shore. Pagkatapos kong kumain dumiretso  ako sa dalampasigan, nakatayo lang ako roon habang pinagmamasdan ang dagat. It wasn't solemn bagkus nagiging marahas ito sa paningin ko dahil sa malakas at marahas na alon. Nagbibigay ng liwanag ang buwan at ang mga bituin sa langit. Kung titingin ka sa malayong parte ng dagat matatanaw mo ang reflection ng buwan as if it is kissing the blue deep ocean.

Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko doon. Nang makaramdam ng panlalamig ay bumalik na ako sa hotel habang yakap yakap ang sarili. Maganda palang tumambay sa dalampasigan, tinatangay kasi nun ang iyong isipan kaya wala ng ibang pumapasok sa isip mo kundi ang ganda ng dagat. Kahit sa maikling oras ay nagawa kong kalimutan ang mga problema ko sa buhay.

"Akala ko ba susunod ka?"

My mind brought into senses when I heard his words. Medyo nagulat ako nung nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kwarto ko. Kanina pa ba siya nakatayo dito sa labas?

"I asked you to eat with me. Hinintay kita pero hindi ka dumating."

Nilagpasan ko siya. Binuksan ko ang kwarto gamit ang susi pero bago ako pumasok sa loob sumagot muna ako sa kanya.

"Madaming tao sa restaurant sa baba kaya humanap ako ng ibang resto"

"Nagpareserved ako ng table for us. Naghintay ako sa'yo"

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Naghintay siya? Bakit naman niya gagawin 'yon?

Hinarap ko siya.

"Hindi ka ba makakakain ng wala ako? Sanay ka namang kumain mag-isa 'di ba? So what's the difference?"

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "You don't want to eat with me" It wasn't a question, It was a more of a statement. Hindi agad ako nakasagot kaya nagsalita ulit siya. "Why?"

"I have no reason to eat with you, Drake"

"So, you did it on purpose huh? You fucking ditch our dinner. Sinadya mong paghintayin ako!" he said, jaw clenched.

"What is it so big deal to you?! Dinner lang naman 'yon! Its not as if nasa akin ang kutsara't tinidor kaya hindi ka makakain! At wala naman akong sinabing maghintay ka. Hindi ako nangakong dadating ako!"

Ngayon ko lang siya nasigawan ng ganito kaya siguro nabigla siya. Nakatingin siya sa akin bakas ang pagtataka sa kanyang mata.

"Walang rason para magsabay pa tayong kumain at baka nakakalimutan mong may girlfriend ka? Hindi mo ba inisip ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang nakipag-dinner ka sa ex mo? It would sting, Drake. Trust me"

Umiwas siya ng tingin sa akin. From the side of his face I saw how his features softened. Hindi ko alam kung bakit. Maybe narealize niya na mali ang ginagawa niya, mali na makipaghang out pa siya sa ex niya lalo na't may karelasyon na siyang iba. Maybe he's feeling guilty. Well, he should be.

Isinarado ko ang pinto at pagsarado nun agad akong sumandal sa pinto at pinag-isipan ang mga ginawa. Saan ako kumuha ng lakas para sabihin ang mga 'yon?  Tama lang naman ang ginawa ko 'di ba? Ginagawa ko lang ang dapat na matagal ko ng ginawa. Maybe kapag ipinagpatuloy ko pa ang pag-iwas at pagbibigay ng cold treatment sa kanya maybe mawawala na din 'tong feelings ko para sa kanya.

It's for the better.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon