Sinipat kong muli ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a black backless long gown and it hugs my body in all the right places.
"Ang ganda talaga ng anak ko! Manang mana sa akin!" humigpit ang hawak ni Mommy sa braso kaya napangiwi ako.
"Mommy naman"
Hindi lang ako sanay na pinupuri ako. Nagiging uncomfortable ako at naiilang.
Tumawa si Mommy.
"Oh baka malate ka pa. Magpatid ka nalang kay Manong, ha? Enjoy your night, anak!"
Hinalikan ko si Mommy sa pisngi bago ako sumakay sa sasakyan. I bid my last goodbye to my mom bago ko itaas ang windshield ng kotse.
"Manong sa BMA hotel po"
Napansin ko agad ang mga kotseng nakahilera sa parking lot ng hotel. Dahan dahan akong bumaba at pumasok sa hotel. Dumiretso ako sa social hall habang hawak ng mahigpit ang dalang purse na may lamang cellphone, pocket money at ilang pang-retouch.
I can't help but to awe nung makita ko ang ayos ng social hall. It was amazing. The whole place screams elegance, simula sa mga aranyang nasa itaas hanggang sa tiled floor. Mukhang pinaghandaan ang buong lugar.
Maraming tao ang pakalat kalat sa loob. Ang iba ay nakaupo na sa mga tables at ang iba naman ay ini-enjoy ang mga pagkaing sa buffet.
May mga ilang studyante at ilang mga Instructors na sumalubong sa akin. Nakikipagkwentuhan saglit at aalis din kaagad. Ang iba ay pinapaulanan ako ng papuri dahil sa ayos ko ngayong gabi.
"Good evening ladies and gentlemen. Tonight we are celebrating the----"
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ng emcee dahil may biglang humatak sa kamay ko. Napaawang ang labi ko nang makita si Mika na hinihila ako papunta sa ladies comfort room.
May mga ilang babaeng studyante sa CR na nagreretouch ng kanilang make up. Napatingin sila sa amin. Sinamaan sila ni Mika ng tingin at itinuro ang pinto palabas.
"Alis!"
Pati ako ay nagulat dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Bakas ang takot sa mga mukha ng mga babae habang nagmamadaling lumabas.
Mas lalong lumaki ang mata ko nung tumingin sa akin si Mika. Magkasalubong ang mga kilay niya at nakalapat ng mariin ang kanyang labi. Sa mga oras na 'yon hindi ko magawang hindi mapahanga sa ayos niya. Nakasuot siya ng ball gown na kulay peach, light lang din ang make up niya ngayon kaya kahit na nakasimangot mukha paring maamo ang kanyang mukha.
As minutes passes by, her eyes softened. Nagulat ako nung makita ko ang pagkawala ng ilang butil na luha sa bilugan niyang mga mata.
"I'm sorry, Autumn. Sorry sa lahat ng sinabi ko. Sorry kung nasaktan kita. I didn't mean to hurt you--" hindi na ulit niya naituloy ang sasabihin dahil nanginginig ang kanyang labi. Tinakpan niya ang mukha at doon umiyak.
Agad ko siyang dinaluhan at niyakap ng mahigpit.
"No, Mika. Wala kang kasalanan. Naiintindihan ko na kung bakit ka umakto ng ganon." I whispered. "Miss na miss na kita"
She hugged me back.
"I miss you too"
Humiwalay ako sa pagkakayap sa kanya. Napangiti ako nung makita ko ang mukha niya.
"Mika?"
"Bakit?" she sobbed.
"Look what happened to your make up" itinuro ko ang salamin.
Pinagmasdan niya ang repleksyon niya doon. Sumimangot siya. "Ang panget ko na tuloy"
Binuksan ko ang purse ko at ibinigay sa kanya ang panyo. "Don't worry. Ako ang bahala"
She look puzzled. I smiled a bit. Mabuti nalang dala ko ang ilang pang-kolorete sa mukha. Umatras si Mika nung makita ang mga make up na hawak ko.
"Hindi ka naman marunong maglagay niyan e. Wag ako, Autumn. Wala akong balak magmukhang clown"
Natawa ako.
"Anong gusto mo? Lumabas ka ng ganyan? Atsaka alam ko kung paano 'to gamitin, pinanuod ko kasing mabuti while Mommy's doing my make up"
Wala siyang nagawa sa huli kundi ipaubaya ang mukha sa akin and thanks god, it turns out well.
Bumalik kami sa social hall. Mas dumami na ang stuyante ngayon kaysa kanina. Naghahanap kami ni Mika ng table nang makita ko si Inigo na kumakaway sa akin. Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya nung nakita niyang kasama ko si Mika pero agad yung napalitan ng pagkagalak.
Nginitian lang niya kami ng makahulugan. I smiled back. Naupo kami ni Mika habang nakikinig sa sinasabi ng emcee sa stage.
Hanggang sa magdagsaan ang mga studyante sa gitna ng hall, 'yon ang nagsilbing dance floor. May tumugtog na smooth na music which I think a romantic song. Nanunuod ako ng mga studyanteng sumasayaw nung maramdaman ko ang pagbunggo ng balikat ni Mika sa akin.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. Para siyang nakakita ng multo sa itsura niya. Inginuso niya ang labi niya sa likuran ko kaya napatingin ako roon.
My jaw dropped.
He was standing infront of me. He looked ravishing with his black tux. Lalo siyang nagmukhang suplado sa istilo ng buhok at damit niya. Walang bakas na ngiti sa kanyang labi, nakakunot ang kanyang noo pero kitang kita ko naman ang kinang sa kanyang kulay tsokolateng mga mata.
Napatikom ako ng bibig at namumulang tumingin sa kanyang nakalahad na kamay. Totoo ba ang mga nakikita ko? Hindi ba ako nanaginip?
"How long am I going to stand here? Nangangawit na ang kamay ko" masungit niyang sambit.
Lalong dumiin ang magkakalapat ng aking labi. Nakatitig lang ako sa kanyang kamay bago bumalik sa mukha niya.
Bakit bigla nalang niya akong yayayaing sumayaw? Dahil ba sa nalaman niya? Alam niyang mahal ko parin siya kaya niya ginagawa 'to? For what?
Tatanggi na sana ako pero naramdaman ko ang mahinang pagtulak sa akin ni Mika. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Sige na. Go na." pagtataboy niya sa akin.
Bakit para atang nagbago ang ihip ng hangin? Kulang nalang ipagtabuyan niya ako kay Drake. Samantalang isa si Drake sa mga dahilan kung bakit nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Di ba gusto na niya akong mag-move on?
Ngumiti si Mika sa akin. "Follow your heart" bulong niya sa akin bago ulit ako itulak kay Drake.
Follow my heart? Pero gumawa na ako ng desisyon at 'yon ang sundin ang isip at hindi ang puso. Dahil kapag ginagamit ko ang puso ko nasasaktan lang ako sa huli.