I've been staring blankly for more than thirty minutes. May pasok ako pero hanggang ngayon hindi parin ako kumikilos. I'm not just willing to get up early when I could spend more time in my bed.
Ilang linggo na ba ang lumipas? Dalawa? Tatlo?
Ilang linggo na ang lumipas pero wala paring progress sa plano namin ni Liam. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Gusto ko lang naman malaman kung may nararamdaman pa siya sa akin... pero sa nakikita ko, parang wala. Mukhang wala na talagang pakialam sa akin si Drake.
Alam kong mali ang ginagawa ko. May girlfriend na si Drake at maling magpapansin pa ako sa kanya. Pero, mahal ko siya at sa tingin ko lalo lang akong madudurog kapag hindi pa siya babalik sa akin.
There's always a third person in a relationship who is waiting for break up. At sa puntong 'to, ako ang taong 'yon.
Nasira ang sasakyan ko kaya kailangan kong mag-commute. May pinuntahan kasi si Mommy kasama ang family driver namin kaya hindi ako sumabay.
Sa jeep ako sumakay. Ilang streets lang ang nadadaanan namin nang huminto ang jeep dahil may pasaherong sasakay. Wala ng ibang space sa jeep bukod sa tabi ko, kaya umusog ako para paupuin ang lalaking pasahero. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero parehas kami ng design ng uniform kaya for sure doon din siya nag-aaral.
Tumabi siya sa kin at naamoy ko agad ang pamilyar na pabango. N'ong iniangat niya ang mukha, halos malaglag ang panga ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita.
Si Drake.
Baka sa sobrang kakaisip ko sa kanya, pati sa ibang tao nakikita ko ang mukha niya? Hindi naman sumasakay ng jeep si Drake.
When I met his gaze, I suddenly forgot everything. His eyes were perfect, breathtaking and captivating. I had to look away before I get drawn to those dark hazel-brown eyes.
Hindi parin ako makapaniwalang katabi ko siya ngayon sa jeep. Nasiraan din kaya siya ng kotse? Pero- impossible. Ang dami nilang sasakyan.
"Bayad po. Paabot naman pogi oh" nakatingin ang babae kay Drake. Ngiting ngiti siya habang inaabot ang pera.
His brows creased.
"Mukha ba akong conductor para sa akin ka magbayad? Tss"
Malakas ang pagkakasabi niya kaya nagsitinginan ang mga pasahero sa kanya. Namula ang pisngi n'ong babae kaya maagap kong kinuha ang bayad niya para hindi siya lalong mapahiya.
Panakaw akong tumitingin kay Drake. Namumuo na ang pawis sa mukha hanggang sa leeg niya. Di kasi siya sanay sa siksikan lalo na't walang aircon ang sasakyan. Inilibot ko ang mata. May mga babaeng pasimpleng kinukuhanan si Drake ng litrato.
Napalabi ako ng wala sa oras. Hinarangan ko siya ng konti para hindi siya mahagip ng camera. Nakita ko ang pagtalim ng tingin sa akin ng mga babae pero hindi ko nalang pinansin.
Kinuha niya ang phone niya at nag dial ng number. Sinong tatawagan niya? Girlfriend niya kaya?
"Mr. Han?"
Mr. Han? Yung family driver nila?
"Fernandez Avenue. Arizona Street. Yeah~ Nandoon ang kotse ko. Paki-pick up nalang at dalhin mo na rin sa school. Okay" he said, then he hang up.
Kung nasira ang kotse niya dapat sa shop niya ipinadala 'yon. Bakit sa school pa?
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Ano sa palagay mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam, kaya nga tinatanong ko 'di ba?"
"I'm not okay" he rolled his eyes.