C H A P T E R (23)

293 16 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kahapon pinabalik na ang lahat sa hotel. Halos lahat ay natuwa. Sino ba naman ang gustong mag-stay doon? Mayayaman ang mga studyante kaya hindi sila sanay na matulog sa tent. Pinakiusapan ko din si Miss Dana na wag nalang sabihin kay Mommy ang nangyari kahapon alam kong mag-aalala lang siya sa kin. Safe naman ako kaya hindi na niya kailangang malaman ang muntik na pagkalunod ko.

I texted Liam kanina. Sinabi kong magkita kami sa gazebo kung saan niya ako dinala dati. Naghintay ako roon. Hindi ko pa kasi siya nakikita sa hotel pagkatapos ng nangyari sa clinic. Mukhang galit nga siya sa akin dahil hindi man lang siya nagpaparamdam.

Tinignan ko ang cellphone ko at wala paring nakitang reply niya. Nareceive ba niya ang text ko? Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi  naman niya 'yon sinasagot.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naghihintay sa pagdating niya. Tumingin ako sa paligid at napansing malapit na palang magdilim. I guess hindi na talaga siya dadating. Sana tinext man lang niya ako na hindi siya pupunta hindi yung kailangan pa niya akong paghintayin.

Ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito si Liam pero hindi ko alam kung bakit ako pa itong naiinis.

Pabalik na ako sa hotel nun nang madaanan ko ang swimming pool area. Naningkit ang mata ko nang makita si Liam na nakaupo sa isang sun loungers kasama si Ericka. Kaya ba hindi siya nakapunta dahil may iba siyang kasama?

They were so engrossed talking that they not notice me standing there while listening to their conversation.

"Bakit sa akin mo tinatanong si Samantha? If you want to know if she's fine then pumunta ka sa Canada at siya mismo ang tanungin mo. You're stressing me out, Thirdy"

"Ikaw ang tinatanong ko dahil galing ka sa Canada. Tinatanong ko lang naman kung okay lang siya mahirap bang sagutin 'yon?"

They're talking about Samantha. Ano ka ba naman, Autumn! Ofcourse, Thirdy Liam still cares for Samantha!

"You know what Thirdy, stop bothering me about Samantha alright? You know how much I hate her!"

"Is this all about Drake again? You hate Samantha because of Drake right?"

"Bakit ikaw din naman ah. You hate Drake because of Samantha. Pareho lang ang reason natin, Thirdy"

Hindi kailanman naging maganda ang pagkinig sa usapan ng ibang tao, hindi ako makapaniwalang 'yon ang ginagawa ko ngayon.

"She's still your sister, Ericka"

"And look who's talking! Kapatid mo din naman si Drake ah!"

What?! Kapatid ni Ericka si Samantha? Tama ba ang narinig ko? Kaya ba hate ni Ericka si Samantha dahil mahal din ni Samantha si Drake? Teka-- ang gulo. Baka namali lang ako ng narinig.

My phone buzzed. Tinignan ko 'yon at nakita ang pangalan ni Mika sa caller ID. Tumalikod ako at sinagot ang tawag.

"Hello Mika?

"Oh, god Autumn! Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap pero hindi naman kita makita. Are you okay?"

"I'm fine, Miks. Pabalik na ako dyan, namasyal lang ako. I'll call you later. Bye"

Titingin na sana ako ng isang beses sa pwesto nila Liam pero nagulat ako n'ong makita ko siya sa harapan ko.

“Why are you hiding here?”

Nagulat ako sa lamig ng boses niya. Hindi man lang siya natuwa na makitang okay na ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone bago sumagot.

“I-I'm not. Napadaan lang ako”

Lalo lamang kumunot ang noo niya. Lagi siyang nakangiti kapag nakikita ako pero ngayon iba na.

“Okay” sabi niya syaka tumalikod sa akin. Nataranta ako n'ong nagsinula na siyang maglakad palayo sa akin. I gathered all my strength to call his name.

“Liam!”

Huminto siya. Ilang segundo din siyang nakatalikod sa akin bago muling humarap.

“What?!”

Doon ko napansin na may pagkakahawig pala sila ni Drake kapag nagsusungit siya. Nakakapanibago. Hindi ako sanay na ganito siya.

“I...”

Pumikit ako. This is so frustrating. Bakit  ngayon pa umurong ang dila ko?

“You have nothing to say?” tinaasan niya ako ng kilay habang hinihintay ang pagsagot ko. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi alam ang isasagot.

I don't know the reason why I'm hurting right now. Did I made him mad enough para ganituhin niya ako?

Wala sabi sabi siyang tumalikod sa akin at iniwan ako. Lalo akong nanghina dahil doon. Masakit lang isipin na wala na yung taong laging nandyan para sa akin. Napagod na ba siya sa kaiintindi sa akin kaya iniwan na din niya ako?

I felt tears rolled down my cheeks. Ang hina ko ba talaga na pati si Liam iniiyakan ko? Hindi naman siya si Drake para iyakan ko! Hindi siya si Drake pero pinaghintay niya ako! How dared him!

"And now you're crying"

Napasinghap ako nang nakita ko ulit siya sa harapan ko. Bakit pa siya bumalik? Bakit kailangan pa niyang makita akong umiiyak?

"You know, Autumn. Hindi kita maintindihan. I let you fucking used me kapag nandyan si Drake pero kapag wala naman siya siya parin ang hinahanap mo. Inisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko?" He burst out and even thought it was just for a fraction of second, I saw his jaw clenching. "You made me feel so worthless. Ako yung nasa tabi mo, nasa harap mo pero siya parin ang iniisip at hinahanap mo. Alam mo ba kung gaano kasakit?"

Umiiyak lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko rin siya maintindihan. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga 'yan? Bakit siya nasasaktan? Hindi ko alam kung bakit siya umaakto ng ganito. Dati naman kahit lagi kong binabanggit si Drake sa kanya hindi siya ganito, hindi siya nagagalit sa akin.

"W-Why are you acting this way?"

Umismid niya at umiling nang marinig ang sinabi ko. I saw pain crossed his eyes-- o iritasyon lang 'yon? I don't know.

"I'm sorry if I am acting this way I just couldn't help it. Nakalimutan kong wala pala talagang tayo"

Doon ko napagtanto na ako pala ang mali, ako pala dito ang masama. Ginamit ko siya. Wala akong karapatang masaktan ng ganito kung sakali mang magalit siya sa akin. May karapatan siyang magalit kasi masyado na akong abuso. Masyado ko siyang inabuso na hindi ko na naisip ang nararamdaman niya.

"I'm sorry, Liam. Sorry if I made you feel that way. I'm so sorry" punong puno ng luha ang aking mata habang sinasabi sa kanya 'yon.

He deeply exhaled before he looked away from me. When our eyes met, his eyes softened. Tinignan niya ako ng may pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hinila niya ako at niyakap. Nakasandal lang ako sa kanyang dibdib habang patuloy na umiiyak at paulit ulit na humingi ng pasensya sa kanya.

"Damn, Drake. Damn this fucking feelings! Damn everything" he muttered. "Shh. Don't cry, I'm sorry okay? Kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko. I got carried away, I'm sorry"

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon