C H A P T E R (16-17)

521 27 11
                                    

I took a quick shower and wore a comfortable clothes before I went downstairs as I carry my luggage.

“Mag-ingat ka doon anak, ha? Mamimiss kita"

Natawa ako sa reaksyon ni Mommy.

"Isang linggo lang akong mawawala, 'Mmy. Kung maka react ka naman parang mag-aabroad ako ah"

"Hindi lang ako sanay na wala ka dito sa bahay."

Hinatid niya ako hanggang sa harap ng gate. Nandoon kasi ang sasakyan namin at naghihintay na din si Manong. May sasakyan kaming bus na provide ng school kaya hindi na kailangang magdala ng sariling sasakyan. Hinalikan ko sa pisngi si Mommy bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Kagaya ng napag-usapan, hinintay ako ni Inigo at ni Mika sa harap ng gate ng school. Nakasimangot si Mika kaya alam ko ng kanina pa siya naghihintay.

“Kapag naiwan tayo ng bus ikaw ang sisisihin ko. Mag-iisang oras na kaming naghihintay sa'yo"

"Sorry na. Late na kasi ako nagising" nakangiting sagot ko.

Kinuha ni Inigo ang mga bagahe namin ni Mika. Tatlo ang hila hila niya ngayon, hindi ko nga alam kung paano niya nakakaya 'yon. Ayokong ibigay ang bagahe ko pero mapilit siya.

Malapit na kami sa parking lot nang makita naming isa-isang umaalis ang mga bus. Nagkatinginan kaming tatlo.

Tinamaan ka naman ng lintik oh. Takbo na tayo! Baka umalis na din ang bus na sasakyan natin!”

Kinuha ulit namin ang bagahe namin na hawak ni Inigo at saka tumakbo. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang isang bus sa parking lot. Nakatayo  ang dalawang Instructor namin sa labas ng bus.

“Good Morning, Sir” bati namin.

"Kayo nalang ang hinihintay. Pasok na kayo, aalis na tayo"

Nag-unahang sumakay si Inigo at si Mika sa loob ng bus. Napailing nalang ako sa kalokohan ng dalawa. Pagpasok ko sa loob wala na akong nakitang bakanteng upuan. Nakita ko si Inigo at Mika na magkatabi sa bandang gitna. Napasimangot ako.

May itinuro si Mika. Sinundan ko ang daliri niya, nakaturo 'yon sa isang bakanteng upuan sa bandang dulo ng bus. Lumiwanag ang mata ko at lumakad papunta roon. Nagulat ako nang makita ang katabi ng vacant seat, nandoon si Drake. Kung sino pa ang iniiwasan mo siya pa ang makikita mo.

Biglang nag-preno ang bus kaya na-out of balance ako. Naramdaman ko ang mga kamay na nakahawak sa bewang ko. Doon ko lang napansin na nakaupo ako sa hita ni Drake! Namula ang pisngi ko, hindi ko alam kung sa kilig ba 'yon o sa hiya. Siguro both, pwede ba 'yon?

“Tss. Stupid!”

Itinagilid ko ang mukha ko para makita ko siya sa likuran ko. Masama ang tingin niya sa akin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa bewang ko, agad niyang inalis 'yon kaya nanghinayang ako.

Umalis ako sa pagkakaupo sa hita niya at lumipat sa vacant seat. Nakatingin siya sa labas ng bintana nang magsalita siya.

“Hindi ka ba aalis dyan?”

Gusto ko  siyang katabi at kung aalis ako saan naman ako uupo? Wala ng ibang vacant seat bukod dito. Umiling ako bilang sagot.

Grabi. Ang lakas parin ng appeal niya kahit naka side view siya. His well defined jaw made him more hot and attractive. Pagdating sa physical aspect wala akong mapipintas sa kanya.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon