C H A P T E R (31)

289 11 0
                                    


"Pwede bang ikaw nalang ang sumama bukas, Ethan?"

"Hindi ako pwede bukas kaya nga si Drake ang pinalit sa akin. Bakit, may problema ba?"

May seminar sa La Union at two days 'yon. Kaming dalawa ni Ethan sana ang pupunta pero hindi siya pwede bukas kaya si Drake ang substitute niya. At yon ang problema ko. Kakasabi ko nga lang na iiwasan ko si Drake kahapon tapos malalaman ko nalang na makakasama ko siya ng dalawang araw sa La Union.

"Hindi ba pwedeng si Crizza nalang ang substitute ko?"

Isinara niya ang kanyang laptop at ipinirmi ang tingin sa akin.

"May problema ba? Sabihin mo sa akin para masabi ko na agad kay Miss Dana. Baka magawan niya ng paraan at iba ang papuntahin sa La Union"

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na iniiwasan ko si Drake kaya ayokong sumama. I guess wala na talaga akong choice.

"Hmm. Wag na, Ethan. Okay lang, dalawang araw lang naman 'yon"

Tumango siya. Ilang sandaling katahimik hanggang sa magsalita ulit siya.

"I heard wala na kayo ni Liam, totoo ba?"

Marami na ang nagtanong sa akin niyan at tango lamang ang kaya kong isagot. Bakit ba ang bilis kumalat ng balita? Maling balita.

"What's the reason behind? May kinalaman ba si Drake dito?"

Lalo akong natameme sa tanong niya. I couldn't find the right words to say, feeling ko kapag nagsalita ako tuluyan ng madudulas ang dila ko.

"Oh sorry about that. I just crossed the boundary. You don't need to answer, I understand"

Ngumiti nalang ako ng matipid sa kanya. Nagpaalam na ako kay Ethan na aalis na. Paalis na ako nun nang makasalubong ko si Drake sa pinto ng SC office. Nagkasalubong ang aming mata pero agad din akong umiwas at nagtuloy tuloy sa paglabas. That's my first step-- no more eye contact. Dahil hindi ako tuluyang makakausad kapag nagtagal ang titig ko sa nakakalunod niyang mga mata.

Bitbit ko ang tray na may lamang pagkain habang naghahanap ng mauupuan. Nakita ko si Mika sa may bandang gilid, mag-isa siyang kumakain doon. May nangyari pang debate sa utak ko bago ako tuluyang lumapit sa pwesto niya. Inilipag ko ang tray sa mesa kasabay ng pagtingin niya sa akin.

Umawang ang bibig niya. Nginuya niya ang tirang pagkain sa bibig atsaka uminom ng tubig. Nataranta ako n'ong tumayo siya sa upuan niya.

"Mika"

"Tapos na akong kumain" sagot niya. Mabilis niyang kinuha ang bag niya at hindi na ako muling binigyan ng tingin hanggang sa umalis.

Naramdaman ko ang unti-unting pagkabasag ng puso ko. Naupo ako sa upuan at walang ganang tinitigan ang pagkain. Ang hirap hirap ng ganitong sitwasyon, 'yung kahit na nagkikita  kami nagkukunwari silang hindi ako nakikita. Maybe tama nga si Zyra, baka kailangan nila ng oras. 

Without them, I don't know what to do. I'm feeling empty. Ayoko ng gan'ong pakiramdam. The pain was there, the loneliness and also the desire to have them back.

--

"Autumn" hinawakan ni Sir Aaron ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Okay ka lang ba? You're spacing out" nag-aalala niyang tanong.

"Okay lang po" I smiled. But the truth is I'm not fine. I'm still feeling sad for losing friends that means so much to me.

Ngumiti siya. "Sakay kana. Aalis na tayo maya-maya"

Binuksan ni Sir ang SUV at bumungad sa akin si Drake. Nakatingin siya sa akin. Blangko ang kanyang mukha katulad ng madalas niyang pinapakita. I sighed. Pumasok ako sa loob at naupo sa tabi niya.

Napaawang ng konti ang labi ko nung magdikit ang aming mga braso. Wala paring nagbago. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang kuryente dulot ng pagkakadikit ng aming balat. I saw how his brooding eyes lingered. Hanggang ngayon nakaka-intimida parin ang kanyang presensiya, ramdam ko parin ang libo-libong tahip sa aking dibdib.

I shouldn't feel this way. Nakapagdesisyon na ako at iiwasan ko na siya. Its better to move on. Wala namang magandang idudulot ang nararamdaman kong ito. Wala itong patutunguhan. May girlfriend na siya, masaya na siya. It's better to move on instead of keeping myself in pain and sorrow.

I smiled sadly. I know it wasn't easy. Ganito naman talaga sa umpisa pero masasanay rin ako. Masasanay ako na hindi ko na hahanapin ang presensiya niya. Masasanay ako na hindi na siya hahanap hanapin ng puso ko.

I felt a little pang on my chest. Pumungay ang aking mata at unti-unti nagtubig. Ang hirap pala... iniisip ko palang nasasaktan na ako. Masyado akong umasa na babalik pa ang lahat sa dati. I should stop drowning myself with the memories of yesterday.

"You look like shit" he muttered harshly.

I'm not feeling well pero pinili ko paring pumunta sa La Union para sa seminar dahil alam kong kapag kinulong ko ang sarili sa kwarto tuluyan na akong magkakasakit.

I didn't spare him a glance. Ipinikit ko ang mga mata at sumandal sa malambot na upuan. Bakit ganun? Hanggang ngayon ang bilis bilis parin ng tibok ng puso ko at alam kong si Drake ang dahilan.

How can he affect me like this? It's too much.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon