Pagkatapos ng last subject sa afternoon class agad akong pumunta sa kabilang building. Sa building kung nasaan ang classroom ni Liam. Hindi ko alam kung pumasok siya pero nagbabakasakali parin ako. Hindi ko siya nakikita sa campus, siguro nga ayaw niya akong makita kaya gumagawa siya ng paraan para hindi magtagpo ang landas namin.
Nakita kong nagsisialisan na ang mga kaklase ni Liam kaya mabilis akong tumakbo papunta sa clasroom niya.
"Pumasok ba ngayon si Liam?"
Nagulat pa ang isang lalaki sa biglaang pagtanong ko sa kanya.
"Ah Oo. Nasa loob siya"
"Salamat" sagot ko.
Pagsilip ko sa loob ng classroom wala ng masyadong tao. Nakita ko si Liam na inaayos ang bag niya at handa ng umalis. Nilakasan ko ang loob ko at pumasok sa loob.
"Liam?" tawag ko sa kanya.
Natigil siya sa ginagawa pero hindi siya tumingin sa akin. Ilang sandali ay pinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga notebook sa bag.
"Can we talk?" tanong ko pero hindi naman siya sumagot. Inilibot ko ang tingin sa silid, nagkasalubong ang mata namin ng iba niyang kaklase. Tumikhim naman sila at isa-isang lumabas ng classroom.
He was about to walk past by me when I held his arm to stop.
"Liam, kausapin mo naman ako"
Tinignan niya ako. Matangkad siya kaya nakatingala ako sa kanya. Napansin ko ang ilang pagbabago sa itsura niya. Magulo ang kanyang buhok at napansin ko din ang bahagyang pag-itim ng ilalim ng kanyang mata.
Umigting ang kanyang panga kasabay ng pagtanggal niya ng pagkakahawak ko sa kanya.
"There's nothing to talk about"
His staring at me with those dull eyes. Wala na ang ngiti niyang kayang tumunaw ng libo libong puso ng mga babae. His eyes who's passionate are now blank and lifeless.
"Hindi dapat ako ang hinahabol mo. Si Drake dapat! Tutal siya naman ang mahal mo 'di ba?"
"Wag naman ganito. Hindi ko gusto ang ganito, Liam. Okay naman tayo dati di ba? Mas maganda kung gan'on nalang"
"Sa tingin mo gusto ko 'to?! Hindi ko gustong mahulog sa taong may mahal ng iba! Hindi ko gustong mahulog sa taong kaibigan lang ang turing sa akin!"
I didn't see this coming. Hindi ko kailan man inisip na hahantong kami sa puntong 'to. I'd never imagine him being inlove with me. Akala ko kasi kasama lahat sa pagpapanggap ang mga ginagawa niya, 'yung mga kilos at pagiging sweet niya. Hindi ko alam na totoo na pala, mahal na pala niya ako.
"Being lovers may end our good relationship. I don't wanna lose you, I don't wanna break you even. Mahal naman kita hindi lang sa paraang gusto mo" sabi ko sa kanya habang nangingilid ang luha sa gilid ng mga mata.
Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko. Kitang kita ko 'yon sa mga mata niya. Alam kong ayaw niyang marinig na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay pero ayokong paasahin si Liam. I don't wanna give him false hope.
