Nasa loob kami ng function room ng hotel. Habang nasa kalagitnaan ng seminar napansin ko mula sa gilid ng mata ko ang ginagawang pagtitig ni Drake sa akin. Nakikinig ba siya sa speaker? Mukhang hindi. Then why the hell is he staring at me?! May dumi ba sa mukha ko? May muta nanaman ba sa gilid ng mata ko?
Tumingin ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin parin sa akin, I expect him to look away but he never did. Tinaasan lang niya ako ng kilay!
What will I do to you Drake?! You're so confusing!
Halos hindi rin ako nakapagfocus sa seminar dahil kay Drake! Paano ba naman kasi halos matunaw na ako sa titig niya. Gusto ko siyang tanungin kung anong problema, kung bakit siya titig ng titig sa akin pero I suppress myself from doing it. Gusto kong panindigan ang pag-iwas at pag-ignora sa kanya.
Sa next session ng seminar makikinig na talaga ako. Sayang naman ang pagpili sa akin ni Miss Dana para maging representative ng school kung wala akong natutunan. Imagine, akala ko maboboring ako dito dahil hindi ako fond sa mga seminar thingy na 'yan who would thought na mag-eenjoy ako? Ang ganda ganda pa ng hotel at pati na rin ng buong resort!
Agad akong lumabas ng function room pagkatapos ng first session ng seminar. Hindi pa ako nakakalayo nung maramdaman ko ang paghatak sa kamay ko. Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na hila hila ni Drake. Masyado akong nagulat sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakapagprotesta.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko nung makarecover na sa gulat.
Kinunutan lang niya ako ng noo.
"Wag mo nga akong sinisigawan" sagot niya habang patuloy parin sa paghila sa akin.
"Ayaw mo kasi akong bitawan! Saan ka ba pupunta? Bakit pati ako sinasama mo?!"
"Would you please shut up?!" nagkasalubong nanaman ang mga kilay niya senyales na naiirita na siya.
"And if I don't? What will you do, huh?!"
Huminto siya pero hindi parin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. I struggled but his grip tightened.
"If you don't then I don't have choice but to seal your lips with mine if that's the only way to shut you up"
Natahimik nga ako literally. Naririnig ba niya ang sinasabi niya?! Wait! Si Drake ba ang kasama ko ngayon? I bit my lower lip so hard. Bakit para atang namula ako sa sinabi niya?! Hindi dapat ako magpadala!
Ngumisi siya sa akin nang mapansin ang pananahimik ko. Nagpatuloy siya sa paghila sa akin.
"Ano ba-"
"You really want me to kiss you, huh?" his lips were pulled into a smirk.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na nagsalita. Natatakot akong baka totohanin nga niya ang sinabi niya. Ang dami pa namang tao dito sa labas!
Hinila niya ako hanggang sa loob ng restaurant.
"Sit!" Itinuro niya ang upuan na katapat ng inupuan niya.
Inuutusan niya ba ako?
"Anong gagawin natin dito?"