“What the fuck is this?!” Raiko cursed.
Hindi ko ma-explain kung ano ang bagay na 'yon. Pagkain ba 'yon? Ngayon lang ako nakakita ng gan'ong klaseng pagkain.
“Baka panis na 'to!” sabi ni Raiko sa isang faculty na nakabantay sa kanya. Umiling ang faculty at sinabing safe 'yon.
“Faster, Raiko ! Ang tagal mo! Nauuna na ang ibang team!” sigaw ni Mika sa kanya.
“Baka makalahati ko ang tubig. Okay lang ba?!” tanong niya habang nakaharap sa amin.
Lumipat ang tingin ko sa tubig na nasa plastic bottle. Hindi ko alam kung makakaabot sa aming lahat 'yon. Mukhang hindi lalo na't hindi namin alam kung ano ang mapipili naming pagkain.
“Go ahead Raiko! We can do this!” Ethan cheered him up. Hindi ko alam na siya pa ang mag-eencourage sa karibal niya. Pero sa bagay! Siya ang leader dito kaya kailangan niyang imotivate ang mga kagrupo niya.
Isa pang mura ang narinig ko mula kay Raiko bago niya kainin 'yon. Pagkatapos niyang ubusin ay pumunta na siya sa pangalawang stasyon. Tumakbo agad si Ethan papunta sa table. Hindi ko nakita ang nakalagay sa plato niya dahil agad niyang kinain 'yon. Hindi na siya uminom ng tubig at agad na tumakbo papunta sa second station. Sacrifice for the sake of his team? Iba talaga si Ethan.
Ganun din ang ginawa ni Inigo hanggang sa turn na ni Ericka.
“I wont eat that! That's so kadiri!
“Omygosh. Ang arte!” bulong ni Mika. “Pag tayo ang nahuli dito sasabunutan ko talaga siya”
“Baka nakakalimutan mong pinsan siya ni Ethan?” I told her.
“Kahit na! Wala akong paki!”
Itlog na hilaw. 'Yon ang nakalagay sa plate niya.
“Team 57 and Team 34. Pwede na kayong pumunta sa Second Station” sunod-sunod ang pagbanggit ng Emcee. Mukhang isa kami sa mga nahuhuli.
“No way! Over my dead body hindi ko kakainin 'yan!" sabi niya. Pulang pula ang kanyang mukha at mukhang maiiyak na.
Nakita kong tumakbo si Liam papunta sa faculty at nakipag-usap. Noong tumango ang faculty agad na lumapit si Liam kay Ericka at siya na ang kumain ng hilaw na itlog. Si Liam ang sumalo sa pagkaing nakahain para kay Ericka at kinain din niya ang para sa kanya since siya na ang susunod. Dalawang putahe ang kinain niya at hindi siya uminom ng tubig. Okay lang kaya siya?
“Tss. Look like your boyfriend haven't move on yet”
Muntik na akong mapatalon sa biglang pagsalita ni Drake sa likod ko. Kaya pala hindi ko siya makita sa harap, nasa likuran ko pala siya. At tsaka ano itong sinasabi niya tungkol kay Liam? Tss. Paano niya naman nasabing hindi pa nakakamove on si Liam e, wala naman dito si Samantha.
Hindi ko na napanuod si Mika paano ba naman kasi nadistract ako dahil kay Drake. Ako na pala ang susunod. Tumakbo ako papunta sa first station at binuksan ang kulay asul na takip. Napaawang ang bibig ko nang makita ang nakalagay d'on.
May allergic ako sa hipon. At etong hipon na nandito ay buhay pa.
“Wag mong kakainin 'yan, Autumn!” sigaw ni Mika.
Napalunok ako. Kapag kinain ko 'yan baka ma-triger nanaman ang asthma ko. Hindi ko pa naman dala ang maintenance ko.
Lumingon ako sa ibang team at halos lahat sila ay nasa second station na. Pumikit ako at pilit na nilalabanan ang kaba.
“Ano ba, Liam! Pigilan mo siya!”
Nag-uumpisa ng mag-hysterical si Mika pati ang inosenteng staff na nakabantay sa station ay sinisigawan niya. Wala silang alam tungkol sa asthma ko kaya naguguluhan sila sa asta ni Mika. Kahit gulong-gulo si Liam ay nagtangka parin siyang lumapit sa akin pero pinigilan siya ng staff.
