I saw Mika chasing Raiko. Tangay ni Raiko ang cellphone ni Mika, kaya siguro siya hinahabol ng huli. Hindi nakatakas sa paningin ko si Ethan. Nasa hamba siya ng pinto ng SC office habang nakatanaw sa dalawa.
Napailing ako. I can sense that there is something between these three. Maybe a love triangle? I laughed from my own thought.
I saw how Ethan lips parted nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Nahuli ko siya sa akto habang nakatingin kay Mika. Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian. Eto ang ganti ko sa kanya sa pang-aasar sa akin kay Drake. Tinanguan lang niya ako saka na siya pumasok sa loob ng Student Council Office. Lalo lamang lumawak ang ngiti sa labi ko.
Pagtingin ko sa dalawa, nakita kong nagkakainitan na sila. Mukha nanamang badtrip si Mika. Tumakbo ako papunta sa kanila at agad silang inawat.
Pumagitna ako sa kanilang dalawa.
“Hep.hep! Tumigil na nga kayo. Para kayong aso't pusa”
“Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo, Autumn. Look what she did to me!"
Medyo nanlaki ang mata ko nang makita ko ang braso niyang namumula at may ilang kalmot.
“Papansin ka kasi! Kung hindi mo kinuha ang cellphone ko hindi ka magkakaganyan! Bakulaw ka, bagay lang sa'yo 'yan!”
“Nahiya naman ako sa kagandahan mo! Hindi ka sexy, baboy ka. Ang taba mo!”
Hindi ko alam kung paano nakalapit si Mika kay Raiko.
“Aba't sumosobra ka ng bakulaw ka ah! Suntukan nalang oh!”
Ano bang gagawin ko sa dalawang 'to?
“Please, stop! KUNG UMASTA KAYO PARANG WALA KAYONG PINAGSAMAHAN AH!” sumigaw ako that's the only way to stop them from quareling.
See? Tumahimik nga sila.
“Makaalis na nga. Gagamutin ko pa 'tong mga kalmot ko. Kainis kasi ang isa dyan. Baboy na nga mukha pang tomboy!”
“Aba't hindi ka talaga titigil, ha?!”
Hinawakan ko ang lalaylayan ng shirt ni Mika para hindi siya makaabot kay Raiko. Nginisian siya ni Raiko at inasar ulit bago umalis.
“Mika. Balik na tayo sa room. Late na tayo”
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila. Baka maisipan pa niyang habulin si Raiko at tuluyang bugbugin. Napaka war freak pa naman niya.
“Why are you late, Ms. Silva and Ms. Dionisio? Kanina pa nag-start ang klase ko”
I gulped hard. Nandito na nga ang Instructor namin. Strikto pa naman ang isang 'to.
“Kasi Ma'am-”
“I don't accept excuses. Go and answer the problems on the board!”
Wala na kaming nagawa ni Mika kundi ang mag-solve ng mga problems sa white board. Hindi namin naabutan ang lesson kaya nahihirapan kami kung paano sagutin 'yon.
Pagkatapos kong magsagot tinignan ko ang ginagawa ni Mika. Wala pa siyang naisulat kahit isa.
“Psstt. Autumn? Palit tayo, please?” bulong niya sa akin. Hindi na maipinta ang mukha niya.
“Baka makita tayo ni Ma'am”
Sumulyap siya sa likod at agad na umiling.
“Hindi naman siya nakatingin sa atin”
Sumulyap ako kay Ma'am at nakita kong nakatayo siya habang nakaharap sa bintana. Tumango ako kay Mika at nagpalit kami. Mabilis kong sinagutan ang sa kanya. Pinandilatan ng mata ni Mika ang mga kaklase ko para di sila magsumbong.
