Dahil pareho ang pupuntahan namin nagsabay nalang kami papunta sa restaurant. Nasa iisang table kaming lima at medyo maingay dahil kay Mika at Raiko. Kanina pa sila nag-aasaran. Hindi ba sila napapagod?
"Bagay kayo. Bakit hindi niyo i-try ulit? Baka magwork out this time, you know second chance?" natatawang sabi ni Liam habang nakatingin sa dalawa.
Second chance? Not bad.
"I won't repeat the same mistake again. Once is enough"
"Am I a mistake to you?" may hinanakit sa tono ng papanalita ni Raiko habang taimtim na nakatingin kay Mika.
"Talk to yourself, you moron!" sagot ni Mika saka inirapan si Raiko.
Hindi ko alam kung bakit naging ganyan silang dalawa sa isa't isa. Dati nga noong sila pa hindi sila mapaghiwalay, ang sweet nga nila dati e.
Nag-uusap kaming lima habang hinihintay ang order namin. Sini-serve na ang order namin nang maramdaman ko ang pagsipa sa paa ko sa ilalim ng mesa. Sumilip ako ng kaonti at nakita kong ang paa ni Mika ang sumipa sa akin. She gave me a meaningful look noong tumingin ako sa kanya.
Lumipat ang tingin niya sa isang banda kaya sinundan ko 'yon. Nakita ko doon si Drake, he was looking at me. Umiwas ako ng tingin.
Totoo ba ang nakita ko? He's watching me with an uncertain glint in his eyes.
When I stole another glance at him, I did a double take. This time around it's different. His signature scowl returns to his face. Namalik mata lang ba ako kanina?
“Ano naman ang tinitingin-tingin niya dito?”
Napatingin ako kay Liam nang magsalita siya. He wasn't pleased from what he was seeing. Nakatira sila sa iisang mansyon, I wonder kung lagi ba silang nag-aaway doon? I'm quite worried for the both of them.
Lumapit si Ethan kay Drake. Nag-usap lang sila saglit bago sila tumingin sa direksyon namin. Ano kayang pinag-uusapan nila? May sinabi siya kay Ethan at tumango ang huli. Naglakad paalis si Drake sa restaurant. Saan naman siya pupunta? Hindi ba siya kakain?
Nakangiting lumapit sa amin si Ethan. Sumulyap ako kay Mika, namumula ang pisngi niya at sinubukang itago ang mukha sa pamamagitan ng pagyuko. Mika started eating.
“Hi guys!”
"Hello, Ethan" nakangiting sagot ko.
“What's up, dude?”
Tumayo si Liam at nakipag-fist bump kay Ethan. I think that's a boy thing dahil madalas nilang gawin 'yan tuwing nagkikita silang dalawa.
“How are you guys doing?” tanong ni Ethan.
“We're doing great,” sagot ni Raiko. “Di ba, tabs?” umakbay siya kay Mika.
Ako lang ba o talagang may pagkapresko sa pagsagot ni Raiko ngayon? Hindi naman siya ganyan magsalita kanina.
“Tabs mo yang mukha mo! Bitaw nga!” tinangal niya ang pag-akbay sa kanya ni Raiko. Hindi man lang niya itinaas ang mukha para tignan si Ethan.
Nilagyan ng steak ni Raiko ang plate ni Miks. “Eat up, tabs!” sabi niya saka dinagdagan nanaman niya ng isa.
“Kapag hindi ka tumigil makakatikim ka sakin!”
“Ng ano? Kiss mo? Okay, ready na ako” pumikit pa si Raiko at medyo ngumuso. Binitawan ni Mika ang hawak niyang kutsara at tinidor, humarap siya kay Raiko at inambahan ng suntok.
Ethan faked a cough kaya natigilan si Mika. Tumingin siya kay Ethan pero agad naman niya 'yong iniwas. Pinagmamasdan ko lang silang tatlo. Napaka-obvious na may something sa kanila, hindi man aminin ng isa sa kanila, mahahalata mo naman 'yon sa mga kilos nila.
