Hinaplos ko ng paulit ulit ang mukha ni Drake sa hawak kong litrato niya. Seryoso siya dito at mukhang ayaw pang magpakuha ng litrato. Ang gwapo talaga niya kahit walang kangiti-ngiti sa mukha. Napaisip tuloy ako bigla. Hanggang sa langit ba pinagkakaguluhan siya ng mga babae?
Ano ba 'yan! Bakit bigla nalang akong nakaramdam ng selos?
"Wag na wag mo akong ipagpapalit, ha? Naku! Subukan mo lang Mr. Sarmiento kapag ako nakapunta dyan sa Heaven at makita kong may babae ka idodouble dead kita" pagkausap ko sa litrato. Tinuturo turo ko pa siya at pinanlilisikan ng mata.
Kinurap kurap ko ng ilang beses ang mata dahil sa nagbabadyang luha. Ang sakit isipin na hanggang sa litrato ko nalang siya matititigan ng ganito. Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso because I know I won't be able to look at his eyes anymore. Yung sa totoo talaga at hindi sa litrato lang.
"I didn't regret loving you, Drake. Even if it's painful. Even if the pain is still here. I want you to know that I'm always here, loving you with all of my broken pieces of me"
"Nababaliw kana talaga. Pati picture kinakausap mo"
Halos mapabalikwas ako sa kama nung may bigla nalang nagsalita sa gilid ko. Pasimple kong pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng mata ko.
"Summer naman! Wag mo nga akong ginugulat!"
Nagkibit balikat lang siya. Naglakad siya sa drawer ko at kinuha ang charger ng iPhone niya na kinuha ko ng walang paalam kagabi.
"Tss. Hanap ako ng hanap sa charger ko tapos nandito lang pala"
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa harapan niya. Bigla akong nahiya dahil kailangan ko pa siyang tingalain para makita ang mukha niya. Kailan pa siya tumangkad ng ganito? Dati hanggang bewang ko lang ang batang 'to eh! Hindi ako makapaniwalang binatang binata na siya ngayon.
"Alam ko kasing hindi mo ipapahiram sa'kin yang charger mo kapag nagpaalam ako!"
Nagsalubong ang dalawang kilay niya.
"May pera ka naman bakit hindi ka bumili ng sarili mong charger?"
At aba ang loko tinaasan pa ako ng kilay! Manang mana talaga 'to sa kuya Drake niya e! Naku, sinasabi ko kapag nagsama silang dalawa ikakasakit ng ulo ko.
Umiling siya at tumalikod sa akin. Nangigigil ako habang nakatingin sa likuran niya. Kailan ba magiging mabait sa akin ang isang 'yan? Ilang taon na ang lumipas pero ganun parin ang ugali niya. Masungit parin!
Naligo na ako at nagbihis. Wala naman akong ginagawa dito sa bahay kaya kahit hindi kailangan pumasok sa opisina dahil weekend ay papasok parin ako. Gusto kong abalahin ang sarili ko, lunurin ang sarili ko sa trabaho dahil kapag hindi ko ginawa 'yon ay alam kong malaki ang possibility na si Drake nanaman ang ookupa sa isip ko. Suki na siya, ha!
Naglalagay ako ng lipstick nun nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ko.
"Ma'am! May bisita po kayo, naghihintay po sa baba"
Kumunot ang noo ko. Bisita? Sinong bibisita ng ganitong kaaga?
Nagmadali akong pumunta sa ibaba. Nasa hagdan palang ako nun nang marinig ko na ang boses ni Mommy na mukhang ini-entertain ang bisita ko.
"Nandyan na pala si Autumn. Oh, maiwan ko muna kayo" sabi ni Mommy bago umalis.
Nakita ko ang isang babae at lalaki na nakaupo sa couch namin. Inangat ng lalaki ang mukha niya kaya nakita ko kung sino siya. Nanlaki ang mata ko.
"Liam!"
Si Liam nga. Ilang taon din kaming hindi nagkita ng lalaking 'to!
Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap.
"Autumn! Kamusta?"
"Okay lang naman. Eh ikaw, kamusta? Kainis ka ah! Tatlong taon kang hindi nagpakita! Balita ko lumalago na ang negosyo mo ah! Ayaw mo atang manlibre kaya ka nagtatago" sabi ko sa kanya pagkatapos ng isang napakahigpit na yakap.
Tumawa siya.
"Hindi! May inaasikaso lang ako kaya naging busy" hinila niya ako palapit sa couch. "May ipapakilala pala ako sa'yo"
Lumapit si Liam sa magandang babae at hinapit niya ito sa bewang. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ng babae.
"Autumn. Girlfriend ko nga pala si Zia"
Nakita ko kung paano tignan ni Liam si Zia na may pag-iingat at paghanga. Sa tingin palang niya alam kong mahal na mahal niya ang girlfriend niya. Masaya ako dahil nahanap na niya ang babaeng makakapagpasaya sa kanya. Nakita ko ulit ang kinang sa mga mata ni Liam at ibang iba din ang ngiti niya.
Hinalikan ko si Zia sa pisngi. Nagulat pa ata siya sa ginawa ko dahil naramdam ko ang paninigas niya. Ngumiti ako sa kanya.
"Nice to meet you, Zia. Pagtyagaan mo itong kaibigan ko, ha?"
Natawa siya sa sinabi ko. Sinimangutan naman ako ni Liam. Namiss ko talaga ang bruhong 'to!
Lumabas kaming tatlo at kumain sa isang Italian restaurant. Mabait si Zia kaya ang bilis ko siyang nakasundo. Marami kaming napagkwentuhang tatlo. Next time daw ay dapat kumpleto na kaming magbabarkada. Ikokontak niya daw sila Inigo at Raiko para mabuo kami. Little they didn't know na hindi na kami makukumpleto, kulang kami dahil wala si Drake. Wala na siya.
May ibinigay si Liam sa akin na isang invitation. Shocked was written all over my face habang nakatingin sa dalawa.
"Wedding invitation? Kailan ang kasal?"
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa. Pinitik ni Liam ang noo ko kaya napanguso ako. Ang sakit nun ah!
"Tignan mo muna kasi!"
Inirapan ko si Liam bago kinuha ang invitation na nasa table. Binuksan ko 'yon at binasa.
"Masquerade party? Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya.
He shifted on his seat at pormal niya akong tinitigan. "Babalik na si Mommy at Daddy galing America"
Pagkasabi niya nun bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko at naramdaman ko rin ang unti-unti nitong pagkadurog. Seven years ago kasama nila si Drake na umalis papuntang America, ngayon babalik na sila. Pero hindi kasama si Drake sa pagbabalik na 'yon dahil wala na siya.
Ngumiti si Liam pero nakita ko naman ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa akin. Mukha ba akong kaawa awa ngayon? Pasimple kong hinawakan ang pisngi ko. Wala naman yung luha.
"Bababa na si Daddy sa pwesto bilang CEO at gusto niyang ang anak niya ang pumalit"
"Congrats! So, ikaw na pala ang CEO ng Sarmiento Holdings? Ikaw lang naman ang natitirang anak niya 'di ba?" pilit kong siniglahan ang boses ko para hindi na siya tuluyang mag-alala sa akin.
Marahan siyang tumango. Inabot niya ang buhok ko at ginulo 'yon.
"Basta pumunta ka ha? Asahan kita"
Tinitigan ko ng matagal ang invitation. Ngumiti ako ng mapait at marahang tumango sa kanya.
"Pupunta ako."