Pagatlong araw na namin dito sa Baguio. So far, so good naman. Pinayagan nila kaming mamasyal sa labas. Malamig ang klima dito kumpara sa Maynila. Mabuti nalang nagdala ako ng makapal na jacket kung hindi baka nanigas na ako sa lamig.
Halos karamihan ng studyante ay namamasyal, sinusulit ang bawat minuto habang nandito. Gustong pumasyal ni Mika pero hindi ko siya nasamahan, wala ako sa mood mamasyal. Kasama naman niya si Inigo at ilang mga kaklase ko kaya wala akong dapat ipag-alala.
Nahagip ng mata ko si Liam. Nakatayo siya malapit sa restaurant, nakapamulsa at nakapirmi ang mata sa isang banda. Nucurious ako kung sino ang tinitignan niya kaya lumapit ako.
Masyado siyang abala sa pagtitig sa babaeng nasa loob ng restaurant kaya hindi niya napansing nasa tabi niya ako. Sino ang babaeng 'yon? Bakit titig na titig si Liam sa kanya?
Bumalik ang tingin ko sa babae. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya pero n'ong itinaas niya ang mukha niya medyo nagulat ako.
Si Ericka.
Bakit ganun nalang ang pagtitig sa kanya ni Liam? Parang may kakaiba. Di kaya--
"May gusto ka ba sa kanya?" hindi ko mapigilang itanong.
Biglaan ang naging paglingon ni Liam sa pwesto ko. Tumaas ang itaas na labi niya na parang nagulat sa pagkakakita sa akin.
"Autumn. Nandyan ka pala"
Ngumiti ako ng matipid.
"Masyado kang busy sa kakatitig sa kanya kaya hindi mo ako napansin"
Bumukas ang bibig niya pero isinara ulit. Tumingin ulit siya sa gawi ni Ericka. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng emosyon sa kanyang mata.
"Gusto mo ba si Ericka?"
Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin.
"No. It's just that she look so much like her. May kakilala akong kamukhang kamukha niya" sagot niya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang saglitang pagngiti niya.
May kamukha si Ericka? Sino naman?
"Gan'on ba? Well, base sa pagtitig mo kay Ericka mukhang namimiss mo na ang kamukha niya"
"You're right, I missed the person and the good memories I had with her"
And who is that person? Hindi man lang niya pinangalanan. Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin. Hindi kaya someone who's close with his heart? The way he spoke kasi sobrang passionate na para bang galing talaga sa puso.
"Hindi ka ba lalabas o papasyal? Ang ilang studyante sinusulit na ang oras nilang pumasyal habang pwede pa. Bukas na bukas aalis na tayo dito sa hotel. Dito parin naman sa baguio pero ang balita ko'y walang masyadong mapapasyalan doon." he said diverting the topic.
Hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan naming umalis dito sa hotel at lumipat sa ibang lugar para magcamping.
"Hmm. Wala kasi ako sa mood lumabas ngayon. Siguro mamaya nalang"
Hinawakan ni Liam ang kamay ko at hinila ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi na ako nagtanong. Hinayaan ko lang siya sa paghila sa akin.
Dinala niya ako sa isang gazebo na nasa likuran ng hotel. Malapit 'yon sa garden at ilang lakad mula rito mapapadpad ka sa pool area ng hotel.
It was nice and peaceful. Walang ni isang tao ang nandito. Maganda ang tanawin dito kaya kahit na hindi mamasyal sa labas ay okay na. Sobrang sariwa ng hangin, malamig at nakakahalina.
Tahimik si Liam kaya tumabi ako sa kanya. Hindi ako sanay na tahimik siya. May problema ba siya? Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Tungkol parin ba ito sa kamukha ni Ericka?
