Nakatingin nalang ako sa papalubog na araw habang rumaragasa ang mga luha ko.
"No, Drake. Not now" I shook my head.
No, I won't give up on you, even if your giving up on yourself.
“May pag-asa pa tayo! Pumayag ka na dalhin ka nila sa America. Yun nalang ang pag-asa natin, Drake. Pwede ka pang mabuhay ng matagal”
Gusto kong lumaban siya at ituloy ang surgical operation sa ibang bansa. Inamin na sa amin ng doctor na maliit lamang ang porsesyontong makakaligtas si Drake pero kumapit parin ako doon. Pag-asa paring matatawag yun, may pag-asa paring tumagal ang buhay niya.
Nagulat siya sa sinabi ko. Siguro hindi niya inaasahan na alam ko na ang tungkol doon. Ang hilig talaga niyang magtago ng sekreto.
He sighed deeply, shaking his head.
“Ayokong paasahin kayo. Alam kong kahit pumunta ako doon para magpa-opera hindi parin nila masisigurong maililigtas nila ako. May possibilities na hindi na ako magising! Kung may natutunan man ako sa buhay 'yon ay hindi dapat ako nagsayang ng panahon at oras. Sana hindi nalang kita ipinagtabuyan dati, sana ginugol ko nalang ang natitirang oras ko sa inyo." he mumbled in guilt, peeking up to my eyes. "I don't wanna commit the same mistake again, I had my lessons."
"Please, do it for me Drake. Mahal na mahal kita. Please, lumaban ka. I'm always here, hindi kita iiwan" sabi ko habang umiiyak sa dibdib niya.
Sana huminto ang oras, sana kaya ko pang pahabain ang buhay niya. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal.
There was this pause of silence lingering in the air. Nagtaka ako dahil sa biglaang pananahimik niya. Napansin ko ang hindi mapakaling katawan niya. Magsasalita na sana ako ng bigla nalang siyang sumigaw.
"Urggg!" he groaned. Nakahawak siya sa ulot niya, iniinda ang sakit.
I breathed, stammered and mostly just in shock. Nanginig ang katawan ko sa nakita. Noong hinawakan ko siya ay lalo siyang sumigaw. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Ako ang natatakot para sa kanya.
"I… I'm f-fine…” He breathed, feeling himself turning pale.
His pain were released in forms of whimpers and winces, causing me to hush him softly. “D-Drake”
He’d squeeze my hand whenever it got too painful and he’s wince out my name softly.
"A-Autumn. I.. I-l love y...”
“Drake!” sigaw ko nang mawalan siya ng malay. Para akong nawala sa katinuan sa sandaling 'yon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na tinignan kung sino ang natawagan ko, ang alam ko lang ay umiiyak ako at humihingi ng tulong.
Isinugod si Drake sa loob ng Emergency Room. Nagsisitakbuhan ang mga doctor at iba pang mga nurse, sumisigaw at nagpapanic. Sinubukan kong pumasok sa loob pero hinarangan nila ako. Nurses keeps on bursting the door.
Fear consumed me. Natatakot ako na baka hindi ko na magawang makita muli yung mga ngiti niya, yung pagsusuplado niya. Natatakot ako na mawala siya sa akin. I've never felt this scared before, ngayon lang.
All I could do was to pray desperately for Drake.
Niyakap ko ang tuhod ko at doon umiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Hindi nila alam kung gaano ako katakot at nasasaktan ngayon. Hindi nila alam kung ano ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam na aabot kami sa puntong 'to. Yung maghihintay pa ako ng ilang oras para marinig ang sasabihin ng doctor. Dumating ang mga magulang niya pati na rin si Ms. Dane at si Liam. Kinakausap nila ako pero hindi ko magawang kausapin ang kahit isa sa kanila. Nasa tapat lang ako ng pinto ng Emergency Room.
“Dito lang ako. Hihintayin kong magising si Drake” sagot ko nang isang beses akong kausapin ni Liam.
I just want to know if he was fine. Kahit 'yon lang ay ayos na ako.
“Stop stressing yourself, Autumn. He's brave. Kayang kaya niyang lampasan 'to. Ibinilin ka niya sa akin baka awayin ako nun kapag nalaman niyang wala ka pang pahinga”
Umiyak lang ako ng umiyak.
Lumabas ang Doctor. Lumapit agad ang mga magulang ni Drake at agad nilang tinanong ang kondisyon niya. Para akong tuod doon na nakatayo sa isang gilid.
“He had a seizure attack. Kung magpapatuloy ito ay baka hindi na niya kayanin. Kung hindi pa gagawin ang operasyon sa madaling panahon ay tuluyan ng manghihina ang katawan niya. I'm sorry to say this but your son has only time to live”
Kung hindi lang ako nasalo ni Liam ay baka nahulog na ako sa sahig. Lalo akong napahagulgol sa bisig niya. Hindi pwede! Kailangang mabuhay ni Drake. Hindi niya ako pwedeng iwan!
Nang gabing din yun naging stable ang kondisyon ni Drake. Nang magising siya ay agad rin silang lumuwas ng ibang bansa para ituloy ang surgical operation. Yun nalang ang tanging pag-asa namin. Masakit para sa akin na mawala siya sa paningin ko pero mas masakit kapag tuluyan ko na siyang hindi makikita. Katulad ng sinabi ko, kakapit parin ako kahit na maliit lang ang pag-asang makasurvive siya. I know he can make it, Drake won't fail me. Babalik siya rito. Babalikan niya ako.
Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Isang linggo makalipas ng pag-alis ni Drake ay nakatanggap ako ng tawag galing sa mommy niya.
Sa isang tawag gumuho bigla ang mundo ko.
“Tita? Kamusta na po si Drake? Pakisabi naman po sa kanya na sobrang namimiss ko na siya. Pakisabi po hihintayin ko siya rito” tinakpan ko ang bibig ko para maiwasang makalikha ng kung anong ingay dahil sa pag-iyak.
Drake's mom was crying in the other line. Ayokong mag-isip ng kung ano. Alam kong babalik si Drake dito. Matapang siya! Kayang kaya niyang lagpasan ang pagsubok na 'to.
“He's gone. He already left us, hija. Patay na ang anak ko”
I wanted to forget this kind of pain. I wanted to shout to release myself from agony.
Umakyat agad ako sa taas at naghakot ng gamit. Wala ako sa katinuan. Kung ano ang mapulot ko inilalagay ko agad sa maleta.
"Anak! Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"
"Mommy! Pupuntahan ko si Drake sa America! Niloloko lang nila ako! Hindi totoong patay na si Drake! Babalikan niya ako! Alam kong mahal niya ako. Hindi niya ako iiwan!" iyak ko. Niyakap ako ni Mommy ng napakahigpit pero patuloy parin ako sa pag-iyak. Naramdaman ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko.
The pain.. It's slowly killing me.
Slowly.. but painful.
