Sinamaan muna niya ako ng tingin bago umiling at bumalik sa ginagawa. "Ang kulit mo"
Natawa ako dahil naalala kong ganitong ganito siya dati, ang bilis niyang mapikon sa kakulitan ko.
"Why are you laughing?"
Hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya tsaka umiling.
"Wala. I'm just happy"
Masaya ako kasi kasama kita at nakaka-usap kita ng ganito. Masayang masaya ako.
"Walang nakakatawa pero tumatawa ka nalang bigla. Nababaliw kana ba?"
Oo, baliw na ako.... sayo. Ang landi, Autumn! Ngumiti lang ako sa kanya.
Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko para may oras akong titigan si Drake. Siguro hindi na niya mapapansin yon dahil sobrang busy niya. Kung ganito lang naman pala willing na willing akong gumawa ng sandamakmak na paper works at makulong sa loob ng office basta si Drake ang kasama.
Lalo akong sumiksik sa waiting area dahil lalong lumakas ang ulan. Ang lakas pa ng hangin kaya paminsan-minsan kahit nasa silong ako ay nababasa parin ako. Nag-aabang ako ng taxi kanina tapos bigla nalang umulan kaya napasilong ako dito. Hindi ko na kasi dinala ang sasakyan dahil hinatid ako ni Liam kanina pagpasok namin dito sa campus, gusto pa nga niyang hintayin ako sa labas ng SC office hanggang sa matapos ako sa ginagawa ko pero hindi ako pumayag. Alam ko kasing maiinip lang siya kahihintay.
Itetext ko nalang si Mommy para sunduin ako. Inilabas ko ang cellphone mula sa bag pero para akong pinagbagsakan ng ilang sakong bigas n'ong makitang dead battery pala. Kapag kailangan na kailangan tsaka naman malolowbat.
Kung alam ko lang na uulan ng ganito kalakas sana pala nakisabay nalang ako kay Drake. Sana kinapalan ko na ang mukha ko at naki-angkas nalang sa sasakyan niya.
Sa bawat paghampas ng hangin ay napapangatal ako at napapahaplos sa balat. Ang lamig! Natatalsikan ako ng ulan dahil tinatangay yon ng malakas na hangin. Nakaupo ako sa upuan dito sa waiting area habang yakap yakap ang sarili.
Nasinag ako sa ilaw na nagmumula sa kotse na pumarada sa harapan ko. Pamilyar na pamilyar ang kotse na 'to sa akin.
Bumaba ang windshield ng kotse.
“Get in!” sigaw niya.
Malakas ang hangin at mabigat ang patak ng ulan. Maingay ang tunog nito pero rinig ko parin ang sinabi niya kaso nga lang ay hindi agad yon rumihestro sa utak ko. Pinapasakay niya ako sa kotse niya? Tama ba ako ng rinig?
Nagbusina siya ng ilang ulit. “I said, Get in!”
Bago pa magbago ang isip niya ay patakbo na akong pumunta sa pinto ng passengers seat at mabilis na pumasok sa loob. Basang basa na ako dahil sa ulan tapos lalo akong nilamig dahil sa aircon ng sasakyan ni Drake.
“Your Mom texted me. Ihatid daw kita sa inyo”
So, napilitan lang siya gan'on? Akala ko pa naman gusto niya akong ihatid sa bahay kasi concern siya sa'kin yon pala tinext siya ni Mommy. Hindi ko alam na may communication pa silang dalawa.
Inabot niya ang towel sa likod at binigay sa'kin. “You're wet” sabi niya na mukhang naiirita. Naiinis siguro siya dahil nabasa ang loob ng kotse niya ng dahil sa akin.