Hanggang sa pumasok ang imahe ni Drake sa isip ko. Umiwas agad ako ng tingin at iwinaksi ang nararamdaman.
Kay Drake lang dapat ako tumingin ng ganon hindi ba? Sa kanya lang dapat ako makaramdam ng ganito.
Nilampasan ko ang lalaki pero halos mapaso ako nang hawakan niya ako sa braso.
"You forgot your key, Miss"
Nahulog siguro 'yon nung makabangga ko siya. Nanginginig ang kamay kong kinuha 'yon sa palad niya. Hindi na ulit ako tumingin sa kanya at lakad takbong tinungo ang parking lot. Kinalma ko muna ang sarili bago ko pinaandar ang kotse.
Isang oras din ang byahe bago ko marating ang Drake's Haven. Hanggang ngayon mailap parin ang tao dito at nanatiling sekreto ang lugar na 'to. Marami ng nagbago, mas gumanda ang view sa ibaba. Marami ng pinatayong buildings, mga hotel and restaurant ang iba. Kitang kita ko ang buong siyudad. Mas masaya sana kung nandito siya, kung kasama ko siya.
"If you think you're alone and you think you can't handle the pain anymore then just visit this place. This place can make you feel better, Autumn. Isipin mo palaging nandito ako, binabantayan ka"
Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noong unang beses niya akong dinala dito. Kapag namimiss ko siya at nalulungkot dito ako palaging pumupunta. Madalas ko siyang mamiss, kaya madalas din ako rito.
Para akong bumalik sa panahon dahil nakikita ko ang batang ako at si Drake. Natatandaan ko ito! Yan yung unang beses niya akong dinala sa lugar na 'to.
"You're creeping me out! Bakit mo ba sinasabi 'yan?! Don't tell me you're going to leave me again!"
Nakatingin ako sa imahe ko. Nangingilid ang luha sa mata ko at naroon din ang takot.
"No" sagot niya.
"Next time. Don't try to run away from me!"
"I won't, love"
Sa imahe nakita ko ang sarili ko na niyakap si Drake ng napakahigpit. Natatakot na iwan niya ako at mawala siya bigla.
Tuluyan akong napaluha nang unti-unting mawala ang imahe. Sabi niya sa akin noon hindi niya ako iiwan. Kung ganon nasaan na siya ngayon?
Tumingin ako sa langit. Alam kong nandyan na siya, nagpapahinga na siya at sana masaya siya. Nakikita niya ba ako ngayon? Masaya ba siya dahil naging successful ako sa career ko? Totoo bang binabantayan niya ako ngayon?
Umihip ng malakas ang hangin at nanuuot 'yon sa balat ko. Para ako nitong hinahaplos at niyayakap. Ipinikit ko ang mata at inisip ang mukha niya. Sunod sunod ang naging pagpatak ng mga luha ko.
Miss na miss na kita. Why do you have to leave me, Drake? Nararamdaman mo ba ang pagkamiss ko sa'yo? Sana sa second life tayo na ang magkatuluyan. Sana wala ka ng sakit sa oras na 'yon at tatanda tayo ng sabay. I love you so much.
Umihip ang malakas na hangin at tumama sa mukha ko. Iminulat ko ang mata na tuyo na ang luha sa pisngi. Napangiti ako. Gumagawa talaga siya ng paraan para punasan ang mga luha ko.
Tinignan ko pa ng isang beses ang langit. Ang paraan para hindi makalimutan ang isang tao ay ang patuloy na pagmamahal sa kanila. Dahil ang totoong pagmamahal ay hindi nakakalimot.
--
Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I groaned! Tumingin ako sa nakabukas kong bintana. Mataas na ang sikat ng araw! Mas lalong sumakit ang ulo ko noong sunod sunod na tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa night table.
