C H A P T E R (43)

263 11 3
                                    

Nakita ko kung paano umiyak ang mommy ni Drake. Nagalit ang Daddy niya sa kanya dahil sa pagsesekreto sa sakit niya pero sa huli umiyak rin ito. Parang pinupunit ang puso ko habang nakatingin kay Drake na sinusubukang maging masaya sa harap ng magulang niya.

I was seated in the uncomfortable chair beside his bed. Nakatayo naman ang mga magulang niya habang kausap ang doctor, which I think ay ang Daddy ni Lory.

“Doc, bata pa po ang anak ko. Paanong nangyari yun?” iyak ng Mommy ni Drake.

“People can get brain tumors at any age. His brain tumor was on his brainstem, we couldn't get it all out. It was huge and aggressive, Mrs. Sarmiento. I'm sorry to say this but it's too late now.”

Parang  punyal ang mga salita ng doctor na tumusok sa dibdib ko. Doctor siya! Kailangan niyang humanap ng paraan para pagalingin si Drake! Hindi yung siya pa itong nagiging dahilan para mawalan kami ng pag-asang lumaban!

"Bakit hindi mo sinabi sa amin ang tungkol dito, anak?" umiiyak na tanong ni Tita.

“Telling you won't change anything. Mamamatay rin naman ako” he joked trying to lighten the mood pero lalo lang kaming natahimik. "Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin. Alam kong ganyan ang magiging reaksyon niyong lahat. Ayokong makita kayong nasasaktan, tama na 'yung ako lang” nabasag ang boses niya.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong pinipigilan lang niya ang pagtulo ng mga luhang nagtatago sa  nakangiti niyang mata.

Hindi ko kinaya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Umiyak ako sa bisig niya. Ayokong bumitaw. Natatakot akong baka tuluyan na siyang maglaho sa pagkakayakap ko. The feeling when it hurts and you can't do anything about it.

--

It had been a few days now. Umuwi na si Drake sa bahay nila dahil ayaw niya sa amoy ng ospital. Mapilit siya kaya siya ang nasunod sa huli.

“Ano ba, Drake! Bumalik ka doon sa wheel chair!”

Umiling siya at ngumuso. Tinapik ko nalang ang noo ko. Ang tigas talaga ng ulo!

"I won't need that anymore. Look at me. Kaya ko ng maglakad ulit" mayabang siyang naglakad palapit sa akin. "See?" ngisi niya.

Napailing nalang ako sa kakulitan niya. Pinagtuunan ko nalang ang ginagawa ko. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa mga cupcakes na sunog. Sayang naman ang mga 'to.

“Makakain ba 'to?” nakakunot noo siya habang tinitignan ang cupcake na ginawa ko.

“Pumalpak eh”

“Lagi namang ganyan ang resulta”

Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang siya sa akin at pinigilan ang pagtawa. Napansin kong napapadalas ang pang-aasar niya sa akin nitong nagdaang  araw.

"Wag mong kainin 'yan hintayin mo nalang yung second batch na ginagawa ko. Nandoon pa sa oven" sabi ko. Nakita ko kasing hindi matanggal ang tingin niya sa mga sunog na cupcake. Tumunog ang oven kaya isinuot ko ulit ang gloves para kunin ang mga cupcakes.

“Kukunin mo? Ako nalang  baka mapaso ka pa” nag-aalalang sabi niya.

“OA mo. Kaya ko 'to!”

Binuksan ko ang oven at dahan dahan inilabas ang second batch na cupcake na ginawa ko. Halos kuminang ang mata ko nung makitang maayos ang kinalabasan.


Nilagyan ko ng toppings ang cupcake. Akala ko pinapanuod ni Drake ang ginagawa ko pero nagulat ako nang makitang sa akin siya nakatingin. Bigla tuloy akong nailang.

“Wait a second” kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at dahan dahan pinunasan ang buong mukha ko. "You're sweating so hard"

Namula ang mukha ko. I instinctively reached for his hand, gripping onto it tightly with a slight curve down on my lips.

Naputol ang kilig ko noong marinig ko ang sunod na sinabi niya.

“Baka malaglag ang pawis mo sa cupcake. Baka umalat pa”

Sumimangot ako sa kanya. Tumawa siya nang makita ang reaksyon ko. Saglit akong natigilan, tumitig ako sa mukha niya. Sana palagi siyang masaya. Unti-unti na ring bumabalik ang katawan niya, hindi na ganung kapayat katulad ng dati.

"How was it?" tanong ko nang makitang tapos na niyang kainin ang isang cupcake.

"Perfect" sabi niya.

Pinigil ko ang pagngiti at sumimangot kunwari. "You're kidding, right?”

Hinawakan niya ako sa baba ko.

“I’m not going to say I’m kidding, you know? Not when it’s true.”

“Che!” I breathed out, shoving his hand away. He chuckled and held onto my hand with both of his, knowing just how well whenever his voice coaxed around me right, I’d be a blushing mess – he liked that.

"Hello there, lovers!"

"Matagal pa ba ang cupcake? Gutom na kami!"

They stood in front of the kitchen door, peeking through the small line between the door and the frame, eyeing us carefully. Nakita ko doon si Liam, Ethan, Raiko, Mika, Inigo, nandun rin si Ericka... at isa pang Ericka ang nakita ko pero ang isang 'to ay may mahabang buhok.

Hindi ba ako namamalik mata? Bakit dalawang Ericka ang nakikita ko?

"Samantha” narinig kong sabi ni Drake. “Kailan ka pa dumating?” tanong niya.

Siya si Samantha?!

"Kagabi lang" nakangiting sagot niya. Lumapit siya sa amin. Tumingin siya sa akin.

Kambal sila ni Ericka? So, totoo pala ang narinig ko sa usapan ni Ericka at Liam sa Baguio?

“Kambal kayo ni Ericka?” parang tangang tanong ko kahit kitang kita naman na kambal sila.

Lahat sila natawa dahil sa reaksyon ko. Don't tell me ako lang ang walang alam?

“I've heard a lot about you. So, the rumors are true, you're really a beauty” sabi niya. Nailang ako at lalong namula.

Inasar naman ako ni Mika kaya nagtawanan ang lahat.

Pumunta kami sa sala at doon nagkwentuhan. Masyado akong naaliw kay Ericka at Samantha kaya hindi ko napansin ang pagkawala ni Liam at Drake. Nasaan ang dalawang 'yon?


Hinanap ko sila sa loob ng bahay pero hindi ko sila makita. Nahagip ng mata ko ang veranda, pumunta ako roon at hindi nga ako nabigo.

Naabutan kong nagtatawanan si Liam at si Drake na para bang malapit sila sa isa't isa at walang alitang namamagitan. Sumandal ako sa pader at pinanuod sila. Matagal kong ipinagdasal ito, ang magkaayos silang dalawa. Nagtawanan ang dalawa pero nangibabaw sa pandinig ko ang masayang tawa ni Drake. His laugh is like a melody to my ears.

Drake manipulated us. He made us loathe him. Wala siyang pakialam kung magalit at kamuhian namin siya. For what? To save us for future heart aches. Doon siya nagkamali, dahil kahit anong gawin niya para iiwas kami sa mga posibleng sakit na mararanasan namin, mabibigo at mabibigo parin siya. People can't avoid future heart aches, we will get hurt and cry, that's the consequences of life.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon