Nakita ko ang pag-ngiti niya kasabay nun ang pag-ilaw ng buong hall. Kaming dalawa lang ang nasa gitna ng dance floor. He was wearing a three piece suit and his hair was sexy pushed back. Nakatingin lang ako sa kanya habang dahan dahan niyang tinatanggal ang maskara niya. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng kaba.
Simula noong una ko siyang nakita, noong nagkabanggaan kami sa Saavedra Company gusto ko ng makita ang mga mata niya. Hindi ako makapaniwalang makikita ko na 'yon ngayon.
Napasinghap ako noong tuluyan na niyang natanggal ang maskara. Nagtama ang aming mga mata. Bigla nalang pinagpawisan ang kamay ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. The way he stared at me.. It was so familiar.
Ang mga mata niya. Bakit ganoon? Bakit parehas sila ng mata ni Drake?
My hearts slightly falls, with each passing second, the intensity of his gaze unnerving more and more. That hazel brown orbs na kaya akong pakalmahin. Na kapag tumitig ako sa matang 'yan nawawala ako sa huwisyo, kinukulong ako at wala akong ibang magawa kundi magpaubaya.
Napatutop ako ng bibig. Umiling ako ng ilang beses. Impossible! Nagkataon lang ba na parehas sila ng mata? Pero bakit ganito? Bakit kapag malapit siya sa akin nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman ko kay Drake?
"Love" he whispered.
Minumulto ba ako ni Drake o baka naman pinagtitripan lang ako ni Hunter? Si Drake ba ang nasa harapan ko o baka naman I just missed him that much that I am imagining the impossibles?
My tears began to fall. Imposibleng mangyari 'to. Pitong taon na siyang wala!
“I already told you before that I hate seeing you cry” buntong hininga niya. Umabante siya pero umatras ako ng dalawang beses habang umiiling.
“No! M-Matagal ng patay... si D-Drake!”
But I am holding to that little faith of mine. Sana totoo nalang. Sana totoong nakatayo siya sa harap ko. Sana totoo nalang na buhay siya.
Hindi ko alam kung paano siya nakalapit sa akin. Hawak na niya ngayon ang magkabilang kamay ko habang pinipilit na hulihin ang mata ko. He held my chin and made me look at him. Punong puno ng luha ang mata ko, he immediately wipe my tears away using his thumb.
Kinulong niya ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya. Napahikbi ako sa haplos ng palad niya sa pisngi ko. Pitong taon akong nangulila sa mga haplos niya at hindi ako makapaniwalang nandito na siya, hawak hawak ako.
“Matagal kong hinintay ang araw na 'to. Pasensya na kung natagalan ako. I'm sorry kung kailangan mo pang umiyak araw-araw dahil sa akin. Patawad kung kailangan ko pang magsinungaling sa'yo."
Yumuko ako. Another batch of tears scaped from my eyes. Kinagat ko ang labi ko ng madiin. "W-Why? Pinaniwala mo akong patay kana. B-Bakit Drake?"
Pitong taon akong nagluksa. Nagluksa ako sa isang kasinungalingan. Akala ko patay na siya! Hindi niya alam kung gaano kasakit.
He deeply exhaled before he looked away from me. "Nakiusap ako kay Mom bago isagawa ang operasyon. Gusto kong palabasin na patay na ako dahil maliit lang ang chance na mabuhay ako sa operasyon na 'yon. Ayaw kitang paasahin. Akala ko kasi mamamatay ako. Akala ko wala ng pag-asa"
I saw a glint of tears on his eyes noong tumingin siya sa akin. He swallowed hard then I saw how his Adam's apple moved up and down.
"But miracle happened. God is good dahil tinupad niya ang dasal ko. Nagtagumpay ang operasyon pero kailangan ko pa ring dumaan sa ilang test para makasigurado na cancer free na talaga ako. Inabot ako ng ilang taon doon para magpagaling. Tiniis ko ang mahabang panahon na hindi ka makasama para kapag nagkita ulit tayo magaling na ako. Pwede na ulit. Para kapag nagkita ulit tayo matutupad ko na ang pangako ko sa'yo. Ang pakasalan at makasama ka habang buhay"
