C H A P T E R (11)

663 32 9
                                    


Week end has come. Kapag ganitong araw wala akong ibang ginagawa kundi gawin ang mga homeworks o di kaya mga unfinished school works ko.

Pero dahil sasamahan ko si Liam kung saan man 'yon, naligo ako ng maaga. Denim jeans at long sleeves ang isinuot ko. Baka kasi sa bundok ako dalhin ng lalaking 'yon o di kaya sa bukid. Mas mabuti na 'yong ready.

"Nak. May bisita ka!"

Bisita? Baka si Liam na 'yon.

Hindi man lang siya nagtext sa akin na pupunta na siya dito sa bahay. Wala naman akong ginagawa sa taas kaya bumaba na ako. Nakita ko si Liam na nakaupo sa couch habang kausap ang Mommy ko.

"Ang pogi mo naman. Manliligaw ka ba ng anak ko? Manang mana talaga sa'kin ang batang 'yon. Magaling pumili ng magiging boyfriend"

Nahagip ako ng mata ni Mommy. Pinalapit niya ako sa kanila.

"May pupuntahan daw kayo? Nagpaalam sa akin si Liam" pinanliitan ako ng mata ni Mommy. "May date ba kayo? Siya na ba ang magiging son in law ko? Ang gwapo gwapo niya, anak. Boto ako sa kanya para sayo"

Ang sabi niya dati boto siya kay Drake tapos ngayon si Liam naman? Ang gulo ni Mommy.

"My naman. Kaibigan ko lang po si Liam"

Kahit palagi akong inaasar ni Liam kinoconsider ko parin siya bilang kaibigan.

"Mom, Aalis na po kami"

Hindi pinansin ni Mommy ang sinabi ko. Tumingin siya kay Liam at matamis na ngumiti.

"Ingatan mo anak ko ha, son in law?"

Son in law?!

"Opo, tita"

Hinila ko na si Liam palabas ng bahay. Baka kung ano pa ang sabihin ni Mommy sa kanya.

"Ganun talaga si Mommy, palabiro" sabi ko habang sumasakay sa kotse niya.

"Parang hindi naman," natatawang sagot niya saka pinaandar na ang sasakyan.

"Where are we going?" I asked diverting the topic.

"You'll see"

I pouted. Kapag tinatanong ko siya kung saan kami pupunta hindi niya sinasagot ng maayos.

"Anong nginunguso-nguso mo dyan?" tanong niya.

"Wala"

"Sure kang wala lang?" he looked at me and smirked. "Gusto mo lang atang halikan kita e" sabi niya bago ibalik ang tingin sa daan.

"Ang kapal mo! Bakit ko naman gugustuhing magpahalik sayo?" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Ayaw kong ipakita sa kanya na namumula ang mukha ko. Hindi ako comfortable sa ganitong mga topic.

"Kasi gwapo ako" he beamed. Then suddenly, bigla siyang tumawa.

He's really something. Ang weird niya. Wala namang nakakatawa pero tumatawa siya.

"At ano namang nakakatawa? You're crazy"

Ihininto niya ang kotse sa isang tabi. Mabuti nalang walang masyadong dumadaan na ibang kotse sa bandang 'to.

"May naalala lang ako." ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "Biruin mo 'yon, hindi pa tayo magkakilala nun tapos hinalikan mo na agad ako. You're a good kisser, by the way!" he winked at me and I shivered.

Ano bang lumalabas sa bibig ni Liam? Ayoko ng alalahanin ang araw na 'yon. Sobrang nakakahiya. Hindi siya tumitigil sa pang-aasar sa akin kaya tinakpan ko ng dalawang palad ang magkabilang tenga ko.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon