Hindi ko alam kung paano nangyari pero kinabukasan kumalat sa buong campus na break na kami ni Liam. Hindi ko alam kung kanino nagmula ang balitang 'yon, pagpasok ko 'yon ang naririnig kong bulungan.
Maybe maganda na rin na ganito, yung isipan nilang wala na kami ni Liam. After all wala naman talagang kami. Isa lang yung pagpapanggap.
Hindi na nagpakita sa akin si Liam at kung sakaling magkita man kami hindi ko alam ang sasabihin at iaakto ko.
I need fresh air to relax a bit and to calm my nerves. Hindi ko na kasi makayanan ang mga naririnig kong gossips tungkol sa amin ni Liam. Bakit ba ang galing gumawa ng maling kwento ng mga tao? May sarili naman silang buhay bakit kailangan pa nilang pakialaman ang buhay namin?
Kadarating ko lang sa rooftop nun nang mag-ring ang cellphone ko.
"Hello, Mika?"
"Where are you right now?"
Nahimigan ko ang pagiging seryoso sa boses niya kaya kumunot ang noo ko.
"Nasa rooftop. Why?"
"Pupunta ako dyan, hintayin mo ako" pagkatapos niyang sabihin 'yon ibinaba na niya ang tawag.
True enough- wala pang isang minuto n'ong dumating si Mika dito sa rooftop.
"What happened, Autumn? Ano 'tong mga naririnig ko? Wala na kayo ni Thirdy?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala naman talagang kami, Mika. Alam mo 'yon"
"Una kong kinausap si Liam tungkol dito pero hindi naman niya ako sinasagot! He looked fucking devastated. Hindi ko maintindihan. May nangyari ba? Nag-away ba kayo?"
Natahimik ako saglit. Alam ni Mika ang tungkol sa amin ni Liam kaya mas mabuting sabihin ko nalang sa kanya ang lahat.
"Umamin siya sa akin, Mika. Sinabi niyang mahal niya ako"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Inamin na niya sa'yo?!"
"Teka-- alam mo ba ang tungkol doon?"
"Hindi ako tanga, Autumn at lalo akong hindi manhid katulad mo! Malamang mapapansin ko 'yon" she said, there's no humor in her voice.
"I didn't wish for this Mika. You know I'm still hang up on someone else"
"Kalimutan mo na si Drake, Autumn! May girlfriend na siya. Why don't you start a new one? Open your eyes. Subukan mong buksan ang puso mo sa ibang tao malay mo tuluyan mo ng makalimutan si Drake 'di ba?!"
"No, Mika. Hindi ako gagamit ng ibang tao para kalimutan si Drake"
I know how badly it hurts!
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Autumn?! Ayaw mong manggamit ng tao?! Ano ang tawag sa ginawa mo kay Liam, hindi ba panggagamit 'yon?! You used him! You're a user! Bakit hindi mo nalang sagadin 'di ba?! Ano, ganito nalang?! Pagkatapos mong gamitin si Liam itatapon mo nalang siya?!"
Tears escape from my eyes. Akala ko maiintindihan niya ako pero hindi pala. Ang sakit niyang magsalita. Hindi ba niya naisip na pwede akong masaktan sa mga sinasabi niya?
"Yes, truth fucking hurts, Autumn. You're a user, simula palang. Kung wala lang ang pesteng deal na 'yan hindi siya mahuhulog sa'yo. This is your fucking mess, ikaw ang may responsibilidad dito. Kung hindi mo siya hinila noon at hinalikan, kung hindi mo siya pinakilala bilang boyfriend mo sa tingin mo ba mangyayari 'to?! Hindi! Puro ka nalang kasi Drake kahit na hindi kana mahal n'ong tao pinipilit mo pa yang sarili mo!"
Iniwan niya akong umiiyak sa rooftop. Bakit ba lahat nalang ng kaibigan ko iniiwan ako?
Anong gusto niyang gawin ko? Tanggapin si Liam at magkunwaring mahal ko siya? Kapag ginawa ko 'yon pareho lang kaming masasaktan na dalawa.
I could not help but cry. Ako nalang ba ang laging mali? Bakit gan'on? Bakit hindi nila maintindihan ang dahilan ko? Bakit sa dulo ako pa yung lumalabas na masama?
"Will you please lessen your sobs? Tss, too loud it's kenda annoying"
I frozed. Nagulat ako n'ong makita ko si Drake na nakahiga sa bench. Nahulog ang libro na tumatakip sa mukha niya n'ong umayos siya ng upo.
Lumaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Magulo ang kanyang buhok at mas lalong sumingkit ang singkit niyang mata. Mukhang naistorbo ko siya sa pagkakatulog niya. Sana nga kagigising lang niya at hindi narinig ang usapan namin ni Mika.
"W-What are you doing here?" masyado akong nabigla sa pagkakakita sa kanya na pati ang luha ko umurong.
"I was peacefully sleeping pero ang ingay mo umiyak kaya nagising ako"
Nagising siya dahil sa iyak ko? Kung gan'on hindi nga niya kami narinig kanina. Mabuti naman kung gan'on.
"B-Bakit ka dito natutulog? May office ka naman 'di ba?
Kumunot ang noo niya. Sanay na ako sa ganyang ekpresyon niya. Madalas siyang ganyan kapag tumitingin sa akin e.
"Gusto ko e. Pakialam mo?"
Hindi man lang ba niya itatanong kung bakit umiiyak ako? As if naman na may pakialam siya. Tsaka kapag nagtanong siya anong isasagot ko 'di ba? Mas mabuti na yung ganito.
"Saan ka pupunta?" tanong ko n'ong makita ko siyang tumayo. "Aalis kana?"
"Yeah. May problema ka ba dun?" nagtaas siya ng kilay.
Dumiin ang magkakalapat ng labi ko atsaka umiling. Gusto ko pa sana siyang makasama pero wala naman akong karapatang i-demand 'yon sa kanya kasi hindi niya ako kaibigan at lalong hindi girlfriend.
I never like the sight of him walking away from me. Pero ito lang ang kaya kong gawin, ang panuorin siyang maglakad palayo sa akin.
Masakit kapag ang taong itinuturing mong mundo hindi kana gustong maging parte ng mundo nila. Then, I realised na hindi dapat ginagawang mundo ang isang tao lang kasi kapag nawala na ang taong 'yon, you'd probably lose yourself. Ikaw ang kawawa sa huli.