"What the heck, Autumn?! Are you f*cking serious?!"
Napahilamos ako sa mukha dahil sa reaksyon ni Mika. Hinila ko siya pabalik sa pagkakaupo.
"Your mouth, Mika"
Umikot lang ang mata niya na para bang walang pakialam kahit na marinig siyang magmura ng lahat ng studyante rito sa cafeteria.
"You really did that?! You f*cking kissed a stranger?!"
"Wag ka ngang maingay baka marinig ka ng mga studyante rito. Ang lakas ng boses mo" bulong ko sa kanya habang pasimpleng iginagala ang mata sa loob ng cafeteria.
"Nahihiya ka ganun? Aba'y dapat lang talagang mahiya ka. Ano ba naman yan, Autumn. Alam kong tanga ka pero hindi ko alam na ganito katanga"
Sinamaan ko siya ng tingin pero humalakhak lang siya.
"Ginawa ko lang naman yun para hindi mapahiya sa harapan nila. Ayokong malaman nila na hanggang ngayon hindi parin ako nakakalimot at na may feelings parin ako sa kanya"
Ngumuso ako at pumahalumbaba sa table.
"Bakit kasi hindi mo nalang kalimutan ang lalaking yun? Marami pang iba dyan"
"Hindi yun ganun kadali, Mika"
"Sus. Ang sabihin mo hindi mo sinusubukan. Mahirap pero kapag pursigido ka magagawa mo yun!"
Ngumuso ulit ako. Hindi ko mapagkakailang may punto siya sa bagay na 'yon.
People change, people left but memory remains. Masyado kaming maraming magandang alaala para kalimutan ko kaagad siya. Hindi yun ganun kadali. Hindi 'yon chewing gum na kapag wala ng lasa ay iluluwa mo nalang.
Lumaki ang mata ko nung makita si Drake na pumasok sa cafeteria. Maayos ang estilo ng buhok niya at walang bakas na gusot sa kanyang uniporme. Karamihan sa mga babae ay napatingin sa gawi niya. Walang pinapakitang emosyon ang kanyang mukha habang nakapalmusang naglalakad. One fact about him is that he doesn't really care about his sorroundings. Mamatay kana sa kakatingin sa kanya pero di ka talaga niyan papansinin maliban nalang kung ikaw ang unang lumapit sa kanya at mag-start ng conversation.
Nakanguso ko siyang tinitignan habang papunta siya sa counter. Mahaba ang pila doon at karamihan ay mga babae. Nasa dulo siya ng pila pero wala pang ilang minuto ay nagsigilid ang mga babaeng nasa unahang pila habang naghahagikhikan.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang pagtiim bagang. He really loathes attention, huh.
Mabilis siyang nakaorder. Bitbit niya ang isang tray gamit lang ang isang kamay. Kunot noo siya at masama ang timpla ng mukha. Ganyan talaga siya noon pa. Konting bagay na hindi niya gusto, iritado na siya agad.
Pumwesto siya sa isang vacant table na hindi masyadong malayo sa akin.
"Sino ba yang tinitignan mo? Halos mabali na yang leeg mo kakatingin"
"Ha? Wala!" tumikhim ako at pasimpleng sumipsip sa pineapple juice.
Nanliit ang mata niya sa akin. Mabuti nalang at sa bandang likuran niya nakapwesto si Drake.
Tumingin ako sa pwesto niya pero nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Napaubo ako at halos matapon ang iniinom na juice.
Naghihinala na si Mika sa mga kinikilos ko kaya umakto ako ng normal. Baka mahalata niya kasing si Drake ang tinitignan ko at tuluyan na niya akong tusukin ng hawak niyang tinidor.
Kumuha ako ng tissue para punasan ang bibig. Tumingin ulit ako sa pwesto ni Drake pero hindi na siya nakatingin sa akin. Bakit parang nakaramdam pa ako ng disappoinment? Hays.